Difference between revisions of "Gregorio del Pilar"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
 
(5 intermediate revisions by 2 users not shown)
Line 1: Line 1:
Si '''Heneral Gregorio H. del Pilar''' (Nobyembre 14,1875 - Disyembre 2,1899) na kilala bilang “bayani ng [[Labanan sa Tirad Pass|Tirad Pass]]" ay ang pinakabatang Pilipinong heneral na nagsakripisyo ng kanyang buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas noong panahon ng rebolusyon. Kilala rin siya sa kaniyang palayaw na "Goyo."
+
Si '''Gregorio H. del Pilar''' (Nobyembre 14,1875 - Disyembre 2,1899) ay kilala bilang bayani ng [[Labanan sa Tirad Pass|Tirad Pass]]. Siya ang pinakabatang Pilipinong heneral na nagsakripisyo ng buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas noong panahon ng rebolusyon laban sa mga Espanyol at Amerikano. Kilala rin siya sa kaniyang palayaw na "Goyo."
  
Siya ang pangalawa sa mga pinakabatang anak ng kanyang mga magulang na sina Fernando H. del Pilar at Felipa Sampio, na ipinanganak noong 14 Nobyembre 1875 sa San Jose, Bulacan. Marahil nasa dugo na niya ang pagiging nasyonalismo dahil ang kanyang tiyo na si [[Marcelo H. del Pilar]] ay isa ring propagandista, at ang isa pa niyang tiyo na si Padre Toribio H. del Pilar ay kasama naman ay sa [[pag-aalsa sa Cavite]] noong 1872.
 
Line 8: Line 8:
 
Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong Marso 1896 ngunit hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral bilang manlilika ng bayan (''master craftsman'') dahil sumiklab na ang rebolusyon pagdating ng Agosto.
 
== Mga Pakikipaglaban ==
+
== Buhay bilang Sundalo ==
 
Sa kabila ng kaniyang edad, matapang na sundalo si Del Pilar. Noong 1 Enero 1897, kasama siya sa ilang mga sundalong Pilipino na nanguna sa [[labanan sa Kakarong de Sili]] sa [[Pandi, Bulacan]]. Dahil dito at sa kaniyag ipinamalas na katapangan sa labanan, itinaas ang kanyang ranggo bilang tenyente. Tumaas muli ito at naging tenyente koronel si Del Pilar nang matagumpay niyang pinangunahan ang [[pagsalakay sa Paombong]], Bulucan noong 3 Setyembre 1897.
 
Line 21: Line 21:
 
Noong 5 Hunyo 1899, hinirang ni Aguinaldo si Del Pilar bilang kaniyang kanang-kamay at gobernador heneral ng Pangasinan. Ipinagkatiwala rin kay Del Pilar ang pangunahing depensa ng Dagupan at ang pagpigil sa nagbabantang pag-aaklas ng mga sundalo ni Luna na pinaslang diumano ng mga sundalo ni Aguinaldo.
 
== Huling Laban at Pagkamatay ==
 
Nang umigting ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, napilitan si Aguinaldo na tumakas at tumungo sa bundok ng Tirad noong 22 Nobyembre 1899 at inatasan niya si Del Pilar na depensahan ang lugar.
 
Naganap din dito ang huling laban ni Del Pilar bilang sundalo noong 2 Disyembre 1899. Sinugod ang kanilang base ng mahigit kumulang na tatlong daang Amerikano na pinangunahan ni Major Peyton C. March. Sa una ay hindi matunton ang daan papunta sa base ni Del Pilar. Ngunit dahil ipanagkanulo sila ng espiya na si Januario Galut at itinuro sa mga Amerikano ang sekretong daan papunta sa base, nasopresa ang mga Pilipino sundalo. Sa animnapung Pilipinong sundalo, walo lamang ang nabuhay. Kasama si Del Pilar sa mga nasawi sa pagprotekta at pagtakas kay Aguinaldo.
 
[[Category:Makasaysayang Tao]]
+
 
[[Category:Bayani]]
+
Inilibing ang labi ni Del Pilar sa Tirad Pass ng isang Amerikanong sundalo na may ngalan na Dennis P. Quinlan. Nag-iwan ito ng isang lapida na may nakaukit:
[[Category:Bayaning Pilipino]]
+
 
 +
''General Gregorio del Pilar''
 +
 
 +
''Killed at the battle of Tirad Pass''
 +
 
 +
''December 2, 1899''
 +
 
 +
''Commanding Aguinaldo’s Rear-guard''
 +
 
 +
''An officer and Gentleman''
 +
 
 +
== Mga Sangunian ==
 +
 
 +
* Teodoro A. Agoncillo, ''Filipinos in History'', 8th ed. Quezon City: Garotech, 1990.
 +
* Teodoro M. Kalaw, ''An Acceptable Holocaust: Life and Death of a Boy-General.'' Translated by Marcelino A. Foronda Jr. Manila: National Historical Commission, 1974.
 +
* Carlos Quirino, ''Who’s Who in Philippine History.'' Manila: Tahanan Books, 1995.
 +
* Gregorio F. Zaide, ''Great Filipinos in History.'' Manila: Verde Bookstore, 1970.
 +
 
 +
[[Category: Bulwagan ng mga Bayani]]
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Quincentenario]]
 +
[[Category: Panahon ng mga Espanyol]]
 +
[[Category: Kasaysayan]]
 +
[[Category:Pananakop ng mga Amerikano]]

Latest revision as of 08:31, 23 April 2021

Si Gregorio H. del Pilar (Nobyembre 14,1875 - Disyembre 2,1899) ay kilala bilang bayani ng Tirad Pass. Siya ang pinakabatang Pilipinong heneral na nagsakripisyo ng buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas noong panahon ng rebolusyon laban sa mga Espanyol at Amerikano. Kilala rin siya sa kaniyang palayaw na "Goyo."

Siya ang pangalawa sa mga pinakabatang anak ng kanyang mga magulang na sina Fernando H. del Pilar at Felipa Sampio, na ipinanganak noong 14 Nobyembre 1875 sa San Jose, Bulacan. Marahil nasa dugo na niya ang pagiging nasyonalismo dahil ang kanyang tiyo na si Marcelo H. del Pilar ay isa ring propagandista, at ang isa pa niyang tiyo na si Padre Toribio H. del Pilar ay kasama naman ay sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872.

Edukasyon

Nakamit niya ang kanyang maagang edukasyon mula kay Maestrong Monico at kinalaunan ay mula sa paaralan ni Pedro Serrano Laktaw. Matapos niyang makumpleto ang kanyang pag-aaral sa elemantarya, pumasok siya sa Ateneo de Manila at tumira kasama ang kanyang tiyo na si Deodato Arellano, pinuno ng kilusang propaganda.

Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong Marso 1896 ngunit hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral bilang manlilika ng bayan (master craftsman) dahil sumiklab na ang rebolusyon pagdating ng Agosto.

Buhay bilang Sundalo

Sa kabila ng kaniyang edad, matapang na sundalo si Del Pilar. Noong 1 Enero 1897, kasama siya sa ilang mga sundalong Pilipino na nanguna sa labanan sa Kakarong de Sili sa Pandi, Bulacan. Dahil dito at sa kaniyag ipinamalas na katapangan sa labanan, itinaas ang kanyang ranggo bilang tenyente. Tumaas muli ito at naging tenyente koronel si Del Pilar nang matagumpay niyang pinangunahan ang pagsalakay sa Paombong, Bulucan noong 3 Setyembre 1897.

Hindi nagtagal at naging tenyente heneral si Del Pilar. Napansin din ni Emilio Aguinaldo ang galing ng niya sa pakikidigma, kaya naman isinama ng niya ito sa Biak na Bato nang bumuo ang heneral nang grupo para banghayin at lakdaan ang kasunduan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol noong 14 at 15 ng Disyembre 1897. Nang matapos ang kasunduan, nabuwag din ang itinatag na republika ng Biak na Bato at ipinatapon si Aguinaldo sa Hong Kong kasama nina Del Pilar at ilang kapanalig.

Nang sila ay bumalik mula Hong Kong matapos matalo ng mga Amerikano ang mga Espanyol sa labanan sa Look ng Maynila noong 1 Mayo 1898, hinirang ni Aguinaldo bilang diktador ng mga probinsya Bulacan at Nueva Ecija si Del Pilar.

Nang hindi nasunod ang kasunduang nangyari sa Biak na Bato, muli nakipaglaban ang mga Pilipino sa mga Espanyol sa ibang bahagi ng bansa. Noong 1 Hunyo 1898, nagtayo ng kuta ang tropa ni Del Pilar sa Kay Lutaw sa barangay ng Matungao sa Bulacan bilang paghahanda sa paglusob sa mga Espanyol. Nang matagumpay niyang mapasuko si Gobernador Vicente Cuervo noong 24 Hunyo 1898, nahirang bilang pinakabatang brigadyer heneral si Del Pilar.

Pagdating 4 Pebrero 1899, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Nakipaglaban si Del Pilar sa Maynila sa pangunguna ni Heneral Antonio Luna. Ngunit dahil sa mga sunod-sunod na pagkatalo, bumalik si Del Pilar sa Quingua, Bulacan (kilala ngayon bilang Pladridel) noong 23 Abril 1899 at napaatras ang mga lumulusob na Amerikano.

Noong 5 Hunyo 1899, hinirang ni Aguinaldo si Del Pilar bilang kaniyang kanang-kamay at gobernador heneral ng Pangasinan. Ipinagkatiwala rin kay Del Pilar ang pangunahing depensa ng Dagupan at ang pagpigil sa nagbabantang pag-aaklas ng mga sundalo ni Luna na pinaslang diumano ng mga sundalo ni Aguinaldo.

Huling Laban at Pagkamatay

Nang umigting ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, napilitan si Aguinaldo na tumakas at tumungo sa bundok ng Tirad noong 22 Nobyembre 1899 at inatasan niya si Del Pilar na depensahan ang lugar.

Naganap din dito ang huling laban ni Del Pilar bilang sundalo noong 2 Disyembre 1899. Sinugod ang kanilang base ng mahigit kumulang na tatlong daang Amerikano na pinangunahan ni Major Peyton C. March. Sa una ay hindi matunton ang daan papunta sa base ni Del Pilar. Ngunit dahil ipanagkanulo sila ng espiya na si Januario Galut at itinuro sa mga Amerikano ang sekretong daan papunta sa base, nasopresa ang mga Pilipino sundalo. Sa animnapung Pilipinong sundalo, walo lamang ang nabuhay. Kasama si Del Pilar sa mga nasawi sa pagprotekta at pagtakas kay Aguinaldo.

Inilibing ang labi ni Del Pilar sa Tirad Pass ng isang Amerikanong sundalo na may ngalan na Dennis P. Quinlan. Nag-iwan ito ng isang lapida na may nakaukit:

General Gregorio del Pilar

Killed at the battle of Tirad Pass

December 2, 1899

Commanding Aguinaldo’s Rear-guard

An officer and Gentleman

Mga Sangunian

  • Teodoro A. Agoncillo, Filipinos in History, 8th ed. Quezon City: Garotech, 1990.
  • Teodoro M. Kalaw, An Acceptable Holocaust: Life and Death of a Boy-General. Translated by Marcelino A. Foronda Jr. Manila: National Historical Commission, 1974.
  • Carlos Quirino, Who’s Who in Philippine History. Manila: Tahanan Books, 1995.
  • Gregorio F. Zaide, Great Filipinos in History. Manila: Verde Bookstore, 1970.