Difference between revisions of "Leni Robredo"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 1: Line 1:
 
Si '''Maria Leonor “Leni” Santo Tomas Gerona Robredo,''' higit na kilala sa pangalang '''Leni Robredo''' ay isang Pilipinong manananggol, aktibista, at politiko na iprinoklama bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng naging pangalawang pangulo, pagkatapos ni [[Gloria Macapagal-Arroyo]], at ang pinakaunang pangalawang pangulo mula sa Rehiyong Bikol.<ref name=":0">Inquirer Research. “Who is Leni Robredo.” Inquirer.net, 29 Hunyo 2016.https://newsinfo.inquirer.net/793139/profile-leni-robredo. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
 
Si '''Maria Leonor “Leni” Santo Tomas Gerona Robredo,''' higit na kilala sa pangalang '''Leni Robredo''' ay isang Pilipinong manananggol, aktibista, at politiko na iprinoklama bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng naging pangalawang pangulo, pagkatapos ni [[Gloria Macapagal-Arroyo]], at ang pinakaunang pangalawang pangulo mula sa Rehiyong Bikol.<ref name=":0">Inquirer Research. “Who is Leni Robredo.” Inquirer.net, 29 Hunyo 2016.https://newsinfo.inquirer.net/793139/profile-leni-robredo. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
 
+
[[File:14th Vice President of the Philippines Leni Robredo.png|thumb|Ang ika-14 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas na si Leni Robredo]]
 
Marami ang nananawagan sa pagtakbo ni Robredo bilang pangulo sa [[Halalan 2022|'''Halalan 2022''']] ngunit wala pang opisyal na pahayag mula sa kaniyang kampo ukol dito. Noong Hunyo 2021, ipinahayag din niya na bukás siya sa ideyang ito.<ref name=":2" />  
 
Marami ang nananawagan sa pagtakbo ni Robredo bilang pangulo sa [[Halalan 2022|'''Halalan 2022''']] ngunit wala pang opisyal na pahayag mula sa kaniyang kampo ukol dito. Noong Hunyo 2021, ipinahayag din niya na bukás siya sa ideyang ito.<ref name=":2" />  
  
Line 9: Line 9:
  
 
==Personal na Buhay at Pamilya==
 
==Personal na Buhay at Pamilya==
[[File:Leni Robredo's family July 2016.jpg|thumb|Si Leni Robredo kasama ang kaniyang mga anak]]Ipinanganak si Leni Robredo noong 23 Abril 1964 sa Naga, Camarines Sur. Panganay siya sa tatlong anak ng retiradong hukom na si Antonio Gerona at ni Salvacion Sto. Tomas.<ref name=":0" />
+
Ipinanganak si Leni Robredo noong 23 Abril 1964 sa Naga, Camarines Sur. Panganay siya sa tatlong anak ng retiradong hukom na si Antonio Gerona at ni Salvacion Sto. Tomas.<ref name=":0" />
  
 
Nag-aral si Robredo sa Universidad de Sta. Isabel sa Lungsod Naga—nakapagtapos ng elementarya noong 1978 at sa mataas na paaralan noong 1982. Nakapagtapos siya ng kolehiyo ng ekonomika sa UP Paaralan sa Ekonomiks sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City noong 1986. Pagkatapos, kumuha siya ng master degree sa business administration sa Kolehiyo ng San Beda bago siya nag-aral ng batas sa Unibersidad ng Nueva Caceres (sa Lungsod Naga) at nakapagtapos noong 1992.<ref name=":0" />
 
Nag-aral si Robredo sa Universidad de Sta. Isabel sa Lungsod Naga—nakapagtapos ng elementarya noong 1978 at sa mataas na paaralan noong 1982. Nakapagtapos siya ng kolehiyo ng ekonomika sa UP Paaralan sa Ekonomiks sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City noong 1986. Pagkatapos, kumuha siya ng master degree sa business administration sa Kolehiyo ng San Beda bago siya nag-aral ng batas sa Unibersidad ng Nueva Caceres (sa Lungsod Naga) at nakapagtapos noong 1992.<ref name=":0" />
  
Kilala si Robredo sa kaniyang payak na pamumuhay. Napangasawa niya ni Jesse Robredo, na nakilala niya habang siya ay nagtatrabaho sa Bicol River Basin Development Program, mula 1987 hanggang sa kamatayan nito noong 2012. Mayroon silang tatlong anak: sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.<ref>“How Leni Robredo sent kids to Harvard, NYU, Ateneo.” GMA News Online, 5 Marso 2021. https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/778526/robredo-says-children-finished-studies-through-scholarships/story/. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
+
Kilala si Robredo sa kaniyang payak na pamumuhay. Napangasawa niya ni '''Jesse Robredo''', na nakilala niya habang siya ay nagtatrabaho sa Bicol River Basin Development Program, mula 1987 hanggang sa kamatayan nito noong 2012. Mayroon silang tatlong anak: sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.<ref>“How Leni Robredo sent kids to Harvard, NYU, Ateneo.” GMA News Online, 5 Marso 2021. https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/778526/robredo-says-children-finished-studies-through-scholarships/story/. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
  
 
Ang panganay niyang anak na si '''Jessica Marie “Aika” G. Robredo''' ay kasalukuyang executive director ng Restart Micro-Enterprise, Inc. Siya rin ang chairwoman ng '''Jesse M. Robredo Foundation''', isang non-government organization na layuning itaguyod at ipagpatuloy ang mga simulain ng kaniyang namayapang ama, partular sa mabuting pamamahala at etikong pamumuno. Siya ay nakakuha ng full scholarship sa Harvard University’s John F. Kennedy School of Government for the Mid-Career Master in Public Administration Program noong 2017. <ref name=":4">Rose-An Jessica Dioquino. “Robredo in Boston to help Harvard-bound firstborn Aika settle in.” GMA News Online, 21 Hunyo 2017. https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/615357/robredo-in-boston-to-help-harvard-bound-firstborn-aika-settle-in/story/. Accessed 17 Agosto 2021.</ref> <ref>“Ms. Jessica Marie “Aika” M. Robredo.” Jesse Institute. https://jesserobredoinstitute.com/instructors/jessica-marie-aika-m-robredo. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
 
Ang panganay niyang anak na si '''Jessica Marie “Aika” G. Robredo''' ay kasalukuyang executive director ng Restart Micro-Enterprise, Inc. Siya rin ang chairwoman ng '''Jesse M. Robredo Foundation''', isang non-government organization na layuning itaguyod at ipagpatuloy ang mga simulain ng kaniyang namayapang ama, partular sa mabuting pamamahala at etikong pamumuno. Siya ay nakakuha ng full scholarship sa Harvard University’s John F. Kennedy School of Government for the Mid-Career Master in Public Administration Program noong 2017. <ref name=":4">Rose-An Jessica Dioquino. “Robredo in Boston to help Harvard-bound firstborn Aika settle in.” GMA News Online, 21 Hunyo 2017. https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/615357/robredo-in-boston-to-help-harvard-bound-firstborn-aika-settle-in/story/. Accessed 17 Agosto 2021.</ref> <ref>“Ms. Jessica Marie “Aika” M. Robredo.” Jesse Institute. https://jesserobredoinstitute.com/instructors/jessica-marie-aika-m-robredo. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
Line 31: Line 31:
 
Noong nasa Kongreso pa, si Leni Robredo ang isa sa pinakamahirap na miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas batay sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).  Siya ay may net worth na 8.03 milyong piso noong 2014. Mas mababa ito sa idineklara niyang SALN noong 2013 na may net worth na 8.29 milyong piso.<ref>“Robredo P7.7 million poorer due to loans for PET case.” Philstar.net, 16 Mayo 2018.https://www.philstar.com/headlines/2018/05/16/1815745/robredo-p77-million-poorer-due-loans-pet-case. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
 
Noong nasa Kongreso pa, si Leni Robredo ang isa sa pinakamahirap na miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas batay sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).  Siya ay may net worth na 8.03 milyong piso noong 2014. Mas mababa ito sa idineklara niyang SALN noong 2013 na may net worth na 8.29 milyong piso.<ref>“Robredo P7.7 million poorer due to loans for PET case.” Philstar.net, 16 Mayo 2018.https://www.philstar.com/headlines/2018/05/16/1815745/robredo-p77-million-poorer-due-loans-pet-case. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
  
Habang siya ang pangalawang pangulo ng bansa, ang idineklara niyang SALN ay 11.05 milyong piso noong Hunyo 2016; 1.11 milyong piso noong 2017 (bumaba ito dahil sa mga gastusin niya laban sa electoral protest ng nakalaban niya sa pagka-pangalawang pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.); 7.35 milyong piso noong 2018; 8.57 milyong piso noong 2019); 23.8 milyong piso noong 2020 (ang pagtaas ay dahil napasama na rito ang 16.68 milyong namana niya sa kaniyang ina. <ref>Chad de Guzman. “Robredo's 2017 net worth down to ₱1.1-M after poll protest payment.” CNN Philippines, 16 Mayo 2018. https://cnnphilippines.com/news/2018/05/16/leni-robredo-2017-SALN.html. Accessed 17 Agosto 2021.</ref> <ref>Mara Cepeda. “Robredo’s net worth grows to P3.5 million in 2019.” Rappler, 6 Setyembre 2020. https://www.rappler.com/nation/leni-robredo-net-worth-saln-2019. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
+
Habang siya ang pangalawang pangulo ng bansa, ang idineklara niyang SALN ay 11.05 milyong piso noong Hunyo 2016; 1.11 milyong piso noong 2017 (bumaba ito dahil sa mga gastusin niya laban sa electoral protest ng nakalaban niya sa pagka-pangalawang pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.); 7.35 milyong piso noong 2018; 8.57 milyong piso noong 2019); 23.8 milyong piso noong 2020 (ang pagtaas ay dahil napasama na rito ang 16.68 milyong namana niya sa kaniyang ina. <ref>Chad de Guzman. “Robredo's 2017 net worth down to ₱1.1-M after poll protest payment.” CNN Philippines, 16 Mayo 2018. https://cnnphilippines.com/news/2018/05/16/leni-robredo-2017-SALN.html. Accessed 17 Agosto 2021.</ref> <ref>Mara Cepeda. “Robredo’s net worth grows to P3.5 million in 2019.” Rappler, 6 Setyembre 2020. https://www.rappler.com/nation/leni-robredo-net-worth-saln-2019. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>[[File:Leni Robredo's family July 2016.jpg|thumb|Si Leni Robredo kasama ang kaniyang mga anak]]
 
 
 
== Lamáng kay Marcos ==
 
== Lamáng kay Marcos ==
 
Noong Halalan 2016, mahigpit na katunggali ni Robredo (14,418,817 kabuoang boto) sa pagka-pangalawang pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (14,155,344 kabuoang boto). Ang 263,473 na lamang ni Robredo ay iprinotesta ni Marcos. Agad na umapela si Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ng Korte Suprema at hiniling na ipawalang-bisa ang botohan sa tatlong lalawigan sa Mindanao (Lanao del Sur, Basilan, at Maguindanao) dahil sa talamak na panlilinlang at terorismo ngunit hindi na ito pinagbigyan ng korte sapagkat nauna nang nagkaroon ng recount sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental, na unang hiniling ni Marcos ngunit hindi rin pumabor sa kaniya ang bilang ng boto.<ref name=":3" /> <ref>Lian Buan. “Bongbong Marcos insists on Mindanao fraud as he appeals lost VP case.” Rappler, 11 Mayo 2021. https://www.rappler.com/nation/bongbong-marcos-appeals-lost-vp-electoral-protest-may-2021. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
 
Noong Halalan 2016, mahigpit na katunggali ni Robredo (14,418,817 kabuoang boto) sa pagka-pangalawang pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (14,155,344 kabuoang boto). Ang 263,473 na lamang ni Robredo ay iprinotesta ni Marcos. Agad na umapela si Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ng Korte Suprema at hiniling na ipawalang-bisa ang botohan sa tatlong lalawigan sa Mindanao (Lanao del Sur, Basilan, at Maguindanao) dahil sa talamak na panlilinlang at terorismo ngunit hindi na ito pinagbigyan ng korte sapagkat nauna nang nagkaroon ng recount sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental, na unang hiniling ni Marcos ngunit hindi rin pumabor sa kaniya ang bilang ng boto.<ref name=":3" /> <ref>Lian Buan. “Bongbong Marcos insists on Mindanao fraud as he appeals lost VP case.” Rappler, 11 Mayo 2021. https://www.rappler.com/nation/bongbong-marcos-appeals-lost-vp-electoral-protest-may-2021. Accessed 17 Agosto 2021.</ref>
Line 62: Line 61:
  
 
== Robredo kay PNoy ==
 
== Robredo kay PNoy ==
Nang namayapa si dating Pangulong [[Benigno S. Aquino III|Benigno “Noynoy” S. Aquino III]] noong 24 Hunyo 2021, isa si Leni Robredo sa mga nagluksa at agad na nagpahatid ng pakikiramay sa mga naulila nito. <ref name=":7">Rambo Talabong. “Robredo on Aquino: 'He tried to do what was right' even if unpopular.” Rappler, 24 Hunyo 2021. https://www.rappler.com/nation/leni-robredo-statement-noynoy-aquino-death. Accessed 17 Agosto 2021.</ref><blockquote>“Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si Pnoy. Mabuti siyang kaibigan at tapat na Pangulo.” - Leni Robredo sa Twitter post nito noong 24 Hunyo 2021. <ref name=":7" /></blockquote>Ibinahagi rin ni Robredo kung paano siya natulungan ng dating pangulo noong namayapa ang kaniyang asawang si Jesse. Nakasama niya ito sa pinakamadlim na yugto ng buhay ng kaniyang pamilya.<ref name=":7" />  
+
Nang namayapa si dating Pangulong [[Benigno S. Aquino III|Benigno “Noynoy” S. Aquino III]] noong 24 Hunyo 2021, isa si Leni Robredo sa mga nagluksa at agad na nagpahatid ng pakikiramay sa mga naulila nito. <ref name=":7">Rambo Talabong. “Robredo on Aquino: 'He tried to do what was right' even if unpopular.” Rappler, 24 Hunyo 2021. https://www.rappler.com/nation/leni-robredo-statement-noynoy-aquino-death. Accessed 17 Agosto 2021.</ref><blockquote>“Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si Pnoy. Mabuti siyang kaibigan at tapat na Pangulo.” - Leni Robredo sa Twitter post nito noong 24 Hunyo 2021. <ref name=":7" /></blockquote>
 +
[[File:DILG Secretary Jesse Robredo.jpg|thumb|Dating DILG Secretary Jesse Robredo, namayapang asawa ni Leni Robredo]]
 +
Ibinahagi rin ni Robredo kung paano siya natulungan ng dating pangulo noong namayapa ang kaniyang asawang si Jesse. Nakasama niya ito sa pinakamadlim na yugto ng buhay ng kaniyang pamilya.<ref name=":7" />  
  
 
== Pagtakbo Bilang Pangulo ==
 
== Pagtakbo Bilang Pangulo ==

Revision as of 07:34, 20 August 2021

Si Maria Leonor “Leni” Santo Tomas Gerona Robredo, higit na kilala sa pangalang Leni Robredo ay isang Pilipinong manananggol, aktibista, at politiko na iprinoklama bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng naging pangalawang pangulo, pagkatapos ni Gloria Macapagal-Arroyo, at ang pinakaunang pangalawang pangulo mula sa Rehiyong Bikol.[1]

Ang ika-14 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas na si Leni Robredo

Marami ang nananawagan sa pagtakbo ni Robredo bilang pangulo sa Halalan 2022 ngunit wala pang opisyal na pahayag mula sa kaniyang kampo ukol dito. Noong Hunyo 2021, ipinahayag din niya na bukás siya sa ideyang ito.[2]  

Simula ng Karera sa Politika

Napukaw ang pansin ng publiko kay Robrero noong 2012, pagkatapos ang kamatayan ng kaniyang asawang si Jesse Robredo, dating Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal [Interior and Local Government], nang bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano sa baybayin ng Isla ng Masbate. Bago ang insidente, ang kaniyang pampublikong buhay ay kadalasang tungkol sa pagiging manananggol. Pagkatapos ng insidente, tumakbo si Robrero sa halalan noong 2013 at nanalo bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Camarines Sur sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas [House of Representatives of the Philippines] para sa ikalabing-anim na Kongreso ng Pilipinas, ang posisyong kaniyang ginampanan hanggang siya ay pasinayaan bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Hunyo 2016.[1] [3] [4]

Hinirang na pangalawang pangulo ng Pilipinas si Robredo noong 2016 na may 14,418,817 kabuoang boto.[5]  

Personal na Buhay at Pamilya

Ipinanganak si Leni Robredo noong 23 Abril 1964 sa Naga, Camarines Sur. Panganay siya sa tatlong anak ng retiradong hukom na si Antonio Gerona at ni Salvacion Sto. Tomas.[1]

Nag-aral si Robredo sa Universidad de Sta. Isabel sa Lungsod Naga—nakapagtapos ng elementarya noong 1978 at sa mataas na paaralan noong 1982. Nakapagtapos siya ng kolehiyo ng ekonomika sa UP Paaralan sa Ekonomiks sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City noong 1986. Pagkatapos, kumuha siya ng master degree sa business administration sa Kolehiyo ng San Beda bago siya nag-aral ng batas sa Unibersidad ng Nueva Caceres (sa Lungsod Naga) at nakapagtapos noong 1992.[1]

Kilala si Robredo sa kaniyang payak na pamumuhay. Napangasawa niya ni Jesse Robredo, na nakilala niya habang siya ay nagtatrabaho sa Bicol River Basin Development Program, mula 1987 hanggang sa kamatayan nito noong 2012. Mayroon silang tatlong anak: sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.[6]

Ang panganay niyang anak na si Jessica Marie “Aika” G. Robredo ay kasalukuyang executive director ng Restart Micro-Enterprise, Inc. Siya rin ang chairwoman ng Jesse M. Robredo Foundation, isang non-government organization na layuning itaguyod at ipagpatuloy ang mga simulain ng kaniyang namayapang ama, partular sa mabuting pamamahala at etikong pamumuno. Siya ay nakakuha ng full scholarship sa Harvard University’s John F. Kennedy School of Government for the Mid-Career Master in Public Administration Program noong 2017. [7] [8]

Ang pangalawang anak na si Janine Patricia G. Robredo ay isang lisensiyadong doktor na nakapagtapos ng Doctor of Medicine na may master’s degree sa Business Administration sa Ateneo School of Medicine and Public Health noong 2020.[9]

Ang bunsong anak na si Jillian Therese G. Robredo ay kasalukuyang nag-aaral bilang iskolar sa New York University. Nagtatrabaho rin siya bilang lab assistant sa nasabing unibersidad.[7] [10]

Bilang Abogado

Kung hindi pinasok ni Leni Robredo ang mundo ng politika, maaaring sinundan niya ang mga yapak ng kaniyang namayapang ama na si Antonio Gerona Sr., hukom sa regional trial court (RTC) ng Lungsod Naga. Malaki ang posibilidad na naging hukom din si Robredo sa alinmang RTC sa Rehiyong Bicol dahil isa siya sa mga nakasama sa listahan na maging presiding judge nito. Gayunman, binawi niya ang kaniyang nominasyon at nag-apply bilang hukom sa Quezon City RTC upang makasama ang kaniyang mga anak sa lungsod. Ngunit hindi natuloy ang planong ito nang kinailangan niyang tumakbo sa Kongreso bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.[4]

Bilang abogado, nakatuon si Robredo sa mga kasong kinasasangkutan ng mga nasa “laylayan” ng lipunan. May koneksiyon siya sa Sentro ng Alternatibong Lingap Pang Legal (Naga Chapter), pangkat ng mga abogado na tumutulong sa mga magsasaka.[4]

Itinatag din ni Robredo ang Lakas ng Kababaihan ng Naga. Dati rin siyang tagapangulo ng Naga City Council for Women. Kasapi rin siya ng Federacion International de Abogados.[4]

Yaman ni Robredo

Noong nasa Kongreso pa, si Leni Robredo ang isa sa pinakamahirap na miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas batay sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). Siya ay may net worth na 8.03 milyong piso noong 2014. Mas mababa ito sa idineklara niyang SALN noong 2013 na may net worth na 8.29 milyong piso.[11]

Habang siya ang pangalawang pangulo ng bansa, ang idineklara niyang SALN ay 11.05 milyong piso noong Hunyo 2016; 1.11 milyong piso noong 2017 (bumaba ito dahil sa mga gastusin niya laban sa electoral protest ng nakalaban niya sa pagka-pangalawang pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.); 7.35 milyong piso noong 2018; 8.57 milyong piso noong 2019); 23.8 milyong piso noong 2020 (ang pagtaas ay dahil napasama na rito ang 16.68 milyong namana niya sa kaniyang ina. [12] [13]

Si Leni Robredo kasama ang kaniyang mga anak

Lamáng kay Marcos

Noong Halalan 2016, mahigpit na katunggali ni Robredo (14,418,817 kabuoang boto) sa pagka-pangalawang pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (14,155,344 kabuoang boto). Ang 263,473 na lamang ni Robredo ay iprinotesta ni Marcos. Agad na umapela si Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ng Korte Suprema at hiniling na ipawalang-bisa ang botohan sa tatlong lalawigan sa Mindanao (Lanao del Sur, Basilan, at Maguindanao) dahil sa talamak na panlilinlang at terorismo ngunit hindi na ito pinagbigyan ng korte sapagkat nauna nang nagkaroon ng recount sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental, na unang hiniling ni Marcos ngunit hindi rin pumabor sa kaniya ang bilang ng boto.[5] [14]

Masalimuot ang pinagdaanan ng electoral protest na ito ni Marcos.[15]

Noong 16 Pebrero 2021, nagdesisyon na ang PET na tuluyan nang i-dismiss ang election protest ni Marcos, gayundin ang counter-protest ni Robredo. Mababasa ito sa 93-pahinang desisyon ng PET na isinapubliko lamang noong Abril 2021.[15]

Angat Buhay

Bilang pangalawang pangulo ng Pilipinas, itinaguyod ni Leni Robredo ang proyektong Angat Buhay na tumutulong sa mahihirap na Pilipino sa Kamaynilaan at sa malalayong lalawigan. Ito ang programa ni Robredo laban sa kahirapan. Nagsisilbing tulay ang Angat Buhay sa iba’t ibang organisasyon na nais makatulong sa mahihirap.[16]

Mga Hakbang sa Pagsugpo ng COVID-19

Sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, masigasig si Leni Robredo sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan. Ilan sa mga proyekto niya at ng Angat Buhay ay ang sumusunod:

  • Vaccine Express para sa pagbabakuna ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan at ng mga delivery rider; [17]
  • Bayanihan E-Konsulta na libreng konsultasyon para sa outpatient cases sa Kamaynilaan at karatig na lugar na walang akses sa doktor o telecommunication platforms at namamahagi rin sila ng COVID-19 Care Kit; [18]
  • Bayanihan e-Skwela na umaagapay sa mga mag-aaral, mga guro, at mga magulang sa mga pagbabago sa sistema ng edukasyon dahil sa pandemya. Sa ilalim nito, nakapagpatayo ng Community Learning Hubs sa iba’t ibang bahagi ng bansa katuwang ang mga lokal na pamahalaan at pribadong indibidwal.[17]
  • Community Mart at Bayanihan Mart na tumutulong sa mga tindera at tricycle driver para sa pagdedeliver ng kanilang mga paninda at serbisyo gamit ang online app; at[17]
  • Bayanihanapbuhay, sa pakikipagtulungan ng isang online job protal, na nag-uugnay sa mga lokal na kompanya sa mga aplikante. [17]

Mga Kontrobersiya sa Administrasyon ni Duterte

Hindi lingid sa publiko ang mga pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangalawang Pangulong Leni Robredo sa kanilang buong termino.

Noong 2016, itinalaga ni Duterte si Robredo bilang tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Gayunman, sa taon ding iyon ay nagbitiw si Robredo sa kaniyang posisyon sa HUDCC na nag-ugat sa utos ng pangulo na huwag pasasamahin si Robredo sa anumang pagpupulong ng kaniyang gabinete. Sa paniwala rin ni Robredo, binalak siyang pababain noon sa puwesto bilang pangalawang pangulo dahil na rin sa “irreconcilable differences” nila ni Duterte. Hindi rin magkaalyado ang dalawa.[19] [20]

Noong 6 Nobyembre 2019, inatasan ni Duterte si Robredo na maging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs. Mariing tinutuligsa ni Robredo ang madugong “war on drugs” ng pangulo. Makalipas ang ilang araw, pinatalsik din siya ni Duterte sa puwestong ito matapos ang mga pagbabanta.[21]

Kahit walang posisyon sa gabinete, ipinagpatuloy ni Robredo ang kaniyang mga programa sa ilalim ng Angat Buhay sa tulong na rin ng mga pribadong sektor.

Robredo kay PNoy

Nang namayapa si dating Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III noong 24 Hunyo 2021, isa si Leni Robredo sa mga nagluksa at agad na nagpahatid ng pakikiramay sa mga naulila nito. [22]

“Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si Pnoy. Mabuti siyang kaibigan at tapat na Pangulo.” - Leni Robredo sa Twitter post nito noong 24 Hunyo 2021. [22]

Dating DILG Secretary Jesse Robredo, namayapang asawa ni Leni Robredo

Ibinahagi rin ni Robredo kung paano siya natulungan ng dating pangulo noong namayapa ang kaniyang asawang si Jesse. Nakasama niya ito sa pinakamadlim na yugto ng buhay ng kaniyang pamilya.[22]  

Pagtakbo Bilang Pangulo

Sa unang kuwarter ng 2021, ipinahayag ni Senator Francis Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, na kinokonsidera nila si Robredo bilang standard bearer sa Halalan 2022. Ayon sa paliwanag ni Pangilinan, marapat lamang na ikonsidera nila si Robredo dahil ito ang kanilang miyembro na may pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Paliwanag pa ng senador, bagama’t nagpahayag na si Robredo na wala pa siyang desisyon sa pagtakbo bilang pangulo ay marami pa rin ang posibleng magbago sa desisyon nito. May online petition din na kumalat upang lalong mahikayat si Robredo na tumakbo bilang pangulo ng bansa.[23]

Noong Mayo 2021, umugong ang balita na may balak umanong tumakbo si Robredo bilang gobernador ng Camarines Sur sa Halalan 2022. Ito ay matapos ipahayag ni dating Senador Antonio Trillanes III na siya ang hahalili kay Robredo bilang kandidato sa pagkapangulo sa ilalim ng koalisyong 1SAMBAYANAN kung hindi ito ang tatakbong pangulo. Gayunman, agad itong pinabulaanan ng kampo ni Robredo.[24][2]

Wala pa mang opisyal na pahayag sa kaniyang pagtakbo, sinabi na ni Robredo na bukás siya sa ideya ng pagtakbo bilang pangulo sa Halalan 2022.[2]

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Inquirer Research. “Who is Leni Robredo.” Inquirer.net, 29 Hunyo 2016.https://newsinfo.inquirer.net/793139/profile-leni-robredo. Accessed 17 Agosto 2021.
  2. 2.0 2.1 2.2 Neil Arwin Mercado. “Villafuerte ‘99.9%’ sure Robredo will not run for governor of Camarines Sur.” Inquirer.net, 30 Hunyo 2021. https://newsinfo.inquirer.net/1453688/villafuerte-99-9-sure-robredo-will-not-run-for-governor-of-camarines-sur. Accessed 17 Agosto 2021.
  3. “Biography.” Office of the Vice President.https://ovp.gov.ph/content/biography. Accessed 17 Agosto 2021.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Reynaldo Santos Jr. “8 things to know about Leni Robredo.” Rappler, 8 Oktubre 2015. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/fast-facts-leni-robredo. Accessed 17 Agosto 2021.
  5. 5.0 5.1 Patty Pasion. “Robredo wins as VP on late husband’s birthday.” Rappler, 27 Mayo 2016. https://www.rappler.com/nation/elections/canvassing-last-day-duterte-robredo-win. Accessed 17 Agosto 2021.
  6. “How Leni Robredo sent kids to Harvard, NYU, Ateneo.” GMA News Online, 5 Marso 2021. https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/778526/robredo-says-children-finished-studies-through-scholarships/story/. Accessed 17 Agosto 2021.
  7. 7.0 7.1 Rose-An Jessica Dioquino. “Robredo in Boston to help Harvard-bound firstborn Aika settle in.” GMA News Online, 21 Hunyo 2017. https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/615357/robredo-in-boston-to-help-harvard-bound-firstborn-aika-settle-in/story/. Accessed 17 Agosto 2021.
  8. “Ms. Jessica Marie “Aika” M. Robredo.” Jesse Institute. https://jesserobredoinstitute.com/instructors/jessica-marie-aika-m-robredo. Accessed 17 Agosto 2021.
  9. Jane Kingsu-Cheng. “VP Robredo announces daughter Patricia is now a doctor.” Manila Bulletin, 26 Nobyembre 2020. https://mb.com.ph/2020/11/26/vp-robredo-announces-daughter-patricia-is-now-a-doctor/. Accessed 17 Agosto 2021.
  10. Joahna Lei Casilao. “How Leni Robredo sent kids to Harvard, NYU, Ateneo.” GMA News Online, 5 Marso 2021. https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/778526/robredo-says-children-finished-studies-through-scholarships/story/. Accessed 17 Agosto 2021.
  11. “Robredo P7.7 million poorer due to loans for PET case.” Philstar.net, 16 Mayo 2018.https://www.philstar.com/headlines/2018/05/16/1815745/robredo-p77-million-poorer-due-loans-pet-case. Accessed 17 Agosto 2021.
  12. Chad de Guzman. “Robredo's 2017 net worth down to ₱1.1-M after poll protest payment.” CNN Philippines, 16 Mayo 2018. https://cnnphilippines.com/news/2018/05/16/leni-robredo-2017-SALN.html. Accessed 17 Agosto 2021.
  13. Mara Cepeda. “Robredo’s net worth grows to P3.5 million in 2019.” Rappler, 6 Setyembre 2020. https://www.rappler.com/nation/leni-robredo-net-worth-saln-2019. Accessed 17 Agosto 2021.
  14. Lian Buan. “Bongbong Marcos insists on Mindanao fraud as he appeals lost VP case.” Rappler, 11 Mayo 2021. https://www.rappler.com/nation/bongbong-marcos-appeals-lost-vp-electoral-protest-may-2021. Accessed 17 Agosto 2021.
  15. 15.0 15.1 Benjamin Pulta. “PET releases text of Marcos-Robredo electoral protest decision.” Philippine News Agency, 19 Abril 2021. https://www.pna.gov.ph/articles/1137299. Accessed 17 Agosto 2021.
  16. https://www.facebook.com/AngatBuhayPH. Accessed 17 Agosto 2021.
  17. 17.0 17.1 17.2 17.3 https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/. Accessed 17 Agosto 2021.
  18. Facebook. https://www.facebook.com/OVPBayanihanEKonsulta. Accessed 17 Agosto 2021.
  19. Nestor Corrales. “Duterte appoints Robredo as HUDC chief.” Inquirer.net, 7 Hulyo 2016. https://newsinfo.inquirer.net/794898/duterte-appoints-robredo-as-hudcc-chief. Accessed 17 Agosto 2021.
  20. Reuters Staff. “Philippines vice president quits cabinet, citing plot to ‘steel’ job.” Reuters, 4 Disyembre 2016. https://www.reuters.com/article/us-philippines-politics-idUSKBN13T0IM. Accessed 17 Agosto 2021.
  21. CNN Philippines Staff. “TIMELINE: VP Robredo’s short stint as anti-drug body co-chair.” CNN Philippines, 25 Nobyembre 2019. https://cnnphilippines.com/news/2019/11/25/Leni-Robredo-as-anti-drug-czar-ICAD.html. Accessed 17 Agosto 2021.
  22. 22.0 22.1 22.2 Rambo Talabong. “Robredo on Aquino: 'He tried to do what was right' even if unpopular.” Rappler, 24 Hunyo 2021. https://www.rappler.com/nation/leni-robredo-statement-noynoy-aquino-death. Accessed 17 Agosto 2021.
  23. “Liberal Party Considering Robredo as 2022 presidential bet.” Philstar.com, 4 Pebrero 2021. https://www.philstar.com/headlines/2021/02/04/2075351/liberal-party-considering-robredo-2022-presidential-bet. Accessed 17 Agosto 2021.
  24. “Trillanes eyeing presidency if Robredo not running as coalition’s candidate.” ABS-CBN News, 12 Mayo 2021. https://news.abs-cbn.com/news/05/12/21/antonio-trillanes-president-replace-leni-robredo-1sambayan-2022-elections. Accessed 17 Agosto 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.