Larry Alcala

From Wikfilipino
Revision as of 00:52, 29 December 2020 by Jrosit (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Lauro Zarate Alcala Sr. (1926-2002) o mas kilala sa pangalan na Larry Alcala, ay isang guro at dibuhista na nakalikha ng halos 500 na karakter, 20 komik istrip, anim na pelikula, dalawang mural at 15000 na mga nailathalang pahina sa kaniyang 50 taon na pagiging dibuhista.

Pinagmulan at Edukasyon

Ipinanganak siya noong 16 Agosto 1926 sa Daraga, Albay at supling nina Ernesto Alcala at Elpidia Zarate. Ikinasal siya kay Guadalupe Valdes at nagkaroon ng tatlong anak.

Nagtapos si Alcala sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong fine arts noong 1950 matapos niyang matanggap ang isang scholarship mula kay Ramon Roces, ang tagapaglathala ng Manila Times. Noong 1975, nakatanggap din siya ng Australian Cultural Award, isang travel study grant.

Karera

Nagturo siya sa UP mula 1951 hanggang 1981. Matapos siyang magretiro noong 1981, naging punong tagapamahala siya ng Departamento ng Komunikasyong Biswal sa UP. Naging pangulo rin siya ng Samahang Kartunista ng Pilipinas.

Nagsimula ang kaniyang karera bilang dibuhista sa gulang na 17 habang siya ay nag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng komiks para sa Liwayway. Ang una niyang komik istrip, ang Islaw Palitaw na inilathala noong 1946-1948 sa Liwayway, ay ginawang pelikula. Siya ay naimpluwensiyahan ng Amerikanong dibuhista na si Al Capp.

Mga Gawa

  • Kalabog en Bosyo, Pilipino Komiks (1949-1982), Manila times (1984-1995)
  • Tipin, Hiwaga Komiks (1951-1965)
  • Project 13, Pioneer Komiks (1966-1972)
  • Barrio Pogspak, Holiday Komiks (1966-1972)
  • Kongressman Kalog, Aliwan Komiks (1966-1972)
  • Kalambogesyons, Pinoy Komiks (1966-1972)
  • Smolbateribol, Darna Komiks (1972-1984)
  • Snickerteens, TSS Magazine (1973-1984)
  • Bing Bang Bung, Pilipino Funny Komiks (1978-1989)

Ang mga Ingles na komik istrip niya ay ang mga sumusunod:

  • This Business of Living, 1961-1972
  • Mang Ambo, para sa Weekly Graphic at Weekly Nation, 1963-1972
  • Loverboy, Redondo Komiks (1964-1969)
  • Siopawman, Philippine Daily Express (1972-1983, 2002)
  • Mod-Caps, Mod Magazine (1974-2002)
  • Asiong Aksaya, Daily Express, Tagalog Klasiks(1976-1984)
  • Laugh and Live, Life Today (1981-2002)
  • Slice of Life, Weekend Magazine (1980-1986),

Iba pang mga gawa:

  • Cover para sa Asiaweek Magazine, February 10, 1984
  • Philippine Village Hotel Cartoon Mural
  • Commission on Audit Cartoon Mural
  • Duty Free
  • Jollibee
  • Caricatures and Cartoons, Private collections
  • Cover designs, brochures and catalogs, Unibersidad ng Pilipinas
  • San Miguel Corporation Calendar, 1983
  • SPIC Cartoonists Exhibit on Wheels, 1967 Society of Philippine Illustrators and Cartoonists (SPIC)
  • Asiong Aksaya TV show, Energy Conservation Movement of the Philippines, 1977

Mga Eksibisyon

  • 1999 “Larry Alcala & Friends: Cartoons and Caricatures Show,” The Westin Philippine Plaza, CCP Complex, Roxas Boulevard
  • 1998 “Larry Alcala, Life and Times of a Cartoonist,” Museo Pambata Foundation, Inc.
  • 1998 Cartoon Festival, Seoul, Korea
  • 1995 Asian Cartoonist Exhibition and Symposium, Japan
  • 1995 “Slices of Larry’s Art,” SM Megamall Art Center & Liongoren Art Gallery
  • 1993 Cartoons, Solo exhibit, San Jose & San Francisco, California, U.S.A.
  • 1991 Cartoons, Group Exhibit, Japan
  • 1990 ASEAN Cartoonist Exhibit, Tokyo, Japan
  • 1989 Cartoon Exhibit, China
  • 1988 “Slices of Life Part 2,” Art Association of Bacolod Gallery
  • 1987 “Slices of Life Here and Abroad,” Hyatt Regency Manila
  • 1987 Cartoons, Group Exhibit, Hiroshima, Japan
  • 1986 Cartoons, Solo Exhibit, Bratislava, Czechoslovakia
  • 1985 Cartoons, Group Exhibit, Chicago, San Francisco & Los Angeles, U.S.A.
  • 1984 1st Asian Cartoonist Conference, Hiroshima, Japan
  • 1984 “Larry Alcala’s First One-Man Exhibition,” Heritage Art Center
  • 1982 SKP Exhibit in Australia

Mga Parangal at Pagkilala

  • 1994 Araw ng Maynila Award
  • 1991 Pamana Award for Cartooning
  • 1988 Best in Humor Award, Catholic Press Award
  • 1984 Member, Phi Kappa Phi Intl. Honor Society
  • 1981 Diploma of Merit, University of the Philippines
  • 1977 Professional Award in Fine Arts, U.P. Alumni Association; Service Award (25 Years), U.P.
  • 1976 Full Professor of Visual Communication, U.P.C.F.A.
  • 1970 Outstanding Light Serial Writer, CAM Awards
  • 1965 First Prize, Humorous Comics, SPIC-NPC
  • 1963 Excellence in Cartooning, MOPC-SPIC
  • 1948 Board of Management, The Philippine Collegian
  • 1946 Ramon Roces Scholar, U.P. School of Fine Arts

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IV. Philippine Visual Arts. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Larry Alcala:A Slice of Life. (Hinango noong 30 Abril 2008).
  • Stangl, Jane. Kayumanggi: Biographies of Philippine Visual Artists. Quezon City: Peso Book Foundation, 2000.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.