Ika-19 Kongreso ng Pilipinas

From Wikfilipino
Revision as of 07:15, 20 May 2022 by Mrmagcamit (talk | contribs) (Created page with "Ang '''Ika-19 Kongreso ng Pilipinas''' ay ang susunod na pagpupulong ng pambansang lehislatura ng Pilipinas na binubuo ng Senado ng Pilipinas [Senate of the Philippines] at Ka...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang Ika-19 Kongreso ng Pilipinas ay ang susunod na pagpupulong ng pambansang lehislatura ng Pilipinas na binubuo ng Senado ng Pilipinas [Senate of the Philippines] at Kapulungan ng mga Kinatawan [House of Representatives]. Ito ay ang pormal na asamblea ng mga nagwaging senador noong Halalan 2022, kapalit ng 12 senador na magtatapos ang termino sa 30 Hunyo 2022, at ng 12 senador na hanggang 30 Hunyo 2025 pa magtatapos ang termino. Gayundin ang mga nagwaging kongresista o kinatawan sa Halalan 2022, na kabuoan ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.

Ang mga kinatawan ng Ika-19 Kongreso ng Pilipinas ay magpupulong sa Batasang Pambansa Complex at ang mga senador ay magpupulong sa GSIS Building mula 22 Hulyo 2022 hanggang 2025, sa unang tatlong taon ng bagong Pangulo ng Pilipinas.

Mula sa mga senador, magbobotohan para sa sumusunod na posisyon na mamumuno sa Senado ng Pilipinas:

  • Senate President
  • Senate President pro tempore
  • Majority Floor Leader
  • Minority Floor Leader

Mula sa mga kongresista ay pipili ng sumusunod naman ng mga mamumuno sa Kapulungan ng mga Kinatawan :

  • House Speaker
  • Deputy Speaker
  • Majority Floor Leader
  • Minority Floor Leader


*Ang pahinang ito ay ia-update sa mga susunod na araw.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.