Difference between revisions of "Influenza A (H1N1)"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Ang '''Influenza A (H1N1)''' ay isang uri ng Influenza A virus. Noong 2009, nakaroon ng bagong strain ng Influenza A (H1N1) na sinasabing nagmula sa swine flu at human flu....")
 
 
Line 35: Line 35:
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[[Kategorya: Kalusugan]]
 
[[Kategorya: Kalusugan]]
 +
[[Category:Siyensiya at Teknolohiya]]
 +
[[Category:Sakit at Lunas]]

Latest revision as of 11:06, 1 March 2021

Ang Influenza A (H1N1) ay isang uri ng Influenza A virus. Noong 2009, nakaroon ng bagong strain ng Influenza A (H1N1) na sinasabing nagmula sa swine flu at human flu.

Sintomas

Ang A (H1N1) ay may sintomas gaya ng seasonal flu. Ang taong may A (H1N1) ay nakararanas ng lagnat; ubo; sipon; pananakit ng ulo, lalamunan at kalamnan; pagsusuka; at pagtatae. Bagamat madaling magamot ang A (H1N1), ito ay dapat agarang pag-ukulan ng pansin. Ang taong nahihirapang huminga, nilalagnat ng higit tatlong araw, at nagkukumbolsyon ay dapat nang dalhin sa pagamutan.

Gaya ng seasonal flu, ang A (H1N1) ay nakukuha sa human contact, partikular sa pagbahing at pag-ubo. Ang mga taong may iba pang sakit gaya ng asthma, tuberculosis, diabetes, sakit sa puso at sakit sa atay ay may mas malaking tsansang magkaroon ng malalang kaso ng A (H1N1). Gayundin ang mga buntis, mga maliliit na bata, at ang mga matatanda.

Pagsusuri

Nagsasagawa ng labortary test upang makumpirma ang sintomas ng A (H1N1). Kinukunan ng respiratory specimen ang pasyente mula sa kanyang lalamunan at sinusuri kung positibo sya sa virus. Ang laboratory test sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng humigit kumulang P4000.

Paggamot

Ang ordinaryong kaso ng A (H1N1) ay gumagaling sa pamamagitan ng tamang pahinga, pag-inom ng maraming tubig, at pagkain ng tama. Ang mga taong may iba pang sakit maliban sa A (H1N1) ay kinakailangang gamutin upang maiwasan ang komplikasyon.

Bakuna

May dalawang pangunahing bakuna laban sa A (H1N1): ang bakunang may inactivated virus at ang isang may live virus. Ang naunang bakuna ay tinuturok sa braso at maaaring magdulot ng side effects gaya ng pamamaga at pamumula ng bahaging binakunahan, lagnat at pananakit ng ulo at kalamnan. Ang pangalawang bakuna ay ginagamit bilang nasal spray at may side effects na nasal congestion, sipon at pananakit ng lalamunan. Gayunpaman, ang mga side effects na ito ay tumatagal lamang ng ilang araw. Ang bakuna laban sa A (H1N1) ay napatunayang ligtas gamitin.

Pagkalat sa buong mundo

Mabilis ang pagkalat ng A (H1N1). Noong Abril 2009, naiulat ang unang kaso ng A (H1N1) sa Mexico at Estados Unidos. Tumaas ang bilang ng mga kaso hanggang sa kumalat ito sa iba pang mga bansa. Huling linggo ng Mayo nang iniulat ng World Health Organization (WHO) na may 13, 398 na kaso ng A (H1N1) sa 48 bansa. Noong Hunyo 2009, itinaas ng WHO ang alert level sa phase 6. Ito ang pinakamataas na alert level matapos ang Hongkong flu ng 1968 na isa ring pandemic case. Noong huling linggo ng Hunyo, halos 13,398 kaso ng A (H1N1) ang naitala sa higit 100 bansa.

May mga naiulat na namatay sanhi ng mga komplikasyon dulot ng A (H1N1). Di gaya ng sa seasonal flu na ang mortality rate ay mataas sa mga nakatatanda, karamihan ng mga namatay sa A (H1N1) ay mas bata.

H1N1 sa Pilipinas

Mabilis kumalat ang A (H1N1) sa Pilipinas. Umabot sa 1,709 ang kaso ng A (H1N1) sa bansa sa unang linggo ng Mayo hanggang Hunyo ng taong 2009. Malaking bilang ng mga naging biktima ng virus ay lalaki. Ang mga biktima ay naiulat na edad 5 buwan hanggang 79 taon. Karamihan sa mga biktima ay nasa National Capital Region partikular sa Makati, Manila, Parañaque, Pasig, at Lungsod Quezon .

Sa pinakahuling datos noong Hulyo 2009, mayroong 2, 668 kaso ng A (H1N1) sa Pilipinas, 959 dito ay bagong kaso at 2, 543 ang gumaling. Tatlo ang kumpirmadong patay.

Masusing tinutukan ng Department of Health ang pagkalat ng A (H1N1) sa Pilipinas. Maagap itong nakipagtulungan sa WHO at sa iba’t ibang sangay ng gobyerno gaya ng Research Institute for Tropical Medicine, National Epidemiology Center, National Disaster Coordinating Council, Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Interior and Local Government at Philippine Information Agency.

Sanggunian

  • [1] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [2] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [3] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [4] (Hinango noong Abril 20, 2010)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya: Kalusugan