Difference between revisions of "Juan Ponce Enrile"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Si '''Juan Ponce Enrile''' ay batikang mambabatas at dating naging ministro ng Tanggulang Pambansa sa Pilipinas. Kabilang si Enrile sa mga tumalikod sa dating Pangulong Ferd...")
 
Line 2: Line 2:
  
== Talambuhay ==
 
== Talambuhay ==
Si Juan Ponce Enrile ay ipinanganak noong 14 Pebrero 1924, sa bayan ng Gonzaga sa Cagayan. Bininyagan siya sa pangalang Juanito Furagganan, dala ang apelyido ng kaniyang ina. Upang magkaroon ng mas magandang oportunidad, umalis si Enrile sa Gonzaga, Cagayan at nagtungo sa poblasiyon upang doon mag-aral at maghanapbuhay bilang maninilbi sa kamag-anak ng kaniyang ina. Di naglaon ay lumipat siya sa Aparri at pumasok sa ''Cagayan Valley Institute''.
+
Si Juan Ponce Enrile ay ipinanganak noong 14 Pebrero 1924, sa bayan ng Gonzaga sa [[Cagayan]]. Bininyagan siya sa pangalang Juanito Furagganan, dala ang apelyido ng kaniyang ina. Upang magkaroon ng mas magandang oportunidad, umalis si Enrile sa Gonzaga, Cagayan at nagtungo sa poblasiyon upang doon mag-aral at maghanapbuhay bilang maninilbi sa kamag-anak ng kaniyang ina. Hindi naglaon ay lumipat siya sa Aparri at pumasok sa ''Cagayan Valley Institute''.
  
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay umanib sa mga gerilya. Nahuli siya, ikinulong, at pinahirapan, ngunit nakatakas siya at nang patapos na ang himagsikan ay nagsilbi sa U.S. Quartermaster depot sa Aparri, Cagayan. Habang ang himagsikan ay laganap, ang kaniyang mga kapatid na babae ay lumikas patungong Aparri at nalaman ang tungkol sa kaniya. Pagkatapos ng himagsikan, nakilala ni Enrile ang kaniyang ama sa opisina nito sa Binondo, Maynila
 
Line 8: Line 8:
 
Dinala ni Don Alfonso si Enrile sa kaniyang tahanan sa Malabon. Binigyan ni Don Alfonso si Juanito ng bagong pangalan, Juan Ponce Enrile. Nag- aral muli si Enrile ng hay-iskul sa St. James Academy sa Malabon.
 
Noong 1947, pumasok si Enrile sa Ateneo de Manila at nagtapos bilang cum laude at may Associate in Arts Degree. Sa Unibersidad ng Pilipinas, nagtapos siya bilang cum laude at salutatorian sa UP Law Class 1953. Pumasa siya sa Bar Examinations at nakuha ang ika-11 puwesto na may 91.71 porsiyento at nakakuha ng perpektong puntos sa commercial law.
+
Noong 1947, pumasok si Enrile sa Ateneo de Manila at nagtapos bilang cum laude at may digri na Associate in Arts. Sa Unibersidad ng Pilipinas, nagtapos siya bilang cum laude at salutatorian sa UP Law Class 1953. Pumasa siya sa Bar Examinations at nakuha ang ika-11 puwesto na may 91.71 porsiyento at nakakuha ng perpektong puntos sa commercial law.
  
Inalok siya ng tulong pinansiyal ng Harvard University at doon ay nagpakadalubhasa sa Batas at may espesiyalidad sa Taxation at corporate law.
+
Inalok siya ng tulong pinansiyal ng Harvard University at doon ay nagpakadalubhasa sa Batas at may espesiyalidad sa taxation at corporate law.
  
Pagbalik sa Filipinas, sumapi siya sa Ponce Enrile, Siguion Reyna, Montecillo, Bello Law Office at doon ay lumitaw siya bilang pinakamagaling na abogado. Wala siyang kasong hinawakan na natalo.
 
Noong 1966, hinirang siyang katuwang na kalihim ng Pananalapi, at umaktong tagapangulo ng Monetary Board.Mulang 1968 hanggang 1970 ay naging kalihim siya ng Hustisya Siya ay naging. ministro ng Pambansang Tanggulan noong 1970, posisyong hinawakan niya nang mahigit-kumulang sa 17 taon na nagwakas noong 1986.
+
Noong 1966, hinirang siyang katuwang na kalihim ng Pananalapi, at umaktong tagapangulo ng Monetary Board. Mula 1968 hanggang 1970 ay naging kalihim siya ng Hustisya. Naging ministro siya ng Pambansang Tanggulan noong 1970, posisyong hinawakan niya nang mahigit-kumulang sa 17 taon na nagwakas noong 1986.
  
Inihalal siyang kinatawan ng Cagayan noong 1978. Nanalo siya ng hanggang sa ikalawang termino noong 1984.
 
Dahil sa pagkakapatay kay Benigno Aquino Jr., hindi na nasikmura pa ni Enrile ang diktatura ni Marcos at pumanig na sa bayan. Kasama si Fidel V. Ramos, Ikalawang Hepe de Estado Mayor noong panahon na iyon, pinamunuan nila ang makasaysayang Aklasang Bayan sa EDSA, sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa mga libo-libong mamamayan na tumugon sa panawagan.
+
Dahil sa pagkakapatay kay [[Benigno Aquino Jr.]], hindi na nasikmura pa ni Enrile ang diktatura ni Marcos at pumanig na sa bayan. Kasama si [[Fidel V. Ramos]], ang Ikalawang Hepe de Estado Mayor noong panahon na iyon, pinamunuan nila ang makasaysayang Aklasang Bayan sa EDSA, sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa mga libo-libong mamamayan na tumugon sa panawagan.
  
Nagdagsaan ang mga ito sa dalawang kampo ng militar. Apat na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinalulunan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama. Ito ay upang mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos.
+
Nagdagsaan ang mga ito sa dalawang kampo ng militar. Apat na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinaroroonan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama upang mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos.
  
Nailuklok si Corazon Aquino bilang pangulo ng Filipinas at kaniyang hinirang si Enrile bilang kalihim ng Pambansang Tanggulan. Nagbitiw siya sa tungkulin makalipas ang anim na buwan, dahil sa pagkakaroon ng suliranin sa bagong administrasyon.
+
Nailuklok si [[Corazon Aquino]] bilang pangulo ng [[Pilipinas]] at kaniyang hinirang si Enrile bilang kalihim ng Pambansang Tanggulan. Nagbitiw siya sa tungkulin makalipas ang anim na buwan dahil sa pagkakaroon ng suliranin sa bagong administrasyon.
  
Noong 1987 ay tumakbo siya at nanalo bilang natatanging senador ng oposisyon. Bilang Minority Floor Leader, kasapi siya ng lahat ng komite sa Senado. Kasapi rin siya sa Electoral Tribunal at ng Komisyon ng Paghirang.
 
Line 28: Line 28:
 
Maraming boto ang nakuha niya noong kumandidato siya bilang kinatawan ng kaniyang lalawigan noong 11 Mayo 1992, at sumapi siya sa partidong liberal na partido rin dati ng kaniyang ama.
 
Noong eleksiyon ng Mayo 1995, muli siyang tumakbo at nanalo bilang senador sa ilalim ng Koalisyon ng Lakas. Muli siyang naging kasapi ng Komisyon ng Paghirang, tagapangulo ng komite ng Ways and Means ng Senado, at ng Komite sa Government Corporations and Public Enterprises. Bilang Senador, pinamunuan niya ang pagsasabatas ng Comprehensive Tax Reform Program na ipinasa bilang batas sa katawagang Batas Republika Bilang: 8424.
+
Noong eleksiyon ng Mayo 1995, muli siyang tumakbo at nanalo bilang senador sa ilalim ng Koalisyon ng Lakas. Muli siyang naging kasapi ng Komisyon ng Paghirang, tagapangulo ng komite ng Ways and Means ng Senado, at ng Komite sa Government Corporations and Public Enterprises. Bilang Senador, pinamunuan niya ang pagsasabatas ng Comprehensive Tax Reform Program na ipinasa bilang batas sa katawagang Batas Republika Bilang: 8424. Ilang termino siyang nagsilbi sa Senado: mula 1987 hanggang 1992, mula 1995 hanggang 2001, at mula 2004 hanggang 2016.
 +
 
 +
==Pork Barrel Scam==
 +
 
 +
Isa si Enrile sa mga politikong nadawit sa pork barrel scam noong 2013, kung saan pinaniniwalaang naglipat siya ng kaniyang pondong pork barrel sa mga huwad na non-government organization ni Janet Lim-Napoles, ang pinaniniwalaang utak ng nasabing scam. Ang pondo ay para umano sa mg hindi totoong mga proyekto, at pinaniniwalaang nakakuha ng P127,834,500 na "kickback" si Enrile mula kay Napoles. Ayon sa dating empleyado ng JLN Corp. na si Mary Arlene Baltazar, nasa P500 milyong pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ng mga mambabatas ang inilaan sa mga NGO ni Napoles.
 +
 
 +
==Mga Sanggunian==
 +
*[http://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/enrile_bio.asp Juan Ponce Enrile] (Accessed on 23 February 2022)
 +
*[https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/juan-ponce-enrile-political-comeback-2021/ The political comeback of Juan Ponce Enrile] (Accessed on 23 February 2022).
 +
*[https://www.pna.gov.ph/articles/1167751 Enrile endorses BBM for president on 98th birthday] (Accessed on 23 February 2022)
 +
*[https://www.philstar.com/headlines/2021/11/05/2139066/enriles-plunder-case-set-trial Enrile's plunder case set for trial] (Accessed on 23 February 2022)
  
== Sanggunian ==
 
Senate of the Philippines. “Senator Juan Ponce Enrile.” http://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/enrile_bio.asp. Accessed 15 Marso 2021.
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
[[Category:Pamahalaan at Politika]]
+
[[Category: Kasaysayan]]
[[Category:Senador]]
+
[[Category: Kontemporaryong Panahon]]
[[Category:Politiko]]
+
[[Category: Martial Law]]
 +
[[Category: Martial Law in the Philippines]]
 +
[[Category: Marcos Cronies]]
 +
[[Category: Ferdinand Marcos]]

Latest revision as of 16:53, 23 February 2022

Si Juan Ponce Enrile ay batikang mambabatas at dating naging ministro ng Tanggulang Pambansa sa Pilipinas. Kabilang si Enrile sa mga tumalikod sa dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at naglunsad ng kudeta na magiging titis sa Aklasang Bayan sa EDSA.

Talambuhay

Si Juan Ponce Enrile ay ipinanganak noong 14 Pebrero 1924, sa bayan ng Gonzaga sa Cagayan. Bininyagan siya sa pangalang Juanito Furagganan, dala ang apelyido ng kaniyang ina. Upang magkaroon ng mas magandang oportunidad, umalis si Enrile sa Gonzaga, Cagayan at nagtungo sa poblasiyon upang doon mag-aral at maghanapbuhay bilang maninilbi sa kamag-anak ng kaniyang ina. Hindi naglaon ay lumipat siya sa Aparri at pumasok sa Cagayan Valley Institute.

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay umanib sa mga gerilya. Nahuli siya, ikinulong, at pinahirapan, ngunit nakatakas siya at nang patapos na ang himagsikan ay nagsilbi sa U.S. Quartermaster depot sa Aparri, Cagayan. Habang ang himagsikan ay laganap, ang kaniyang mga kapatid na babae ay lumikas patungong Aparri at nalaman ang tungkol sa kaniya. Pagkatapos ng himagsikan, nakilala ni Enrile ang kaniyang ama sa opisina nito sa Binondo, Maynila

Dinala ni Don Alfonso si Enrile sa kaniyang tahanan sa Malabon. Binigyan ni Don Alfonso si Juanito ng bagong pangalan, Juan Ponce Enrile. Nag- aral muli si Enrile ng hay-iskul sa St. James Academy sa Malabon.

Noong 1947, pumasok si Enrile sa Ateneo de Manila at nagtapos bilang cum laude at may digri na Associate in Arts. Sa Unibersidad ng Pilipinas, nagtapos siya bilang cum laude at salutatorian sa UP Law Class 1953. Pumasa siya sa Bar Examinations at nakuha ang ika-11 puwesto na may 91.71 porsiyento at nakakuha ng perpektong puntos sa commercial law.

Inalok siya ng tulong pinansiyal ng Harvard University at doon ay nagpakadalubhasa sa Batas at may espesiyalidad sa taxation at corporate law.

Pagbalik sa Filipinas, sumapi siya sa Ponce Enrile, Siguion Reyna, Montecillo, Bello Law Office at doon ay lumitaw siya bilang pinakamagaling na abogado. Wala siyang kasong hinawakan na natalo.

Noong 1966, hinirang siyang katuwang na kalihim ng Pananalapi, at umaktong tagapangulo ng Monetary Board. Mula 1968 hanggang 1970 ay naging kalihim siya ng Hustisya. Naging ministro siya ng Pambansang Tanggulan noong 1970, posisyong hinawakan niya nang mahigit-kumulang sa 17 taon na nagwakas noong 1986.

Inihalal siyang kinatawan ng Cagayan noong 1978. Nanalo siya ng hanggang sa ikalawang termino noong 1984.

Dahil sa pagkakapatay kay Benigno Aquino Jr., hindi na nasikmura pa ni Enrile ang diktatura ni Marcos at pumanig na sa bayan. Kasama si Fidel V. Ramos, ang Ikalawang Hepe de Estado Mayor noong panahon na iyon, pinamunuan nila ang makasaysayang Aklasang Bayan sa EDSA, sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa mga libo-libong mamamayan na tumugon sa panawagan.

Nagdagsaan ang mga ito sa dalawang kampo ng militar. Apat na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinaroroonan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama upang mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos.

Nailuklok si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas at kaniyang hinirang si Enrile bilang kalihim ng Pambansang Tanggulan. Nagbitiw siya sa tungkulin makalipas ang anim na buwan dahil sa pagkakaroon ng suliranin sa bagong administrasyon.

Noong 1987 ay tumakbo siya at nanalo bilang natatanging senador ng oposisyon. Bilang Minority Floor Leader, kasapi siya ng lahat ng komite sa Senado. Kasapi rin siya sa Electoral Tribunal at ng Komisyon ng Paghirang.

Maraming boto ang nakuha niya noong kumandidato siya bilang kinatawan ng kaniyang lalawigan noong 11 Mayo 1992, at sumapi siya sa partidong liberal na partido rin dati ng kaniyang ama.

Noong eleksiyon ng Mayo 1995, muli siyang tumakbo at nanalo bilang senador sa ilalim ng Koalisyon ng Lakas. Muli siyang naging kasapi ng Komisyon ng Paghirang, tagapangulo ng komite ng Ways and Means ng Senado, at ng Komite sa Government Corporations and Public Enterprises. Bilang Senador, pinamunuan niya ang pagsasabatas ng Comprehensive Tax Reform Program na ipinasa bilang batas sa katawagang Batas Republika Bilang: 8424. Ilang termino siyang nagsilbi sa Senado: mula 1987 hanggang 1992, mula 1995 hanggang 2001, at mula 2004 hanggang 2016.

Pork Barrel Scam

Isa si Enrile sa mga politikong nadawit sa pork barrel scam noong 2013, kung saan pinaniniwalaang naglipat siya ng kaniyang pondong pork barrel sa mga huwad na non-government organization ni Janet Lim-Napoles, ang pinaniniwalaang utak ng nasabing scam. Ang pondo ay para umano sa mg hindi totoong mga proyekto, at pinaniniwalaang nakakuha ng P127,834,500 na "kickback" si Enrile mula kay Napoles. Ayon sa dating empleyado ng JLN Corp. na si Mary Arlene Baltazar, nasa P500 milyong pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ng mga mambabatas ang inilaan sa mga NGO ni Napoles.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.