Guillermo Masangkay

From Wikfilipino
Revision as of 08:34, 23 April 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Guillermo Masangkay (b. 25 June 1867 - d. 30 May 1963) ay isang rebolusyunaryong Pilipino na naging general at isa sa mga unang kasapi ng Katipunan. Ipinanganak sa Tondo, Maynila, si Masangkay ay isang bankero sa Ilog Pasig na hindi nakatanggap ng pormal na edukasyon.


Panahon ng Kastila

Sumapi si Masangkay sa Katipunan noong Hulyo 1892 at nang lumaon ay sinabihang magtayo ng isang balangay ng Katipunan sa Cavite. Siya din ang nag-udyok kay Andres Bonifacio na maging isang samahang rebolusyunaryo ang Katipunan mula sa isang lihim na organisasyon lamang. Bilang isang hereral ng mga rebolusyunaryo, siya ang namuno sa mga pag-atake laban sa mga puwersang Kastila sa Maynila.


Panahon ng Amerikano

Si Masangkay ay kasali sa "Labanan sa tulay ng Zapote" noong digmaang Pilipino-Americano. Nasugatan siya sa labanan, at itinakbo sa Ospital ng San Juan de Dios. Pagkatapos ng tatlong araw, tumakas siya sa ospital sa pamamagitan ng pagdadamit ng babae. Pagkatapos ng digmaan, siya ay bumalik sa Cavite at doon nanirahan hanngang sa kanyang pagkamatay.

Sanggunian

  • Quirino, Carlos. Who's who in Philippine History. Manila: Tahanan Books, 1995.


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.