Difference between revisions of "Datu Zula"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 13: Line 13:
  
* “Today in Philippine history April 26, 1521,”''The Kahimyang Project''. Hinango noong 11 Pebrero 2021, https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1452/today-in-philippine-history-april-26-1521-datu-zula-sent-to-magellan-one-of-his-sons-with-two-goats-as-present-the-battle-of-mactan.  
 
* “Mactan Shrine: The symbol of the true Filipino grit,” ''Kaleidoscopic World''. Hinango noong 11 Pebrero 2021, <nowiki>https://anecdotesweb.wordpress.com/tag/datu-zula</nowiki>.
+
* “Mactan Shrine: The symbol of the true Filipino grit,” ''Kaleidoscopic World''. Hinango noong 11 Pebrero 2021, <nowiki>https://anecdotesweb.wordpress.com/tag/datu-zula</nowiki>.
 +
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Kasaysayan]]
 
[[Category:Kasaysayan]]
 
[[Category:Makasaysayang Tao]]
 
[[Category:Makasaysayang Tao]]

Revision as of 10:58, 8 March 2021

Si Datu Zula ay isa sa dalawang pinuno ng isla ng Mactan bukod kay Lapulapu noong dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas. Si Zula ang nagmungkahi kay Magellan na magtungo sa Mactan upang pilitin si Lapulapu na magpasailalim ng kapangyarihan ng Espanya na kalaunan ay humantong sa isang labanan.

Pagsuko sa Espanya

Bilang kinaibigan siya ni Magellan, ipinag-utos ni Raha Humabon na ang lahat ng pinuno ng mga karatig na balangay ay kailangang magbigay ng panustos na pagkain sa mga Espanyol at magpabinyag bilang mga Kristiyano. Sumunod ang karamihan sa mga pinuno, kasama na si Datu Zula na inatasan ang isa niyang anak na maghatid ng dalawang kambing kay Magellan bilang regalo. Ipinangako rin niya ang kaniyang katapatan sa Hari ng Espanya. Ngunit si Lapulapu, ang isa sa dalawang pinuno ng Mactan, ay nagmatigas at hindi sinunod ang utos ni Humabon. Idineklara niya na hinding-hindi siya magpapasailalim sa kapangyarihan ng Espanya. Ibinalita ito ni Zula kay Magellan at iminungkahi na matatalo lamang niya si Lapulapu kung magpapadala siya ng maraming tauhan.

Sumang-ayon si Magellan na tutulungan niya si Zula at Humabon na masupil si Lapulapu dahil nakita niya itong pagkakataon upang maipakita sa mga katutubo ang lakas ng Espanya at pagtibayin ang samahan ng mga pinuno sa Visayas. Kasama ang halos animnapung tauhan at ilang katutubong kakampi, hinarap ni Magellan ang hukbo ni Lapulapu na may humigit-kumulang 1,500 mandirigma.

Maaring Bisitahin

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.