Fernando Amorsolo

From Wikfilipino
Revision as of 07:24, 28 December 2020 by Jrosit (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Fernando Cueto Amorsolo
200px
Estado:
Tunay na pangalan:
Kapanganakan: Mayo 30, 1892

Paco, Maynila

Kamatayan: April 26, 1972

Maynila

Asawa: Maria del Carmen Zaragoza
Mga Magulang : Pedro AmorsoloBonifacia Cueto
Nationality :
Field : Pagpipinta
Training: Liseo ng Maynila, Pamantasan ng Pilipinas, Akademya ng San Fernando

Si Fernando Cueto Amorsolo (30 Mayo 1892- 26 Febrero 1972) ay isa sa pinakakilalang Pilipinong pintor at ang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Kilala siya para sa kaniyang mga dibuho na pinapakita ang kagandahan ng Pilipinas, lalo na ng mga babaeng Pilipina.

Kabataaan

Ipinangnanak siya sa Paco, Maynila. Ang kaniyang ama na si Pedro Amorsolo ay isang bookkeeper. Ang ina niya na si Bonifacia Cueto ay pinsan ng pintor na si Fabian de la Rosa na naging pinakamalakas na impluwensya sa estilo ng pagpipinta ni Amorsolo.

Lumaki sa Daet, Camarines Sur si Amorsolo hanggang 13 na taong gulang siya. Nang namatay ang kaniyang ama, ang pamilyang Amorsolo ay bumalik sa Maynila upang matulungan sila ni De la Rosa. Tinuruan nito si Amorsolo na gumuhit at magpinta. Natulungan ni Amorsolo ang kaniyang ina na naging burdadora na sinuportahan ang pamilya sa pamamagitan ng paggawa at pagbenta ng mga postcards.

Edukasyon

Nag-aral si Amorsolo sa Liceo de Manila simula ng 1909. Nakita ang galing niya sa pagguhit at pagpinta rito. Pumunta siya sa Unibersidad ng Pilipinas para mag-aral ng pagpipinta sa School of Fine Arts kung saan nagtuturo si De la Rosa. Habang nag-aaral, sumali siya sa mga paligsahan at nagsilbing ilustrador para sa mga magasin at komiks, at nagdisenyo ng mga muebles upang kumita at matulungan ang kaniyang pamilya. Nang nagtapos siya noong 1914, binigyan siya ng medalya ng parangal.

Pinaaral siya ng pilantropong si Enrique Zobel de Ayala sa Escuela de San Fernando sa Madrid, Espanya. Dumalo rin siya sa New York. Sa Europa at Amerika, na-obserbahan niya ang iba-ibang estilo ng pagpinta. Ang pinakahilig niya ay ang estilo ni Diego de Velazquez na isang lumang maestro.

Karera

Maraming ginawa si Amorsolo na iba-ibang klaseng dibuho lalo na mga dibuho ng mga tao, tanawin, at mga makasaysayang pangyayari. Halos lahat ng mga gawa niya ay representasyon ng pinakamagandang mga aspeto ng Pilipinas at ipinapakita ang kaniyang nasyonalismo. Pinalaganap niya ang kagandahang Pilipina: balat ay kayumangging kaligatan, mamula-mula ang pisngi, bilog ang mukha, buhay na mata, maikli ngunit pansin ang ilong, at malambot at kawili-wiling labi. Kilala rin si Amorsolo sa kaniyang pagkabihag ng liwanag ng Pilipinas at ang kaniyang paggamit ng backlighting--sa likod ng mga taong pinipinta ang ilaw upang mas kapansin-pansin sila.

Nagpinta din siya ng mga eksena mula sa sinaunang panahon ng Pilipinas. Noong panahon ng ika-2 Digmaang Pandaigdig, ginuhit niya ang mga pangyayari gaya ng pagbomba sa Maynila. Ang mga ito lamang halos ang mga dibuho niyang hindi tahimik at masaya.

Sa umpisa ng kaniyang karera bilang pintor, kailangan niyang magsilbing ilustrador para sa mga magasin at komiks. Subalit, nang naging paborito siya ng nakararami, nasuportahan na niya ang kaniyang pamilya sa kaniyang pagpipinta, lalo na dahil lahat ng mga kilala at mayayaman ay gustong magpaguhit ng kanilang sarili sa kaniya.

Tulad ng kaniyang tiyuhing si De la Rosa, naging direktor din siya ng School of Fine Arts ng Unibersidad ng Pilipinas mula 1938 hanggang sa kaniyang pagretiro noong 1952. Walang tigil si Amorsolo sa pagpinta kahit naapektuhan siya ng kaniyang diabetes at kulaba sa kaniyang mata sa mga huling taon ng buhay niya. Malaki ang pamilya na kailangan niyang suportahan dahil may 14 siyang anak. 6 sa mga ito ay anak niya sa una niyang asawa na si Salud Jorge na namatay noong 1931. Sunod na pinakasalan ni Amorsolo ay si Maria del Carmen, at nagkaroon sila ng walong anak. Lagi siyang nanatiling maprinsipyo gaano man kailangan niya ng pera: lahat ng kaniyang mga ipininta ay orihinal; kapag may humingi sa kaniya ng kopya ng nagawa na niyang dibuho, gumagawa siya ng bagong dibuho na magkahawig ngunit hindi simpleng kopya lamang.

Marami siyang kaibigang kilala sa dako ng sining, gaya ni Guillermo Tolentino. Marami rin siyang estudyante na naging kilalang pintor. Ang nakababata niyang kapatid na si Pablo ay naging pintor din.

Namatay si Amorsolo sa Maynila noong 26 Pebrero 1972. Pinarangalan siya bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ilang araw mula ng pagyao niya.

Ilan sa kanyang mga gawa

  • 1920 – My Wife, Salud
  • 1921 – Maiden in a Stream, GSIS Collection
  • 1922 – Rice Planting
  • 1928 – El Ciego, Central Bank of the Philippines Collection
  • 1931 - The Conversion of the Filipinos
  • 1936 – Dalagang Bukid, Club Filipino Collection
  • 1939 - Afternoon Meal of the Workers (also known as Noonday Meal of the Rice Workers)
  • 1942 - The Rape of Manila
  • 1942 - The Bombing of the Intendencia
  • 1943 – The Mestiza, National Museum of the Philippines Collection
  • 1944 - The Explosion
  • 1945 - Defense of a Filipina Woman’s Honor, oil on canvas (60.5 in x 36 in)
  • 1945 - The Burning of Manila
  • 1946 – Planting Rice, United Coconut Planters Bank Collection
  • 1958 – Sunday Morning Going To Town, Ayala Museum Collection
  • The First Baptism in the Philippines - Cebu High School
  • Princess Urduja
  • Sale of Panay
  • Early Sulu Wedding
  • Early Filipino State Wedding
  • Traders
  • Sikatuna
  • The First Mass in the Philippines
  • The Building of Intramuros
  • Burning of the Idol
  • Assassination of Governor Bustamante
  • Making of the Philippine Flag
  • La destruccion de Manila por los salvajes japoneses (The Destruction of Manila by the Savage Japanese)
  • Bataan
  • Corner of Hell
  • One Casualty
  • El Violinista (The Violinist)

Ilan sa kanyang mga kagawaran

  • 1908 – Pang-2 gantimpala, Bazar Escolta (Asocacion Internacional de Artistas), para sa Levendo Periodico
  • 1922 – Unang gantimpala, Commercial and Industrial Fair sa Manila Carnival
  • 1925 - Solo na eksibit sa Grand Central Art Galleries in New York
  • 1927 - Unang gantimpala, General Painting sa Manila Carnival Commercial and Industrial Fair
  • 1929 – Unang gantimpala, sa New York’s World Fair, para sa Afternoon Meal of Rice Workers
  • 1940 – Outstanding University of the Philippines Alumnus Award
  • 1959 – Medalayang ginto, UNESCO National Commission
  • 1961 – Gawad Rizal Pro Patria
  • 1961 – Honorary Doctorate sa Humanities, Far Eastern University
  • 1963 – Diploma of Merit, Unibersidad ng Pilipinas
  • 1963 – Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, mula sa Lungsod ng Maynila
  • 1963 – Republic Cultural Heritage Award
  • 1972 – Gawad CCP para sa Sining, mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at unang Pambansang Alagad ng Sining

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Fernando Amorsolo Fernando Amorsolo Fernando Amorsolo Fernando Amorsolo