Hagonoy, Bulacan
Ang Hagonoy ay kabilang sa unang antas ng munisipalidad ng lalawigan ng Bulakan at nasa ilalim ng rehiyon ng Gitnang Luzon. Ayon sa census 2000, ang Hagonoy ay may populasyong 111,425 katao sa 22,174 na kabahayan.
Alamat ng Hagonoy
Noon ay kasalukuyang pinalalaganap ng mga Kastila ang Kristiyanismo, kaalinsabay ang pagtatataga ng mga bayad sa paligid -ligid ng Ka-Maynilaan.
Sa Hagonoy ay buhay na buhay ang Sapang Pare, na nasa pagitan ng Paaralang Central (Hagonoy Central School) at bakuran ng RVM ng mga madre. At nang panahong yaon, ang sapang ito ay maluwang at malalim kung kaya't napama-mangkaan ng mga taong lumalayo sa kabayanan. Dito laging nag-daraan ang mga pareng nagpapalaganap ng Kristiyanismo kung kaya't hindi na nabago ang tawag sa Sapang Pare.
At noon, sa pampang ng Sapang Pare ay may mga bahay. Isang tahanan ang mayroon namang mag-aanak na laging dinadalaw ng mga binata sapagka't anak ng pamilyang yaon ang isang pinaka-maganda at ulirang binibini.
Inabot ng karamdaman ang magandang dalaga kung kaya't isang talisuyo ang nautusang kumuha ng damo o halamanag hagonoy na panggamot sa maraming uri ng sakit.
Nang nangunguha na ng halamang hagonoy sa baybay ilog ang binata at naparaan naman ang malaking bangka ng mga pareng misyonaryo. May kasama silang mga guardia civil na taga-alalay at taga-pagtaggol kung saka-sakaling magkaroon ng sakuna.
"Quien vive?" ang bati ng guardia civil sa binata. Nasindak ang binata sa bating di maunawaan.
Pinag-sunod-sunod ang bati nguni't di malaman ng nangunguha ng halamang hagonoy ang kanyang isasagot; at lumaki ang takot sapagka't ipinakita ng pulis Kastila ang kanyang baril.
Isang pareng matanda ang kumausap sa binata. Di man nauunawaan ang banyagang salita, ang binata ay sumagot ng "Hagonoy." Ipinalagay na lamang ng nagsasalitang natatakot na baka nga ang itinatanong sa kanya ay kung ano ang pinipitas niya noon.
Nguni't ang tunay na itinatanong ng pare sa binata ay kung anong lugar ang kanilang kinaroroonan.
Ang mga misyonaryong pare ay palaging may kasamang taga-sulat ng mga pangyayari. Ang salitang "Hagonoy" ay itinalang isa sa pangalan ng lugar na kanilang tinuturuang bayan. Mula noon ito ay tinawag na HAGONOY.
Estrukturang Pampolitika
Binubuo ng 26 barangay ang Hagonoy.
|
|
Sanggunian
- Philippine Standard Geographical Gode (hinango noong 9 Enero 2008).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Hagonoy, Bulakan Hagonoy, Bulakan Hagonoy, Bulakan Hagonoy, Bulakan Hagonoy, Bulakan Hagonoy, Bulakan