Grace Poe

From Wikfilipino
Revision as of 09:18, 15 March 2021 by Vanunez (talk | contribs) (Created page with "Si '''Mary Grace Sonora Poe Llamanzares''' (ipinanganak 3 Setyembre 1968), kilala bilang si '''Grace Poe-Llamanzares''' o sa mas simpleng '''Grace Poe''', ay isang politiko mu...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Mary Grace Sonora Poe Llamanzares (ipinanganak 3 Setyembre 1968), kilala bilang si Grace Poe-Llamanzares o sa mas simpleng Grace Poe, ay isang politiko mula sa Pilipinas na nagsilbi bilang Tagapangulo ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon(MTRCB) mula 2010 hanggang 2012. Siya ay tumatakbo para sa pagkapangulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa taong 2016.

Talambuhay

Isinilang sa Iloilo subalit inabandona ng kanyang tunay na nanay. Siya ang inangking anak ng Pambansang Alagad ng Sining na si Fernando Poe, Jr., ang Hari ng Pelikulang Pilipino, at ang kaniyang asawa na si Susan Roces, na nagpalaki sa kanya sa Maynila bilang kanilang nag-iisang anak na babae. Nag-aral sa Pilipinas at sa Estados Unidos, kung saan siya nakapagtapaos sa Boston College. Lumaki siya sa Estados Unidos bago siya bumalik sa Pilipinas noong 2004, nang pumanaw ang kanyang ama ilang buwan pagkatapos ng halalan ng 2004.

Noong 2010, itinalaga siya ni Pangulong Benigno Aquino III bilang tagapangulo ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon (MTRCB).[1]

Mga Sanggunian

  1. Aquino names FPJ daughter as MTRCB chief – INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos. Newsinfo.inquirer.net (2010-06-09). Retrieved on 2013-04-20.