Estelita Bantilan

From Wikfilipino
Revision as of 17:24, 24 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Estelita Tumandan Bantilan ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya sa paghahabi ng tradisyunal na banig ng mga Blaan sa Mindanao. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2016.

Talambuhay

Ipinanganak si Bantilan noong ika-17 ng Oktubre, 1940. Kilala siya bilang Labnai Tumndan sa kaniyang pagkabata. Isa siyang miyembro ng grupong Blaan. Kinalaunan, ginamit niya ang pangalan na Estelita nang dumating ang mga Protestanteng pastor sa kanilang bayan sa Malapatan sa Sarangani.

Kilala si Bantilan sa kaniyang mga habing banig, na kinikilala bilang pinakamagandsa sa Timog Silangang Asya. Tinatawag rin siyang "prinsesa" ng kaniyang mga kasamahang manghahabi dahil sa kaniyang angking talento.

Kinilala siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2016. Nagbukas rin siya ng isang mat weaving center sa bayan ng Malapatan para sa promosyon ng sining ng paghahabi ng banig.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.