Larry Gadon

From Wikfilipino
Revision as of 01:21, 23 November 2021 by Mrmagcamit (talk | contribs) (Created page with "Si '''Lorenzo “Larry” Gadon''' ay isang Pilipinong abogado. Siya ay kumakandidato sa pagkasenador sa Halalan 2022 sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan. K...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Lorenzo “Larry” Gadon ay isang Pilipinong abogado. Siya ay kumakandidato sa pagkasenador sa Halalan 2022 sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan. Kumandidato rin siya noong 2016 at 2018 sa pagkasenador ngunit parehong natalo.

Mga Kontrobersiya

Humarap sa kasong disbarment si Gadon bilang abogado sa Integrated Bar of the Philippines noong 2016. Noong unang pagtatangka niya na pasukin ang politika noong Halalan 2016 bilang senador, nangako si Gadon na aatakihin at papaslangin ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), kasama ang kanilang mga asawa at anak, kung hindi umano sila madadaan sa usapang pangkapayapaan. Ipinangako niya ito sa isang panayam. Natalo siya sa halalang ito.

Noong Marso 2018, sinampahan din si Gadon ng kasong disbarment ng kapuwa niya abogado na si Wilfredo Garrido Jr. dahil umano sa mga maling pahayag nito laban sa napatalsik na punong mahistrado ng Korte Suprema na si Maria Lourdes Sereno. Si Gadon ang nagpasa noon ng impeachment complaint laban kay Sereno para ito mapatalsik sa puwesto.

Habang isinasagawa ang quo warranto proceedings noong Abril 2018, muling nagpahayag ng kabastusan si Gadon at ito ay ginawa niya sa mga nagpoprotestang tagasuporta ni Sereno sa Lungsod Baguio. Walong katao ang nagsampa ng kasong disbarment kay Gadon dahil sa insidenteng ito.

Isa pang blogger ang nagsampa ng kasong disbarment kay Gadon dahil sa ipinakikitang hindi kaaya-ayang pag-uugali.

Muli naman siyang nagkaroon ng kasong disbarment dahil sa hindi maingat na pahayag hinggil umano sa dahilan ng kamatayan ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III na may kaugnayan sa human immunodeficiency virus. Agad na pinabulaanan ito ng Pamilya Aquino at naglabas ng opisyal na pahayag tungkol sa dahilan ng pagkamatay ng dating pangulo—ang renal disease secondary to diabetes.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.