Haja Amina Appi

From Wikfilipino
Revision as of 17:24, 24 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Haja Amina Appi ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya sa paghahabi ng tradisyunal na banig ng grupong Sama ng Mindanao. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2004.

Kilala ang mga gawang banig ni Haja Appi dahil sa kakaibang mga disenyo niyo, na kaiba sa tradisyunal na puting banig ng mga Sama. Sinubukan niya ang paggamit ng mga kulay at pinaghalo halo ang mga ito para makabuo ng mga kakaibang disenyo. Tanging ang kababaihang Sama ang gumagawa ng mga banig. Bukod sa paghahabi, isa ring guro si Haja Appi, at itinuro niya ang sining ng paghahabi ng banig sa maraming kabataang babae sa kaniyang kumunidad para maipagpatuloy ang tradisyong ito.

Kinilala siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2004. Pumanaw si Haja Appi noong ika-2 ng Abril 2013.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.