Don Tiburcio de Espadaña

From Wikfilipino
Revision as of 03:36, 17 July 2021 by Gmallorca (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Don Tiburcio de Espadaña ay ang asawa ni Doña Victorina sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal.

Sa Noli me tangere

Dumating siya sa Pilipinas na may tungkuling ikalimang opisyal sa Aduana. Sa kasamaang palad, napilay ang kanyang isang paa noong ika-15 araw niya sa tungkulin. Ito rin ang naging dahilan ng kanyang pagkaalis sa tungkulin. Dahil wala naman siyang balak bumalik ng Espanya, nagtrabaho si Tiburcio upang mabuhay ng marangal. Sanhi ng lubhang pangangailangan ay sinunod niya rin ang payo ng kanyang mga kaibigan na magtungo sa lalawigan at magpanggap bilang isang doktor. [1]

Sa paniniwalang kung mas mahal ang singil ay mas magaling kang doktor, siningil niya nang malaki ang kaniyang mga pasyente. Nabalitaan ng Kapisanan ng mga Manggagamot ang kaniyang paniningil kung kaya't tinanggalan siya ng karapatang makapaggamot. Sa kanyang paghihirap, nakilala niya si Doña Victorina at sila'y ikinasal. Sa mga panahon ng kanilang pagsasama, lumantad ang pagiging mapangarapin ni Doña Victorina at nagpanggap ang mag-asawang doktor.

Sa El filibusterismo

Sa pangalawang nobela ay labinlimang taon nang kasal sina Don Tiburcio at Donya Victorina. Isang araw sa kanilang labinlimang taong pagsasama ay hindi nakatiis si Don Tiburcio sa pag-uugali ng kanyang maybahay. Hinambalos niya sa kanya ang kanyang muleta na gamit sa pagkapilay. Sa pag-aakalang napatay niya ang donya ay tumakas siya at nagtatago sa bahay ni Padre Florentino. [2]

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  1. Jose Rizal, Noli me Tangere, isinatagalog ni Pedro Gatmaitan (Manila: P.Sayo Bookstore, 1948), p.240 hinango noong: 30 Mayo 2011
  2. Rizal, Jose. Kabanata 1. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.