Leni Robredo

From Wikfilipino
Revision as of 11:19, 24 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "{{Infobox officeholder | honorific-prefix = Ang Kagalang-galang | name = Maria Leonor G. Robredo | image = 14th Vice President of the Philippines Leni Robr...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox officeholder

Si Maria Leonor "Leni" Santo Tomas Gerona-Robredo (isinilang noong Abril 23, 1964[1][2][3]) higit na kilala sa pangalang Leni Robredo ay isang Pilipinong tagapagtanggol, aktibista, at pulitiko na iprinoklama bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng naging Pangalawang Pangulo pagkatapos ni Gloria Macapagal Arroyo at ang pinakaunang Pangalawang Pangulo mula sa Rehiyon ng Bikol.

Unang napansin ng publiko si Robrero noong 2012 pagkatapos ang kamatayan ng kanyang asawang si Jesse Robredo, Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal, nang bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano sa baybayin ng Pulo ng Masbate. Bago ang aksidente, ang kanyang pampublikong buhay ay kadalasang nakalahok sa pagiging manananggol at aktibistang panlipunan. Pagkatapos ng aksidente, tumakbo siya sa halalan noong 2013 at nanalo bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng lalawigan ng Camarines Sur sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas para sa Ikalabing-anim na Kongreso ng Pilipinas, ang posisyong kanyang ginampanan hanggang siya ay pasinayaan bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 2016.

Pagkabata at edukasyon

Ipinanganak si Maria Leonor Santo Tomas Gerona noong Abril 23, 1964 sa Naga, Camarines Sur.[4] Panganay siya sa tatlong anak ng retiradong hukom na si Antonio Gerona at Salvacion Sto. Tomas.[5]

Nag-aral si Gerona sa Universidad de Sta. Isabel sa Lungsod ng Naga, at nakapagtapos ng elementarya noong 1978, at mula sa mataas na paaralan noong 1982. Nakapagtapos siya ng antas sa ekonomika mula sa UP Paaralan sa Ekonomiks sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 1986. Pagkatapos noon ay kumuha siya ng Master Degree sa business administration sa Kolehiyo ng San Beda bago siya nag-aral ng batas sa Unibersidad ng Nueva Caceres, at nakapagtapos noong 1992.[3]

Personal na buhay

Si Robredo kasama ang kanyang mga anak

Kilala si Leni Robredo sa kanyang payak na pamumuhay.[6] Naging asawa siya ni Jesse Robredo, na nakilala niya habang siya ay nagtatrabaho sa Bicol River Basin Development Program, mula 1987 hanggang sa kamatayan nito noong 2012. Mayroon silang tatlong anak, sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.[3][7][8]

Sanggunian

  1. Leifbilly Begas (May 4, 2016). "Leni: I'm tough, I fight for what is right". Bandera.
  2. Cite error: Invalid <ref> tag; no text was provided for refs named bandera1
  3. 3.0 3.1 3.2 "Vote PH 2016: Leni Robredo". Philippine Daily Inquirer. April 10, 2016. Nakuha noong April 12, 2016.
  4. Leni Robredo: I can't refuse call to serve. Rappler.
  5. That first night, I knew he was gone—Robredo’s wife Inquirer.net (retrieved June 13, 2014)
  6. Becoming Leni Robredo. rappler.com. Retrieved on November 16, 2016.
  7. Cite error: Invalid <ref> tag; no text was provided for refs named ABSCBNCOMwhirlwindromance
  8. Leni Robredo relives 'whirlwind' romance with Jesse. ABSCBN News.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Leni Robredo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.