Koponan ng Pilipinas sa Tokyo 2020 Paralympics

From Wikfilipino
Revision as of 17:01, 14 September 2021 by Rclacuata (talk | contribs) (→‎Allain Ganapin: Para taekwondo)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Team Philippines at the Tokyo 2020 Paralympics.

Binubuo ng anim na mga atleta ang koponan ng Pilipinas sa Tokyo 2020 Paralympic Games na ginanap sa Tokyo, Japan mula 24 Agosto hanggang 5 Setyembre 2021.

Kabilang sa mga para athletes na kumatawan sa Pilipinas sina Erwin Gawilan at Gary Bejino para sa para swimming, si Allain Ganapin sa taekwondo, si Jerold Mangliwan sa para athletics, si Jeanette Aceveda sa discus throw at si Achelle Guion sa power lifting.

Unang nagpadala ng delegasyon sa Paralympic Games ang Pilipinas noong 1988. Mula noon, palaging may delegasyon ang Pilipinas sa Paralympics, maliban na lamang noong Atlanta 1996 Paralympics.

Nakamit ni Adeleine Dumapong na isang powerlifter ang unang medalya ng Pilipinas sa Paralympics noong 2000 sa Sydney, Australia. Nag-uwi siya ng bronze medal para sa women's 82.5 kg category.

Nasungkit naman ni Josephine Medina ang ikalawang medalya ng Pilipinas nang mag-uwi siya ng bronze medal sa 2016 Paralympis sa Rio de Janeiro.

Tokyo 2020 Paralympics

Ernie Gawilan: Para swimming

Si Ernie Gawilan ng Davao City ang kinatawan ng Pilipinas sa Men's 200m Individual Medley SM7, Men’s 400m freestyle S7, and Men’s 100m backstroke S7 sa Para swimming event. Nakuha niya ang ika-10 puwesto sa Paralympics.

Nauna nang nakapag-uwi ng tatlong gintong medalya at dalawang silver medal si Gawilan sa Asiad at sa ASEAN para swimming. Lumahok din siya 2016 Rio Paralympics sa Brazil.

Si Gawilan ang Filipinong atletang may pinakamaraming nakamit na medalya sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia. Nakuha rin niya ang bronze medal sa 400 freestyle sa 2021 World Para Swimming World Series sa Berlin, Germany na naging daan para makasali siya sa Tokyo Paralympics.

Ipinanganak si Gawilan na may underdeveloped extremities. Maaga siyang naulila at nasa pangangalaga ng mga madre nang madiskubre niya ang swimming.

Gary Bejino: Para swimming

Si Gary Bejino mula Albay ang kinatawan ng bansa sa Men’s 200m individual medley SM6, Men’s 400m freestyle S6, Men’s 50m butterfly S6, Men’s 100m backstroke S6 sa Para swimming event. Nakapasok siya sa Tokyo Paralympics matapos mag-uwi ng silver medal at dalawang bronze medal sa 2018 Asian Para Games.

Nagtapos siya sa ika-14 na puwesto sa men's 50m butterfly S6.

Pitong taong gulang si Bejino nang kinailangang putulin ang kaniyang kamay at paa nang masunog matapos siyang makuryente.

Jerrold Mangliwan: Para athletics

Si Jerrold Mangliwan mula Tabuk, Kalinga ang kinatawan ng bansa sa Men's 400m T52, Men’s 1500m T52, and Men’s 100m T52 sa Para athletics. Nagtapos siya sa ikalimang puwesto sa men’s 400m T52 ngunit nadiskwalipika dahil sa lane infringement.

Dalawang beses nakapag-uwi ng gintong medalya si Mangliwan sa ASEAN Para Games. Nagtapos rin siya s aikapitong puwesto sa 2016 Rio Paralympics.

Jeanette Aceveda: Para athletics

Si Jeanette Aceveda mula Mindoro ang unang visually impaired na atletang Filipino na nakasali sa Paralympics. Siya ang kinatawan ng Pilipinas sa women's discus throw F11 sa Para athletics. Nakuha niya ang kaniyang personal best na 18.27 meters na naging daan para makasali siya sa Paralympics.

Hindi natuloy ang paglaban ni Aceveda sa Tokyo Paralympics matapos magpositibo sa COVID-19.

Bahagi si Aceveda ng Philippine national team mula noong 1997. Nag-uwi siya ng dalawang gintong medalya sa discus at shotput events sa 2014 ASEAN Para Games.

Tatlong taong gulang si Aceveda nang ma-diagnose ang kaniyang retinitis pigmentosa sa isang mata. Kumalat ito sa kabila pa niyang mata kaya siya naging partially blind.

Allain Ganapin: Para taekwondo

Si Allain Ganapin mula Marikina City ang unang atletang Filipino sa para taekwondo na naging kalahok sa Paralympics. Siya ang kinatawan ng bansa sa Men’s K44 -75kg sa Para taekwondo.

Bahagi ng Philippine team si Ganapin mula 2015. Nakasali siya sa World Para Games sa pamamagitan ng isang bipartite invitation mula sa World Taekwondo Federation. Nag-uwi siya ng bronze medal sa 2017 Oceania Para Taekwondo Open at isa pang bronze medal sa 2021 Asian Olympic qualifiers.

Ipinanganak si Ganapin na putol ang kanang braso dahil sa kumplikasyon sa kaniyang umbilical cord habang siya ay ipinapanganak. Layunin niyang maging inspirasyon sa mga katulad niyang differently abled na naging biktima ng bullying.

Achelle Guion: Powerliftng

Si Achelle Guion mula Sipalay City Negros Occidental ang kinatawan ng bansa sa women's -45kg event sa powerlifting sa Tokyo Paralympics. Ito sana ang kaniyang ikalawang beses na pagsali sa Paralympics, matapos niyang makuha ang ikaanim na ouwesto sa 2012 London Paralympics. Sa kasamaang-palad, nagpositibo si Guion sa COVID-19 at hindi na nakatuloy sa Tokyo Paralympics.

Nag-uwi ng dalawang silver medal si Guion sa 2014 at 2018 Asian Para Games. Nagkasakit siya ng polio noong siya ay isang taong gulang.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.