Difference between revisions of "Diariong Tagalog"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
 
Line 12: Line 12:
 
{{Wikipedia source}}
 
{{Wikipedia source}}
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Quincentenario]]
[[Category:Kasaysaysan]]
 
[[Category:Himagsikan]]
 
 
[[Category:Panitikang Pilipino]]
 
[[Category:Panitikang Pilipino]]
 +
[[Category:Kasaysayan]]
 +
[[Category:Nostalhiya]]

Latest revision as of 10:55, 27 February 2021

Ang Diariong Tagalog (sa makabagong ortograpiya: “Diyaryong Tagalog”) ay isang makabayang pahayagang na nagtatampok ng mga lathalaing nakasulat sa mga wikang Tagalog at Espanyol noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Itinatag ito ni Marcelo H. del Pilar noong 1882 at tinustusan naman ni Francisco Calvo ang pagpapalimbag ng pahayagan.[1]

Ang Diariong Tagalog ang unang naglathala ng mga kaisipang nag-uudyok ng reporma sa pamahalaan at tumuligsa rin sa pang-aabuso ng mga prayle. Sinasabing tumagal lamang ng tatlo o limang buwan ang pahayagan magmula nang lumabas ang unang sipi nito noong Hulyo, ngunit may ulat din na Agosto ng naturang taon.[2]

Nilalaman

Pinamatnugutan ni del Pilar ang Diariong Tagalog at naglathala ng mga hinaing ng mga inaapi at panawagan ng reporma sa pamahalaang Espanyol.[3]

Nakapagsulat si Jose Rizal para sa Diarong Tagalog ng makabayang sanaysay na pinamagatang Amor Patrio gamit ang sagisag-panulat na Laong Laan. Isinalin ito sa Tagalog ni del Pilar at lumabas sa pahayagan noong Agosto 20, 1882.[4]

Sanggunian

  1. Almario, Virgilio S., pat. (1992). Filway's Philippine Almanac (sa wikang Ingles) (ika-First (na) edisyon). Lungsod Quezon: Filway Marketing.
  2. Kintanar, Thelma B., pat. (2009). Cultural Dictionary for Filipinos (sa wikang Ingles) (ika-Second (na) edisyon). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.
  3. Villa Panganiban, Jose (1987). Panitikan ng Pilipinas (ika-Binagong (na) edisyon). Lungsod Quezon: Rex Bookstore. 92.
  4. Samson, Lucero (Nobyembre 29, 2005). "Today in the past" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Hinango noong 19 Pebrero 2021.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Diariong Tagalog. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.