Gemiliano Pineda

From Wikfilipino
Revision as of 08:26, 25 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "Si '''Gemiliano Pineda''' ay isang Pilipinong manunulat at dating pangulo ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, o FAMAS. Unang nakilala si Pineda bilang isa...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Gemiliano Pineda ay isang Pilipinong manunulat at dating pangulo ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, o FAMAS.

Unang nakilala si Pineda bilang isang manunulat sa mga sanaysay at komiks. Ang kanyang mga gawa ay nailathala sa mga magasin tulad ng Ilang-ilang at Liwayway. Ang kanyang mga sanaysay ay itinipon sa dalawang libro: Mga Sanaysay (1956), at Laging May Bituin (1971).

Noong 1950 unang nailathala sa Liwayway ang komiks na“Tulisang Pugot,” na kanyang isinulat at iginuhit naman ni Alfredo Alcala. Tungkol ito sa isang tulisang walang ulo na naghasik ng lagim sa bayan ng Santo Tomas, noong panahon ng Kastila. Dahil sa kasikatan nito, ginawan ito ng pelikula noong 1953.

Nang lumaon, nagkaroon ito ng “crossover” na serye sa “Kerubin” ni Clodualdo del Mundo na pinamagatang “Nagkita si Kerubin at si Tulisang Pugot” noong 1954 sa Hiwaga Komiks. Ginawan din ito ng pelikula sa taong iyon.

Naging bahagi din si Pineda sa paggawa ng propaganda para sa dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang manunulat sa komiks na “Dangal at Bayan (Kasaysayan ni Ferdinand Marcos)” sa Liwayway noong Hulyo 12, 1965.

Kasama rin siya sa pagsusulat ng kwento sa mga pelikula gaya ng "Hiyasmin" (1953), "Aawitan Kita" (1959), at "Siyam na Langit" (1962).

Noong 1960s, bilang pangulo, ay naisalba niya ang tuluyang pagkasira ng reputasyon ng FAMAS. Nagsimula ang gulo sa FAMAS dahil dadalawang studio lamang ang nanalo ng parangal sa FAMAS noong 1959: ang Sampaguita Pictures at LVN Productions. Dahil dito, nagreklamo ang ibang mga malalaking studio, at nagkaroon ng mga akusasyon na may bentahan ng boto. Para matigil ang gulo, tinanggal ni Pineda ang Board of Regents ng FAMAS at nag-imbita pa ng mga hurado mula sa hanay ng mga kritiko ng pelikula.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.