La Union

From Wikfilipino
Revision as of 00:34, 5 January 2021 by Damarante (talk | contribs) (Created page with "Ang '''La Union''' ay nasa hilagang-kanlurang baybayin ng pulo ng Luzon. Ang Lungsod San Fernando ang kabesera nito. Ito ay nasa hanggahan ng Ilocos Sur sa hil...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang La Union ay nasa hilagang-kanlurang baybayin ng pulo ng Luzon. Ang Lungsod San Fernando ang kabesera nito. Ito ay nasa hanggahan ng Ilocos Sur sa hilaga, Benguet sa silangan at Pangasinan sa timog. Nasa kanluran ng La Union ang Dagat Timog-Tsina. Ang La Union ay naging sentro ng negosyo, edukasyon at peregrinasyon sa buong rehiyon ng Ilocos. Ito ay madalas puntahan ng mga deboto lalo na tuwing sumasapit ang mahal na araw.

Saklaw

Binubuo ng 1,493.1 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng La Union. Ito ay may isang lungsod, ang San Fernando. Kabilang sa mga munisipalidad nito ang Agoo, Aringay, Bacnotan, Bagulin, Balaoan, Bangar, Bauang, Burgos, Caba, Luna, Naguilian, Pugo, Rosario, San Gabriel, San Juan, Santo Tomas, Santol, Sudipen at Tubao.

Wika

Ilokano ang karaniwang wika dito. Ang mga naninirahan sa barangay ng Santo Tomas at Rosario ay nakapagsasalita din ng Pangasinense habang ang mga nakatira sa hangganan ng Cordillera ay nagsasalita ng Ibaloi o Kankanay. Ingles at Filipino ang batayan na ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan dito.

Industriya

Agrikultura ang pangunahing industriya ng lalawigan. Marami ang gumagawa ng mga gamit pambahay tulad ng paso,walis at gamit na gawa sa kawayan. Pagtitinda ang karaniwang negosyo dito.

Panlabas na Kawing

Wow Philippines

Sanggunian

  • La Union La Union (hinango noong 31 Oktubre 2007)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

La Union La Union La Union La Union La Union La Union La Union