Efren Peñaflorida: CNN Hero of the Year

From Wikfilipino
Revision as of 06:39, 4 January 2021 by Damarante (talk | contribs) (Created page with "Kumakatawan sa diwa ng bayanihan, itinanghal bilang CNN Hero of the Year ang Pilipinong si Efren Peñaflorida Jr. Tubong Cavite. Ang kabayanihan ni Peñaflorida ay...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Kumakatawan sa diwa ng bayanihan, itinanghal bilang CNN Hero of the Year ang Pilipinong si Efren Peñaflorida Jr. Tubong Cavite. Ang kabayanihan ni Peñaflorida ay lumutang dahil sa kanyang proyektong, "kariton klasrum" para sa mga kabataan.

Ang dalawampu't walong taong gulang na si Peñaflorida ay nakatanggap ng isang daang libong dolyar mula sa CNN. Ipinangako naman ni Peñaflorida na igugugol ang nakuhang pera para sa mga batang tinutulungan ng kanyang grupong “Dynamic Teen Company.”

Sa kanyang talumpati nang siya ay tumanggap ng parangal sa Kodak Theatre sa Hollywood, sinabi ni Peñaflorida na dapat maglingkod ang bawat isa sa atin, maglingkod ng tama, maglingkod sa iba bago ang sarili at maging masaya sa paglilingkod na iyon.

Ayon kay Peñaflorida, ang mapasama sa sampung nominado ay isa ng malaking karangalan. Hindi niya inaakong mag-isa ang karangalang iginawad sa kanya. Aniya, kung iboboto siya ng mga tao, ang ibinoboto nila ay ang mga mahihirap na kabataan na tinutulungan ng DTC at ang mga mamamayang nagbibigay ng kanilang panahon at suporta upang turuan ang mga batang ito.

Tinalo ni Peñaflorida ang siyam na iba pang kalahok para sa karangalan, pito sa mga ito ay Amerikano. Binuksan ng CNN ang pagboto sa internet noong Oktubre. Nagkaroon ng halos tatlong milyong boto ang mga nominado ayon sa CNN ngunit hindi nila sinabi kung ilan ang botong nakamit ni Peñaflorida.

Si Peñaflorida na tubong Cavite ang nagtatag ng Dynamic Teen Company noong 1997. Ang kanyang grupo ang gumamit ng “Kariton Klasrum” upang tumulong at magturo sa mga mahihirap na kabataan sa probinsya ng Cavite at karatig bayan nito.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya:Kasaysayan at Pangyayari Kategorya: Personalidad