Estoisismo

From Wikfilipino
Revision as of 06:18, 25 March 2021 by Aabenoja (talk | contribs) (Created page with "right|thumb|[[Seno ng Sitium]] Ang '''estoisismo''' ay ang hindi pag-inda sa ligaya at dusa o sakit. Sa ganitong kalagayan, may katapangan...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang estoisismo ay ang hindi pag-inda sa ligaya at dusa o sakit. Sa ganitong kalagayan, may katapangan o kahandaan ang pag-iisip upang magtiis ng hirap at pasakit. Ito ay isang paaralan ng Helenistikong pilosopiyang itinatag sa Atenas ng pilosopong si Seno ng Sitium noong kaagahan ng ikatlong daang taon BK. Tumutuon ito sa masiglang ugnayan sa pagitan ng kosmikong determinismo at kalayaang pampilosopiya ng tao, at maging sa paniniwalang mas mainam ang magpanatili ng prohairesis o kagustuhan (determinasyon) na nakaayon sa kalikasan. Tinatawag na mga estoiko ang mga sumusunod sa pagtuturo ni Seno ng Sitium. Ayon sa turo ni Seno ng Sitium, matatagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng kawalan ng kasarapan at hapdi.

Tanyag ang doktrinang estoiko sa Gresya at sa Imperyong Romano mula sa pagkakatatag nito magpahanggang atasan ni Emperador Justiniano I na magsara ang lahat ng mga paaaralan ng pilosopiya noong 529 AD. Para kay Justiniano I, labag sa kanyang pananampalatayang Kristiyano ang katangiang pagano ng mga nasabing paaaralan.[1]

Mga sanggunian

  1. Agathias. Histories, 2.31.