Darhata Sawabi

From Wikfilipino
Revision as of 17:24, 24 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Darhata Sawabi ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siyang manghahabi ng pis syabit, isang tradisyunal na tela ng mga Tausug. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2004.

Nagmula ang tawag na pis syabit sa salitang pis na siyang tawag sa padrong nagmula umano sa mandala ng India, at ang syabit na siyang tawag sa teknik gamit ang kalawit.

Hindi nakapangasawa si Sawabi at itinaguyod ang sarili sa pamamagitan ng paghahabi. Mahabang proseso ang paghahabi ng pis syabit, at tumatagal ng ilang araw para matapos ang paghahanda para sa paghahabi. Nang siya ay 48 taong gulang, kumuha siya ng mga makakatulong sa kaniyang paghahabi.

Ilang beses ring kinailangang lumipat ni Sawabi ng tirahan dahil sa laban sa Mindanao. Namatay siya noong ika-12 ng Marso 2005, isang taon matapos siyang tanghaling Manlilikha ng Bayan.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.