Fiestang Kuliat

From Wikfilipino
Revision as of 12:30, 20 March 2021 by Mcajulis (talk | contribs) (Created page with "Ang '''Fiestang Kuliat''' ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod ng Angeles, Pampanga. Ipinahahayag nito ang katatagan ng mga Kapampangan mula nang tamaan...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang Fiestang Kuliat ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod ng Angeles, Pampanga. Ipinahahayag nito ang katatagan ng mga Kapampangan mula nang tamaan ang lungsod ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991 at matapos ang pag-alis ng base militar ng Estados Unidos sa Clarkfield.

Pinagmulan

Nanatiling matatag ang mga naninirahan sa Angeles sa kabila ng maraming pagsubok na dinanas ng lungsod. Naging inspirasyon ng mga Kapampangan dito ang kanilang determinasyong lumaban sa gitna ng kanilang mga problema at dagok sa buhay.

Nagmula ang pangalan ng Kuliat sa salitang “Culiat” na dating pangalan ng Angeles. Nagsimula ang pagdiriwang isang taon matapos ang pagputok ng bulkang Pinatubo. Ipinagdiriwang ang Fiestang Kuliat tuwing ika-sampu ng buwan ng Oktubre bilang pagbibigay-karangalan sa kanilang patrong Birhen ng Santo Rosaryo.

Sa pamamagitan ng pistang ito, nagpapasalamat ang mga Angeleños sa Mahal na birheng Maria sa pagligtas sa kanila sa mga sakuna.

Pagdiriwang

Karaniwang bahagi ng pagdiriwang ang pagkakaroon ng labanan sa Boksing, Beach Volley, Serenataat Polosa, Naval de Angeles, Mamyalung Tamu (maglaro tayo), Pamangan fiestang Kapampangan (Pista ng Pagkaing Kapampangan), City Hall Idol, Bonggang Binayagan, Sinukwan Night, Float Parade, at Friendship Street Jam and Party.

Idinaraos din ang mutya ning Angeles beauty pageant, pista ng mga anghel dela guardia, karera ng kalesa, at ang sikat na Tigtigan Terakan King Dalan (TTKD)--ang pinakamalaking pagdiriwang ng pag-inom ng serbesa.

Magpasa hanggang ngayon, nananatiling mahalagang bahagi ng kultura at pamana ng Angeles ang pistang ito. Bukod sa pagdiriwang ng mga tagumpay ng mga Angeleños, isa ring dahilan ang Fiestang Kuliat kung bakit nagpupuntahan ang mga turista sa lugar na siyang nagbibigay naman ng pagkakataon sa mga residente para kumita. Pagkakataon din ito na makilala ang mga residente sa kanilang katatagan bilang mga Angeleños.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.