Difference between revisions of "Francis Pangilinan"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "Si '''Francis Nepomuceno Pangilinan''' (ipinanganak noong 24 Agosto 1963) ay isang senador ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2013 at mula 2016 hanggang kasalukuyan.<ref>http://w...")
 
Line 1: Line 1:
Si '''Francis Nepomuceno Pangilinan''' (ipinanganak noong 24 Agosto 1963) ay isang senador ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2013 at mula 2016 hanggang kasalukuyan.<ref>http://www.pinoyprofile.com/kiko-pangilinan/</ref>
+
Si '''Francis Pancratius "Kiko" Nepomuceno Pangilinan''' (ipinanganak noong 24 Agosto 1963) ay isang [[Pilipino]]ng abogado, politiko at dating TV personality at radio anchor. Kasalukuyan siyang senador ng [[Pilipinas]] matapos mahalal noong 2016. Dati na rin siya nagsilbi bilang senador mula 2001 hanggang 2007, at muli noong 2007 hanggang 2013. Siya ang Senate Majority Floor Leader mula 2004 hanggang 2008.
  
==Talasanggunian==
+
Noong Mayo 2014, itinalaga si Pangilinan bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong [[Benigno S. Aquino III]]. Siya ang kasalukuyang tagapangulo ng Partido Liberal (Liberal Party).
  
 +
==Talambuhay==
  
[[Category: Hango mula sa Wikipedia]]
+
Ipinanganak si Pangilinan noong ika-24 ng Agosto, 1963 sa Maynila kina Donato Tongol Pangilinan Jr., isang inhinyero at negosyante, at Emma Monasterial Nepomuceno, isang guro. Isa si Pangilinan sa siyam na anak ng mag-asawa.
[[Category:Mga politiko ng Pilipinas]]
+
 
 +
Nag-aral si Pangilinan sa De La Salle Greenhills kung saan bahagi siya ng track and field at volleyball team. Nag-aral siya ng kolehiyo sa [[Unibersidad ng Pilipinas]] sa Diliman. Naglaro rin siya ng volleyball sa kolehiyo, at nakilahok rin sa mga demonstrasyon laban sa rehimen ni Pangulong [[Ferdinand E. Marcos]] bilang isang aktibista at miyembro ng student council. Nahalal siya bilang chairperson ng UP College of Arts and Letters Student Council noong 1985 at naging chairperson ng University of the Philippines Student Council (USC) noong 1986. Noong 1987, siya ang naging unang student regent ng UP Board of Regents.
 +
 
 +
Ipinagpatuloy ni Pangilinan ang pag-aaral ng abogasya sa UP College of Law at nagtapos noong 1993. Noong 1997, nagtapos siya ng master's degree in public administration sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University sa Estados Unidos.
 +
 
 +
==Karera==
 +
===Konseho ng Lungsod Quezon===
 +
Unang sumabak sa politika si Pangilinan noong 1988 nang mahalal siya bilang konsehal ng ikaapat na distrito ng [[Quezon City]]. Siya ang pinakabatang nahalal sa nasabing posisyon. Tumakbo siya sa pagka-kongresista sa halalan ng 1992 ngunit hindi siya nanalo.
 +
 
 +
===Akademya===
 +
Nang matapos siya sa kursong abogasya noong 1993, nagturo si Pangilinan sa [[Ateneo de Manila University]] hanggang noong 2000. Kabilang sa mga asignaturang kaniyang itinuturo ang constitutional, civil at labor law.
 +
 
 +
===Media===
 +
 
 +
Naging bahagi ng [[ABS-CBN]] si Pangilinan sa kaniyang pagtatrabaho sa media. Bilang isang abogado, nagbigay siya ng payong legal bilang co-anchor ng programang ''Hoy Gising!'' mula 1993 hanggang 1997. Noong 1998, naging bahagi siya ng iba't ibang programa sa radyo sa [[DZMM]], kabilang na ang ''Batas'' mula 1998 hanggang 2001, at ng ''Relos Report with Atty. Kiko'' mula 1999 hanggang 2001. Naging host din siya ng palabas na ''Barangay Dos'' mula 2000 hanggang 2001.
 +
 
 +
===Senado===
 +
 
 +
Tumakbo sa Senado si Pangilinan noong 2001. Sa kaniyang unang termino, pinagtuunan niya ng pansin ang kapakanan ng kabataan. Siya ang may-akda ng Juvenile and Justice Welfare Act of 2006 na nagtatakda ng edad ng criminal liability sa edad na 15, at ang pagtatakda ng intervention program para sa children in conflict with the law. Nagpasa rin siya ng mga batas na nagtatakda ng mas mataas na suweldo para sa mga huwes at prosecutor para mas makaengganyo ng mga abogado na pumasok sa serbisyo publiko.
 +
 
 +
Noong 2004, nahalal si Pangilinan bilang Senate Majority Floor Leader. Siya ang pinakabatang nahalal sa posisyong ito mula noong 1987. Noong 2008, binuo niya ang Judicial Executive Legislative Advisory and Consultative Council na unang ipinanukala noong Hulyo 2007.
 +
 
 +
Naging chairman si Pangilinan ng Senate Committee on Agriculture noong 2010. Sa panahong ito, nagsimula siyang magsaka matapos ang pakikipag-usap sa mga magsasaka sa Pilipinas. Nang taon ding iyon, ipinanukala niya ang Organic Agriculture Act of 2010 na naglalayong mapaunlad ang organic farming sa bansa at matulungan at maprotektahan ang mga indigenous farmers sa bansa gamit ang mga pamamaraang organic.
 +
 
 +
Sa kaniyang pagbabalik sa Senado noong 2016, ipinanukala niya ang Sagip Saka Act na naglalayong mapalago ang pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa sa pamamagitan ng pag-ugnay sa kanila sa merkado at pag-alis sa mga middlemen. Siya rin ang may-akda ng Republic Act 11478 na siyang nagdagdag ng bed capacity ng Bicol Medical Center at nagpaunlad sa mga pasilidad at serbisyo sa nasabing ospital.
 +
 
 +
Noong 2020, ipinanukala ni Pangilinan ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act na naglalayong mapangalagaan ang mga magsasaka ng niyog sa bansa. Noong 2021, dahil sa COVID-19 pandemic, isa si Pangilinan sa mga nagpanukala ng COVID Vaccination Program Act of 2021 na naglalayong mas mapabilis ang pagbili at pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa bansa.
 +
 
 +
===Bilang bahagi ng gabinete ni Pangulong Aquino===
 +
 
 +
Naging bahagi si Pangilinan ng gabinete ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III nang matapos ang kaniyang termino sa Senado noong 2013. Itinalaga siya bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization noong 2014. Sa panahon niya bilang presidential adviser, ipinaglaban niya ang pagkakaroon ng trust fund para sa mga magsasaka ng niyog. Ito ang naging tugon niya sa mga pang-aabusong mula sa maling paggamit ng Coco Levy Fund sa panahon ng rehimeng Marcos.
 +
 
 +
==Personal na Buhay==
 +
 
 +
Ikinasal si Pangilinan sa aktres na si [[Sharon Cuneta]] noong ika-28 ng Abril 1996. Mayroon silang dalawang anak na babae, sina Frankie at Miel, at isang anak na lalaki na si Miguel. Legal din niyang inampon si [[KC Concepcion]] na anak ni Cuneta sa aktor na si [[Gabby Concepcion]]. Pagmamay-ari rin ng mag-asawa ang Sweet Spring Country Farm sa Alfonso, [[Cavite]].
 +
 
 +
==Mga Sanggunian==
 +
 
 +
*[http://newsinfo.inquirer.net/599795/pangilinan-appointed-presidential-assistant-on-food-security Pangilinan appointed Presidential Assistant on Food Security]
 +
*[http://www.i-site.ph/Databases/Congress/12thSenate/personal/pangilinan-personal.html Francis Pangilinan]
 +
*[https://kikopangilinan.com/student-leader/ Kiko Pangilinan]
 +
*[http://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/pangilinan_resume.asp Resume of Senator Pangilinan - Senate of the Philippines]
 +
 
 +
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 +
[[Category: Mga Senador ng Pilipinas]]
 +
[[Category: Mga Politikong Pilipino]]

Revision as of 18:57, 31 August 2021

Si Francis Pancratius "Kiko" Nepomuceno Pangilinan (ipinanganak noong 24 Agosto 1963) ay isang Pilipinong abogado, politiko at dating TV personality at radio anchor. Kasalukuyan siyang senador ng Pilipinas matapos mahalal noong 2016. Dati na rin siya nagsilbi bilang senador mula 2001 hanggang 2007, at muli noong 2007 hanggang 2013. Siya ang Senate Majority Floor Leader mula 2004 hanggang 2008.

Noong Mayo 2014, itinalaga si Pangilinan bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Siya ang kasalukuyang tagapangulo ng Partido Liberal (Liberal Party).

Talambuhay

Ipinanganak si Pangilinan noong ika-24 ng Agosto, 1963 sa Maynila kina Donato Tongol Pangilinan Jr., isang inhinyero at negosyante, at Emma Monasterial Nepomuceno, isang guro. Isa si Pangilinan sa siyam na anak ng mag-asawa.

Nag-aral si Pangilinan sa De La Salle Greenhills kung saan bahagi siya ng track and field at volleyball team. Nag-aral siya ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Naglaro rin siya ng volleyball sa kolehiyo, at nakilahok rin sa mga demonstrasyon laban sa rehimen ni Pangulong Ferdinand E. Marcos bilang isang aktibista at miyembro ng student council. Nahalal siya bilang chairperson ng UP College of Arts and Letters Student Council noong 1985 at naging chairperson ng University of the Philippines Student Council (USC) noong 1986. Noong 1987, siya ang naging unang student regent ng UP Board of Regents.

Ipinagpatuloy ni Pangilinan ang pag-aaral ng abogasya sa UP College of Law at nagtapos noong 1993. Noong 1997, nagtapos siya ng master's degree in public administration sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University sa Estados Unidos.

Karera

Konseho ng Lungsod Quezon

Unang sumabak sa politika si Pangilinan noong 1988 nang mahalal siya bilang konsehal ng ikaapat na distrito ng Quezon City. Siya ang pinakabatang nahalal sa nasabing posisyon. Tumakbo siya sa pagka-kongresista sa halalan ng 1992 ngunit hindi siya nanalo.

Akademya

Nang matapos siya sa kursong abogasya noong 1993, nagturo si Pangilinan sa Ateneo de Manila University hanggang noong 2000. Kabilang sa mga asignaturang kaniyang itinuturo ang constitutional, civil at labor law.

Media

Naging bahagi ng ABS-CBN si Pangilinan sa kaniyang pagtatrabaho sa media. Bilang isang abogado, nagbigay siya ng payong legal bilang co-anchor ng programang Hoy Gising! mula 1993 hanggang 1997. Noong 1998, naging bahagi siya ng iba't ibang programa sa radyo sa DZMM, kabilang na ang Batas mula 1998 hanggang 2001, at ng Relos Report with Atty. Kiko mula 1999 hanggang 2001. Naging host din siya ng palabas na Barangay Dos mula 2000 hanggang 2001.

Senado

Tumakbo sa Senado si Pangilinan noong 2001. Sa kaniyang unang termino, pinagtuunan niya ng pansin ang kapakanan ng kabataan. Siya ang may-akda ng Juvenile and Justice Welfare Act of 2006 na nagtatakda ng edad ng criminal liability sa edad na 15, at ang pagtatakda ng intervention program para sa children in conflict with the law. Nagpasa rin siya ng mga batas na nagtatakda ng mas mataas na suweldo para sa mga huwes at prosecutor para mas makaengganyo ng mga abogado na pumasok sa serbisyo publiko.

Noong 2004, nahalal si Pangilinan bilang Senate Majority Floor Leader. Siya ang pinakabatang nahalal sa posisyong ito mula noong 1987. Noong 2008, binuo niya ang Judicial Executive Legislative Advisory and Consultative Council na unang ipinanukala noong Hulyo 2007.

Naging chairman si Pangilinan ng Senate Committee on Agriculture noong 2010. Sa panahong ito, nagsimula siyang magsaka matapos ang pakikipag-usap sa mga magsasaka sa Pilipinas. Nang taon ding iyon, ipinanukala niya ang Organic Agriculture Act of 2010 na naglalayong mapaunlad ang organic farming sa bansa at matulungan at maprotektahan ang mga indigenous farmers sa bansa gamit ang mga pamamaraang organic.

Sa kaniyang pagbabalik sa Senado noong 2016, ipinanukala niya ang Sagip Saka Act na naglalayong mapalago ang pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa sa pamamagitan ng pag-ugnay sa kanila sa merkado at pag-alis sa mga middlemen. Siya rin ang may-akda ng Republic Act 11478 na siyang nagdagdag ng bed capacity ng Bicol Medical Center at nagpaunlad sa mga pasilidad at serbisyo sa nasabing ospital.

Noong 2020, ipinanukala ni Pangilinan ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act na naglalayong mapangalagaan ang mga magsasaka ng niyog sa bansa. Noong 2021, dahil sa COVID-19 pandemic, isa si Pangilinan sa mga nagpanukala ng COVID Vaccination Program Act of 2021 na naglalayong mas mapabilis ang pagbili at pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Bilang bahagi ng gabinete ni Pangulong Aquino

Naging bahagi si Pangilinan ng gabinete ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III nang matapos ang kaniyang termino sa Senado noong 2013. Itinalaga siya bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization noong 2014. Sa panahon niya bilang presidential adviser, ipinaglaban niya ang pagkakaroon ng trust fund para sa mga magsasaka ng niyog. Ito ang naging tugon niya sa mga pang-aabusong mula sa maling paggamit ng Coco Levy Fund sa panahon ng rehimeng Marcos.

Personal na Buhay

Ikinasal si Pangilinan sa aktres na si Sharon Cuneta noong ika-28 ng Abril 1996. Mayroon silang dalawang anak na babae, sina Frankie at Miel, at isang anak na lalaki na si Miguel. Legal din niyang inampon si KC Concepcion na anak ni Cuneta sa aktor na si Gabby Concepcion. Pagmamay-ari rin ng mag-asawa ang Sweet Spring Country Farm sa Alfonso, Cavite.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.