Difference between revisions of "Leonor Rivera"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
 
Line 1: Line 1:
 
''Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan [https://en.wikipilipinas.org/view/Leonor_Rivera ito].''
 
''Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan [https://en.wikipilipinas.org/view/Leonor_Rivera ito].''
 
  
 
Si '''Leonor Rivera''' ay isa sa mga babaeng sinasabing nagkaroon ng relasyon kay [[Jose Rizal]].
 
Si '''Leonor Rivera''' ay isa sa mga babaeng sinasabing nagkaroon ng relasyon kay [[Jose Rizal]].
Line 15: Line 14:
  
 
==Mga Sanggunian==
 
==Mga Sanggunian==
Lirio, Gerry, [http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=20081230-180569 Women first in the heart of the First Filipino] Philippine Daily Inquirer (Hinango noong Agosto 3, 2010)
+
*Lirio, Gerry, [http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=20081230-180569 Women first in the heart of the First Filipino] Philippine Daily Inquirer (Hinango noong Agosto 3, 2010)
 
+
*[http://cbc1008.blogspot.com/2005/06/mga-kababaihang-nasangkot-kay-pepe.html Mga kababaihang nasangkot kay Pepe] (Hinango noong Agosto 3, 2010)
[http://cbc1008.blogspot.com/2005/06/mga-kababaihang-nasangkot-kay-pepe.html Mga kababaihang nasangkot kay Pepe] (Hinango noong Agosto 3, 2010)
+
*[http://www.pinoyhenyo.com/biography_of_the_girlfriends-20080922044113367.html Biography of the girlfriends] Pinoy Henyo (Hinango noong Agosto 3, 2010)
 
 
[http://www.pinoyhenyo.com/biography_of_the_girlfriends-20080922044113367.html Biography of the girlfriends] Pinoy Henyo (Hinango noong Agosto 3, 2010)
 
  
 +
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[[Category: Rizaliana]]
 
[[Category: Rizaliana]]
 
[[Category: Kasaysayan]]
 
[[Category: Kasaysayan]]
 
[[Category: Quincentenario]]
 
[[Category: Quincentenario]]
 
[[Category: Panahon ng mga Espanyol]]
 
[[Category: Panahon ng mga Espanyol]]

Latest revision as of 08:05, 27 June 2021

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Leonor Rivera ay isa sa mga babaeng sinasabing nagkaroon ng relasyon kay Jose Rizal.

Deskripsyon

Inihahalintulad si Rivera kay Maria Clara (isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela ni Rizal na Noli Me Tangere) dahil sa kaniyang pisikal na anyo, pag-uugali, at sa mga karanasan niya bilang karelasyon ni Rizal. Siya raw ay may kaliitan, may malapad na noo, maalon-along buhok, matang mapupungay, mapanimdim na bibig, at nakaaaliw na biloy. Mayroon rin umano siyang magandang boses at marunong tumugtog ng piyano

Relasyon kay Rizal

Si Rivera ang natatanging babae sa buhay ni Rizal na may pinakamahabang relasyon sa kaniya na tumagal sa 11 taon pagmamahalan. Si Rivera ay sinasabing pinsan ni Rizal dahil siya ay anak ng tiyo ni Rizal na si Antonio Rivera.

Labingwalong taong gulang noon si Rizal samantalang 12 taong gulang naman si Rivera nang una silang magkita. Nang magtungo si Rizal sa Madrid, hindi naputol ang kanilang relasyon ngunit sinasabing mas umusbong pa ito sa pamamagitan ng liham na may lapat na mga kodigo. Subalit, matapos ang anim na taon ng pagsusulatan ay naputol ang ugnayan ng dalawa dahil itinatago ng ina ni Rivera ang mga liham ni Rizal. Ito ay dala ng pagtutol ng ina ni Rivera sa relasyon ng dalawa dahil itinuring niya si Rizal bilang isang filibustero.

Nang umuwi si Rizal buhat sa Europa noong 1887, nais niyang dalawin at pakasalan na si Leonor ngunit dahil isang masunuring anak, hindi niya naisakatuparan ang plano sapagkat hindi pinayagan ng ama. Kalaunan, sa inaakalang pagkalimot ni Rizal ay nakipagkalas siya sa binata noong 1890 at napagpasyahang magpakasal kay Henry Kipping, isang Ingles na pinili ng ina ng dalaga. Sa isang banda, ang pagpapakasal ni Leonor Riveraa kay Henry Kipping ay isang napasakit na balita kay Rizal habang siya ay nasa sa ibang bansa.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.