Cordillera Administrative Region
Ang Cordillera Administrative Region ay matatagpuan sa bulubunduking gitna/pagitan ng tatlong rehiyon sa hilagang bahagi ng Luzon: ang Rehiyon ng Ilocos, Rehiyon ng Lambak ng Cagayan, at Rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang kabundukan ng Kordilyera ang pangunahing lunan ng mga lalawigang nakapalood sa rehiyong ito.
Lalawigan at Lungsod
Binubuo ang rehiyon ng anim na lalawigan at isang lungsod: Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Ang Lungsod na ito ay ang Baguio ang kaisa-isa sa buong Kordilyera.
Pamumuno
Narito ang lista ng ihinalal na pinuno at representante sa kongreso ng bawat lalawigan at distrito na magsisilbi sa mamamayan ng Cordillera Administrative Region mula 2013 hanggang 2016 [1].
Lalawigan | Gobernador | Bise Gobernador | Mga Kinatawan sa Kongreso |
Abra | Eustaquio Bersamin | Chari Bersamin | Maria Jocelyn Bernos, Nag-iisang Distrito |
Apayao | Elias Bulut, Jr. | Hector Reuel Pascua | Eleanor Bulut-Begtang, Nag-iisang Distrito |
Benguet | Nestor Fongwan | Nelson Dangwa | Ronald Cosalan, Nag-iisang Distrito; Nicasio Aliping, Jr., Nag-iisang Distrito ng Lungsod ng Baguio |
Ifugao | Denis Habawel | Pedro Mayam-o | Teodoro Baguilat, Jr., Nag-iisang Distrito |
Kalinga | Jocel Baac | Sonny Mangaoang | Manuel Agyao, Nag-iisang Distrito |
Mountain Province | Leonard Mayaen | Boni Lacwasan | Maximo Dalog, Nag-iisang Distrito |
Populasyon
Batay sa senso na nakalap ng National Statistics Office hanggang 1 Mayo 2010, umabot sa 1,616,867 ang populasyon ng rehiyon, kumpara sa 1,146,191 bilang noong 1990. Pinakamarami ang bilang ng mamamayan na bumubuo sa lalawigan ng Benguet (hindi pa kasama ang Lunsod ng Baguio). May kabuuang growth rate ang rehiyon na 1.73 batay sa datos na mula taong 1990 hanggang 2010 [2].
Lalawigan | Populasyon: 1990 – 2000 – 2010 | Growth Rate: 1990-2000 – 2000-2010 – 1900-2010 |
Abra | 184,743 – 209,491 – 234,733 | 1.26 – 1.14 – 1.20 |
Apayao | 74,720 – 97,129 – 112,636 | 2.66 – 1.49 – 2.07 |
Benguet (hindi pa kasama ang Lungsod ng Baguio) | 302,715 – 330,129 – 403,944 | 0.87 – 2.04 – 1.45 |
Lungsod ng Baguio | 183,142 – 252,386 – 318,676 | 3.26 – 2.36 – 2.81 |
Ifugao | 147,281 – 161,623 – 191,078 | 0.93 – 1.69 – 1.31 |
Kalinga | 137,055 – 174,023 – 201,613 | 2.41 – 1.48 – 1.95 |
Mountain Province | 116,535 – 140,631 – 154,187 | 1.90 – 0.92 – 1.41 |
Wika
Ilan sa mga wikang matatagpuang ginagamit sa Kordilyera ay ang mga wikang Kankana-ey, Tagalog, Ibaloi, Kalanguya, Ifugao, Aplai, Itneg, Tinguian, Ingles, at ang Iloko bilang kanilang lingua franca.
Sanggunian
- National Statistics Office. Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities: Based on 1990, 2000, and 2010 Censuses (hinango noong 21 Hunyo 2013)
Panlabas na Kawing
- 2013electionresults.comelec.gov.ph (hinango noong 21 Hunyo 2013)
- election-results.rappler.com (hinango noong 21 Hunyo 2013)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Kategorya:Lakbay-Bayan
Kategorya:Rehiyon
Kategorya:Eleksiyon