IBON Foundation

From Wikfilipino
Revision as of 11:57, 1 October 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang IBON Foundation ay isang non-profit research, education and information-development institution na may mga programang may kaugnayan sa pananaliksik, edukasyon at adbokasiya sa Pilipinas. Nagsasagawa rin ito ng mga pananaliksik na sosyo-ekonomic at pagsusuri sa mga isyung panlipunan.

Kasaysayan

1970s

Itinatag ang IBON Foundation noong 1978 nina Sister Mary Soledad Perpiñan, Sally Bulatao at Antonio Tujan anim na taon matapos ideklara ng diktador na si dating pangulong Ferdinand E. Marcos ang batas militar sa bansa. Naglabas ang IBON ng isang fact sheet, ang IBON Facts and Figures para ipaalam sa publiko ang mga datos tungkol sa iba't ibang isyung lokal at pambansa. Mula sa paunang 200 kopya, naglimbag ang IBON ng karagdagang 2,000 kopya nito. Maraming mga boluntir ang tumulong para mabuo ang unang IBON Facts and Figures. Nakatanggap ng suporta mula sa publiko ang grupo at mula 1978 hanggang 1980, naging mahalagang publikasyon ang IBON Facts and Figures para sa mga mananaliksik sa iba't ibang larangan at disiplina. Noong 1980s, naging isang non-government organization ang IBON Foundation.

1980s

Noong 1982, itinatag ng IBON ang IBON Databank para magbigay ng datos sa mga mananaliksik, mga guro, mga NGO at iba pang grupong maaring mangailangan nito. Noong 1984, inilunsad ang Ekonomiks na isang lathalain para sa mga grassroots organization. Nagreorganisa ang IBON matapos ang naging suliranin sa pagsasaayos ng mga serbisyo at departamento nito.

1990s

Sa panahong ito, pinalawak ng IBON ang kanilang Databank and Research Center, nagsasagawa na rin ng malalalimang pananaliksik at pag-aaral para mas mapaunlad ang kalidad ng mga libro at lathalain nito. Nagtayo rin ang IBON ng mga sectoral service desk para makatulong sa iba't ibang sektor tulad ng mga manggagawa, pesante, kababaihan at mga katutubo. Nagsagawa rin ito ng mga sarbey at mga seminar.

2000s

Ipinagpatuloy ng IBON ang mga programa nito para mas maraming sektor ang matulungan ng kanilang mga pag-aaral at pananaliksik. Noong 2006, lumipat sa Quezon City ang IBON Foundation mula sa Old Santa Mesa.

Mga Network

Nakikibahagi ang IBON Foundation sa mga sumusunod na network:

  • AidWatch Philippines
  • Asia Pacific Research Network (APRN)
  • Better Aid
  • Buy Pinoy Build Pinoy
  • No Deal! Movement Against Unequal Economic Agreements-Coalition
  • Pagbabago! People's Movement for Change
  • Our World is Not For Sale (OWINFS)
  • People's Movement on Climate Change (PMCC)
  • People's Coalition on Food Sovereignty (PCFS)
  • Philippines Transparency and Accountability Council (PTAC)
  • RESIST!
  • The Reality of Aid
  • Water for the People Network
  • Consumer International
  • World Association for Christian Communication
  • Commission Number 2 of the International League of People's Struggles (ILPS)

Mga Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.