Cheryl Cosim

From Wikfilipino
Revision as of 03:49, 26 March 2021 by Ldacles (talk | contribs) (Created page with "Si '''Cheryl Kathleen Cosim''' (ipinanganak Pebrero 7, 1974) ay isang mamamahayag at ''host'' sa telebisyon na Pilipina. Nagsimula siya sa pag-''host'' ng programa pan...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Cheryl Kathleen Cosim (ipinanganak Pebrero 7, 1974) ay isang mamamahayag at host sa telebisyon na Pilipina. Nagsimula siya sa pag-host ng programa pantelebisyon sa ABS-CBN katulad ng Salamat Dok! at nagbibigay din siya ng bagong balita kada oras. Nagkaroon ng palatuntunan sa radyo sa DZMM.[1][2] Lumipat siya sa TV5 noong 2010.[3] Nagbigay siya ng balita sa Aksyon kasama si Erwin Tulfo. Noong 2014, nagig tagapagbalita siya ng Aksyon Tonite.

Host si Cosim sa "Good Morning Girls" na bahagi ng programang pantelebisyon na Good Morning Club, at gayun din sa Numero, na tungkol sa estadistika o mga survey na may kaugnayan sa mga tao na may kuwento sa likod ng mga bilang.

Pansariling buhay

Kasal siya kay John Francis Alvarez, isang negosyante, na dating nanirahan sa Estados Unidos.

Pilmograpiya

Telebisyon

Taon Pamagat Ginampanan Network
2014–present Aksyon Tonite Tagapagbalita TV5
2014 Numero Host TV5
2012–2014 Good Morning Club Host TV5
2011–2012 Sapul sa Singko Host TV5
2010–2014 Aksyon Tagapagbalita TV5
2010–2012 Alagang Kapatid Host TV5
2004–2010 Salamat Dok! Host ABS-CBN
2005–2010 News Patrol Tagapagbalita ABS-CBN
1996–2002 Alas Singko Y Medya Tagapagbalita ABS-CBN

Radyo

Year Title Role Station
2006-2009 Gising Pilipinas Tagapagbalita DZMM/DZMM TeleRadyo/ABS-CBN
2011-2012 Diretsahan Host Radyo5 92.3 NewsFM
2014–present Healthline with Cheryl Cosim Host Radyo5 92.3 NewsFM

Mga sanggunian