Joint U.S. Military Advisory Group
Ang Joint U.S. Military Advisory Group (JUSMAGPHIL) ay isang grupo ng mga Amerikanong tagapayong militar na permanenteng nakadestino sa Pilipinas para tumulong sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) sakaling magkaroon ng gulo sa bansa. Itinatag ng Republic of the Philippines Military Assistance Agreement ang JUSMAGPHIL noong 1947 sa kabila ng banta ng Hukbalahap.
Itinatag ni Edward Landsdale ang JUSMAGPHIL sa pamamagitan ng Public Law 454 sa panahon ni Pangulong Ramon Magsaysay para tugunan ang rebelyon ng Hukbalahap. Una itong tinawag na Joint Advisory Group at itinatag noong ika-1 ng Nobyembre, 1947.
Noong ika-4 ng Hulyo, 1951, nagkaroon ng reorganisasyon ang JUSMAGPHIL nang pirmahan ang Mutual Defense Assistance Act kapalit ng Public Law 454.
Mga Sanggunian
- The U.S. Military Aid to the Philippines - A US Embassy paper (accessed May 12, 2008
- The Hukbalahap Insurrection: Ramon Magsaysay, Edward Lansdale and the JUSMAG (accessed May 12, 2008)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |