Gloria Diaz

From Wikfilipino
Revision as of 08:09, 23 December 2020 by Damarante (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Gloria Aspillera Diaz o mas kilala bilang si Gloria Diaz sa mundo ng telebisyon at pelikula sa Pilipinas ay kinikilalang isang mahusay na aktres. Bago siya maging isang premyadong aktres, siya muna ay nakilala bilang kauna-unahang Pilipina na nagwagi at nakapag-uwi ng korona ng Miss Universe.

Pinagmulan at Pamilya

Ipinanganak si Gloria noong 1950 sa rehiyon ng Ilokos at kabilang sa 12 anak nina Jaime Diaz at Teresa Aspillera.. Si Rio Diaz, na isa kanyang mga kapatid, ay naging artista at lumaban rin sa beauty contest. Nagkaroon ito ng colon cancer, at namatay matapos ang anim na taong pakikipagsapalaran.

Sa ngayon, mayroon dalawang anak na babae si Gloria Diaz kay Bong Daza, sina Isabelle (na nakuha ang pangalan mula sa kanyang karakter sa Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa), na nag-aaral sa La Salle ng Child Psychology at kasalukuyang modelo ng isang tatak ng damit, at si Ava, ang bunso. Bukod dito, mayroon din silang kinupkop na lalaki, si Raphael, at mayroon na silang dalawang apo dito.

Miss Universe 1969

Siya ay naisipan lamang na isali sa Miss Universe at nag-aral siya nang mabuti kung paano ang tamang pagkilos. Ngunit wala ni isa sa kanyang mga miyembro ng pamilya ang nag-seryoso sa pagsali niya sa patimpalak at hindi man lamang siya sinamahan patungong Florida sa Estados Unidos. 18-anyos lamang si Gloria nang sumali siya sa Miss Universe noong 1969. Naging matagumpay naman niyang naiuwi ang korona nang maungusan niya ang iba pang mga kandidata mula sa Finland, Israel, Australia, at Japan sa katanungan kung paano niya sasalubungin ang mga taong kagagaling pa lamang sa kauna-unahang pagtapak sa buwan--sina Neil Armstrong, Edwin Aldrin at Michael Collins--sa oras na sila ay bumalik sa mundo. Siya ang nakoronahan sa patimpalak na pagmamay-ari ng Amerika noong 1969.

Bilang Artista

Si Gloria Diaz ay iginagalang rin sa Pilipinas bilang isang mahusay na aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Nagsimula ang kanyang karera sa syobis nang maging pangunahing karakter siya sa pelikula ni Celso Ad Castillona pinamagatang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974).

Taong 2005 nang ang kanyang husay sa pag-arte ay tuluyan ngang napansin nang magwagi siya bilang pinakamahusay na pangalawang aktres sa Film Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa pagganap niya bilang isang matandang dalagang nag-ampon para sa pelikulang Nasaan Ka Man (2005) sa ilalim ng Star Cinema.

Ilang Tinampukang Palabas sa Telebisyon

  • Sana Maulit Muli (2007)
  • Star Circle National Teen Quest (2004)
  • Sarah: The Teen Princess (2003)
  • Kool Ka Lang (2001)
  • Kung Mawawala Ka (2001)
  • Anna Karenina (1996)

Ilang Tinampukang Pelikula

  • Sakal, Sakali, Saklolo (2007)
  • Kasal, Kasali, Kasalo (2006)
  • Nasaan Ka Man (2005)
  • Sa Daigdig Ko'y Ikaw (2005)
  • So... Happy Together (2004)
  • Nympha (2003)
  • Batang West Side (2002)
  • Milagro's Calling (2001)
  • Bakit 'di Totohanin (2001)
  • Bob, Verushka & The Pursuit of Happiness (2000)
  • Dahil May Isang Ikaw (1999)
  • Jose Rizal (1998)
  • Miguel/Michelle (1998)
  • Kirot sa Puso (1997)
  • Reputasyon (1997)
  • Dyesebel (1996)
  • Trese (1990)
  • My Pretty Baby (1989)
  • Menudo't Pandesal (1987)
  • Ang Daigdig ay Isang Butil na Luha (1986)
  • Lalakwe (1985)
  • Momooo (1984)
  • Cinq et la Peau (1982)
  • Palabra De Honor (1981)
  • Uhaw na Dagat (1981)
  • Ikaw ang Miss Universe Nang Buhay Ko (1979)
  • Sinong Kapiling? Sinong Kasiping? (1977)
  • Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon (1976)
  • Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974)
  • Andres de Saya
  • Andres de Saya 2
  • Andres de Saya 3
  • Goatbuster
  • Island of Desire
  • Sagot ng Puso
  • Sa Totoo Lang!
  • Working Girls 2

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Diaz Diaz Diaz