Kalsiyo

From Wikfilipino
Revision as of 02:39, 24 March 2021 by Aabenoja (talk | contribs) (Created page with "Ang '''kalsyo''' o '''kalsyum''' (Ingles: ''calcium'', may sagisag na '''Ca''', atomikong bilang na 20, atomikong timbang na 40.08, punto ng pagkatunaw na mu...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang kalsyo o kalsyum (Ingles: calcium, may sagisag na Ca, atomikong bilang na 20, atomikong timbang na 40.08, punto ng pagkatunaw na mula 842 hanggang 48 °C, punto ng pagkulong 1,487 °C, espesipikong grabidad na 1.55, at V na 2) ay isang elementong metalikong kahawig ng pilak at medyo may katigasan. Isa ito sa mahahalagang sangkap sa mga buto, sa mga kabibe, at sa mga dahon. Sangkap din ito sa paggawa ng plaster, apog, at semento. Natuklasan ito noong 1808 ni Humphry Davy.