Juan De La Cruz (Banda)

From Wikfilipino
Revision as of 17:17, 24 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Ang Bandang Juan dela Cruz (Juan Dela Cruz Band) ang kauna-unahang bandang may temang rock and roll sa Pilipinas na lumabas noong dekada '70. Nabuo ang banda noong 1968 at naging pangunahing bandang nagpakilala sa “Pinoy rock”. Sina Pepe Smith, Mike Hanopol at Wally Gonzalez ang pangunahing mga miyembro ng banda.

Kasaysayan

Nabuo noong 1968 ang orihinal na bandang Juan dela Cruz ay binubuo nina Wally Gonzalez, Sandy Tagarro, Edmond Fortuno, Bing Labrador at Alex Cruz. Unang tumugtog ang grupo noong Disyembre 1970 sa Antipolo Rock Festival, ang katumbas ng Woodstock Festival sa Pilipinas. Noong 1971, tumugtog sila kasabay ng Manila Symphony Orchestra para sa produksyong ng Jesus Christ Superstar sa Cultural Center of the Philippines. Dahil kasama sa dula si Sandy Tagarro, pinalitan siya ni Clifford Ho bilang bahista. Nang matapos ang Jesus Christ Superstar, bumuo ng hiwalay na grupo sina Edmund Fortuno, Bing Labrador at Alex Cruz.

Bumalik si Tagarro sa banda bilang bokalista at drummer, habang nagpatuloy si Ho bilang bahista. Naging bahagi ng banda sina Romy Santos at Rene Sogueco. Matapos ito ay naglabas ng unang album ang banda noong 1971, ang “Up in Arms”. Ngunit bago pa man mailabas ang album ay kinailangang umalis ni Tagarro sa banda at pinalitan siya ni Bobot Guerrero bilang drummer. Hindi naging matagumpay ang unang album ng banda.

Matapos ang ilang buwan, umalis na rin sa banda sina Sugueco at Ho. Sa panahong ito bumalik sa Pilipinas si Pepe Smith mula sa Japan at naging bahagi ng isang rock musical. Magkasama ring tumutugtog ang Juan Dela Cruz at ang bandang Anakbayan na binuo ng dating mga miyembro ng banda.

Dahil sa pagkawala ng mga miyembro ng grupo, nagdesisyon si Wally Gonzalez na bumuo ng “powerhouse trio” kasama sina Pepe Smith bilang singer-drummer-composer at si Mike Hanopol bilang singer-bassist-composer ng banda. Nauna nang nagkasama sa Japan sina Hanopol at Smith kasama ang gitaristang hapon na si Shinki Chen.

Naglabas ng album sina Gonzalez, Smith at Hanopol at sumikat ang kanilang awiting “Himig Natin”. Kinalaunan ay kinilala ang awitin bilang unang halimbawa ng Pinoy Rock, na naging simula ng pag-usbong ng ganitong musika sa Pilipinas.

Noong 2017, pinarangalan ng ASAP Natin ‘To ang banda ng ASAP Pinoy Band’s Special Lifetime Achievement Award para sa kanilang kontribusyon sa musikang Pilipino. Namatay si Smith noong ika-28 ng Enero 2019.


Mga Miyembro

  • Wally Gonzalez (1968 hanggang kasalukuyan)
  • Mike Hanopol (1971 hanggang kasalukuyan)

Mga dating miyembro

  • Sandy Tagarro
  • Edmund Fortuno
  • Bing Labrador
  • Alex Cruz
  • Clifford Ho
  • Bobot Guerrero
  • Larry Martinez
  • Tony Rodriguez
  • Pepe Smith (1971 hanggang 2019)


Diskograpiya

  • Up in Arms (1972)

Kredito: Wally Gonzales - gitara, Rene Segueco - keyboards, Romy Santos - flute/sax/clarinet, Clifford Ho - bass, Bobot Guerrero - tambol at Sandy Tagarro (kumpositor)

  • Himig Natin (1973)

Kredito: Wally Gonzales – Gitara, Mike Hanopol – Bass/Piyano, Joseph Smith – Tambol/gitarang acoustic

  1. Take you home
  2. I wanna say yeah
  3. Round & Round
  4. Blues Train
  5. Rak en Rol sa Ulan
  6. Shake your Brains
  7. Mamasyal sa Pilipinas
  8. Big Boss man
  9. Himig Natin
  • Super Sessions – Live at the UP Theatre (1974)

Kredito: Nides Aranzamendez – Session Drummer, Wally Gonzales – Gitara, Mike Hanopol – Bass

  1. Sarap ng Buhay
  2. Kagatan
  3. Langit
  4. Great Pinoy Antiquities
  5. Himig natin
  • Maskara (1975)

Kredito: Wally Gonzales – Gitara, Mike Hanopol – bass guitar/piyano, Joseph Smith – Tambol / gitarang acoustic

  1. Maskara
  2. Pinoy Blues
  3. Nadapa sa Arina
  4. Nakatagong Mata
  5. Beep Beep
  6. We love you
  7. Pagod sa pahinga
  8. Rak en Rol sa Mundo
  9. Balong Malalim
  10. Palengke
  11. Naglalakbay
  12. Last Song
  • Greatest Hits Live (Live Concert in Cebu) (1977)
  1. Kagatan
  2. Balong Malalim
  3. Beep Beep
  4. Palengke
  5. Rock and Roll sa Ulan
  6. Langit
  7. Mamasyal sa Pilipinas
  8. Sarap ng Buhay
  9. Himig Natin
  • The Best of Juan dela Cruz Band (1980)

Mga gumanap: Mike Hanopol, Joey "Pepe" Smith and Wally Gonzales

  1. Himig Natin (Joey Smith)
  2. Maskara (Mike Hanopol - Wally Gonzales - Joey Smith)
  3. Beep-Beep (Mike Hanopol - Wally Gonzales - Joey Smith)
  4. Balong Malalim (Mike Hanopol - Wally Gonzales - Joey Smith)
  5. Rock & Roll sa Ulan (Mike Hanopol - Joey Smith)
  6. Kagatan (Mike Hanopol - Wally Gonzales)
  7. Rock & Roll sa Mundo (Mike Hanopol - Wally Gonzales - Joey Smith)
  8. Blues Traini (Joey Smith)
  9. Mamasyal sa Pilipinas (Mike Hanopol - Joey Smith)
  • Kahit Anong Mangyari (1981)

Kredito: Mike Hanopol – Gitara/vocals/Piyano, Wally Gonzales – Gitara, Joey Smith – Tambol/vocals, Nick Boogie – Tambol, Lorie Ilustre – Piyano, Homer Flores – Piyano, Chito Ilagan – Bass, Danny Bornilla – Bass, Edmund Fortuno - Tambol

  1. Kahit Anong Mangyari
  2. No Touch
  3. Panahon
  4. Titsers Enemi #1
  5. Magkombo
  6. Lampas
  7. Divisoria
  8. Project
  9. Ensayo
  10. Inday
  11. Todo mona
  • The Best Of Pinoy Rock (1983)

(2 awitin: "No Touch" (M.Hanopol) at "Himig Natin" (Smith-Hanopol-Gonzales/Smith)

  • The Best Of Pinoy Rock Vols. 1 & 2 (Collectors' Edition) (1985)

Kredito: Wally Gonzales - Gitara/vocals, Mike Hanopol - bass/gitara/vocals, Joey Smith - tambol/vocals/gitarang acoustic
Volume I: "Himig Natin" (Smith-Hanopol-Gonzales/Smith)
Volume II: "Project" (Smith-Hanopol), "Nakatagong Mata" (Gonzales/JDLCB), "Sarap Ng Buhay" (Hanopol-Gonzales), "Maskara" (Smith/JDLCB)

  • Himig Natin (Special Collector's Edition) (1994)
  1. Himig Natin
  2. Titser's Enemi No. 1
  3. Mamasyal Sa Pilipinas
  4. Kagatan
  5. Panahon
  6. Inday
  7. Balong Malalim
  8. No Touch
  9. Project
  10. Beep Beep
  11. Divisoria
  12. Kahit Anong Mangyari

13. Todo Mo Na 14. Rock & Roll Sa Ulan 15. Rock & Roll Sa Mundo

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.