Isla San Salvador

From Wikfilipino
Revision as of 06:57, 25 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "Taglay ng '''Isla San Salvador'''—na sakop ng Masinloc, Zambales sa hilagang-kanluran ng Luzon—ang malawak na tangrib [coral reefs]. Mahaba at biglang bumubulusok pagsapit...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Taglay ng Isla San Salvador—na sakop ng Masinloc, Zambales sa hilagang-kanluran ng Luzon—ang malawak na tangrib [coral reefs]. Mahaba at biglang bumubulusok pagsapit sa pinakarurok ang nasabing tangrib. Noong 1989, itinatag doon ang 127 ektaryang santuwaryo ng mga isda, sa bisa ng Ordinansa ng Munisipyo Bilang 30, serye ng 1989, at sa tulong ng Haribon Foundation at U.S. Peace Corps.

Bawal mangisda sa naturang lugar, at ang pangunguha ng isda ay pinapayagan lamang kung gagamitin sa siyentipikong pananaliksik. Ang buong San Salvador ay reserbasyon, na tanging ang katutubong uri ng pangingisda ang pinapayagan. Pinangangasiwaan yaon ng Samahang Pangkaunlaran ng San Salvador at Bantay Dagat. Tumutulong din ang pamahalaang lokal, ang National Power Corporation (NPC), at ang Panlalawigang Opisyal ng Kaligiran at Likas-Yaman upang matuguan ang mga usaping makaaapekto sa yamang-dagat. Itinatag ang estasyon ng pagsubaybay sa palibot ng planta at ilan sa San Salvador

Tunguhin

Itinatag naman ng Unibersidad ng Pilipinas Kawanihan ng Agham Pandagat (Marine Science Institute) noong 2000 ang programa sa pagsubaybay sa kahusayan ng santuwaryo ng isda sa San Salvador. Tinitiyak kung may pagbabago sa anyo ng tangrib sa paggamit ng metodo ng pagmamasid, pagkuha ng retrato, at pagsukat sa tangrib.

Ayon kina Hazel O. Arceo at Hiyasmin G. Alano ng UP Marine Science Institute, nababalam ang pagpapatupad ng santuwaryo ng isda dahil sa bumibigat na banggaan ng samahang masa at ng Bantay Dagat. Kailangan din umanong lutasin ang labis na paggamit ng yamang-dagat, at makatayo nang mag-isa ang mga kinatawan ng bawat sektor dahil may mga kasangkapan naman sila sa pagbabantay ng tangrib.

Sanggunian

Arceo, Hazel O. at Hiyasmin G. Alano. PhilReefs on the Web, na mababasa sa PhilReefs.==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.