Laban ng Demokratikong Pilipino

From Wikfilipino
Revision as of 10:05, 25 September 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang link na ito.

Senador Sonny Angara, kasalukuyang tagapangulo ng Laban ng Demokratikong Pilipino

Ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ay isang partidong politikal sa Pilipinas. Ang LDP ay itinatag noong 1988 ni dating Senador Edgardo J. Angara (24 Setyembre 1934–13 Mayo 2018). Nang mamayapa ang matandang Angara, ipinagpatuloy ng kaniyang anak na si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang pamumuno sa LDP.

Sa kalagitnaan ng dekada ’80, nakipagsanib ang Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP) at ang partidong Lakas ng Bansa sa koalisyong UNIDO na sumuporta sa kandidatura ni Corazon Aquino bilang pangulo at Salvador Laurel bilang pangalawang pangulo noong 1986 Snap Election. Kalaunan, nagsanib ang PDP at Lakas ng Bayan (Laban), at nabuo ang PDP-Laban.

Noong Halalan 1987, ang UNIDO (bilang Lakas ng Bayan) ay naging dominanteng partido sa parehong kapulungan ng Kongreso, at naihalal nila si Ramon Mitra bilang Ispiker ng Mababang Kapulungan. Hindi nagtagal at nabuwag ang UNIDO. Noong 1988, nahati ang PDP-Laban sa dalawang paksiyon: ang paksiyon na pinamumunuan ni Aquilino Pimentel Jr., at ang paksiyon ni Jose “Peping” Cojuangco. Nabuo ang LDP mula sa pagsasanib ng dalawang partido: ang paksiyon ni Cojuangco (ng PDP-Laban), at ang Lakas ng Bansa ni Ramon Mitra.

Noong 1994, nagsanib puwersa ang LDP sa partido Lakas upang bumuo ng alyansa o koalisyon para sa Halalan ng sumunod na taon, at nakakuha sila ng mayorya sa parehong kapulungan ng Kongreso.

Sinuportahan ng LDP ang pagtakbo ni Joseph Estrada bilang pangulo, at nakipag-alyansa sa dalawa pang partido at tinawag itong Laban ng Makabayang Masang Pilipino.

Halalan 2022

Sa Halalan 2022, nauna nang ianunsiyo ng Sonny Angara na susuportahan ng LDP si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung ito ay tatakbo sa pagkapangulo.

Mga Sanggunian

  • Michael Bueza. “Sonny Angara elected new LDP president.” Rappler, 2 Setyembre 2018. https://www.rappler.com/nation/elections/sonny-angara-new-ldp-president. Accessed 7 Setyembre 2021.
  • “Laban ng Demokratikong Pilipino - Fight of Democratic Filipinos in Philippine Politics.” http://www.cebu-philippines.net/laban-ng-demokratikong-pilipino.html. Accessed 7 Setyembre 2021.
  • Pia Ranada. “Angara's LDP eyes alliance with Sara Duterte's HNP for 2022.” Rappler, 4 Agosto 2021. https://www.rappler.com/nation/elections/sonny-angara-laban-ng-demokratikong-pilipino-eyes-alliance-hugpong-pagbabago. Accessed 7 Setyembre 2021.


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.