Difference between revisions of "El Filibusterismo"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 83: Line 83:
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Panitikang Pilipino]]
 
[[Category:Panitikang Pilipino]]
 +
[[Category:Rizaliana]]

Revision as of 15:33, 23 February 2021

Ang El Filibusterismo ay and pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal na unang nailathala sa Europe noong 18 Setyembre 1891. Ito ang karugtong ng kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Mula sa Europe ay nakarating ito sa Pilipinas na may hatid na balakid at hamon sa paghahari ng Spain; may hatid na pag-asa sa mga Pilipinong naghihintay ng katarungan at kalayaan; at may hatid na pangamba at takot para sa pamilya ng may-akda. [1]

Buod

Ang nobela ay nagsimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra, ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun.

Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaang Espanyol na magsisilbing sanhi ng himagsikan.

Lihim na kinilatis ni Simoun ang mga tao sa kaniyang paligid. Sinuri niya ang bawat galaw ng kaniyang mga nakakasalamuha. Pinili niya kung sino ang maaaring lumahok o magpasimula ng himagsikan. Una na rito si Basilio na muli niyang nakatagpo sa loob ng gubat. Hindi niya direktang hinikayat si Kabesang Tales ngunit napagtagumpayan niya ang kaniyang balak; ginamit niya ang karalitaan at silakbo ng damdamin ng matanda. Naimpluwensiyahan din niya ang pag-iisip ni Placido Penitente na nagmuni-muni matapos silang mag-usap.

Ang una niyang plano ay ang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang itakas si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay rin ang dalaga.

Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun ang bagong kasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng tao. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang-palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog dahil nais niyang iligtas ang dating kasintahan na si Paulita.

Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga guwardia sibil nang buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan. [2]

Mga tauhan

Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan sa nobela:

Panlabas na kawing

Sanggunian

  1. El Filibusterismo/The Reign of Greed: Charles Derbyshire English translation binisita noong: 7 Hunyo 2011
  2. Rizal, Jose. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).

Kategorya:Buhay at Sining Kategorya:Panitikan Kategorya:Nobela Kategorya:El filibusterismo

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.