Cavite

From Wikfilipino
Revision as of 06:01, 25 March 2021 by Ldacles (talk | contribs) (Created page with "{| class="toccolours" style="width:23em; float: right; margin: 0 0 1em 1em;" width="350px" |+ style="font-size: larger;" | '''Cavite''' |colspan="2" | <center></center> |- | c...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search
Cavite
Region
Rehiyon ng CALABARZON (Rehiyon IV-A)
Province : Cavite
City: tatlo
Municiplity : 20
Barangays : 828
Areakm2 : 1,297.6
Area rank : Ikasiyam na pinakamaliit
Kabuuan : 2,163,161
Kabuuang rango : Ikalimang pinakamalaki
Densidad : 1,590 /km²



(Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Cavite)

Ang Cavite ay nasa timog baybayin ng Look Maynila sa Rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. Ito ay may layong 30 kilometro timog mula sa Maynila. Ang Trece Martires ang kabesera ng lalawigan. Napapaligiran ito ng Laguna, Batangas, at Cavite.

Heograpiya

Ang Cavite ay nahahati sa 20 munisipalidad at tatlong lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Cavite ang Alfonso, Amadeo, Bacoor, Carmona, Dasmariñas, Gen. Mariano Alvarez, Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Trias, Imus, Indang, Kawit, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, Noveleta, Rosario, Silang, Tanza at Ternate.

)

Kabilang sa lungsod ay ang sumusunod: Cavite, Bacoor, Trece Martires at Tagaytay.

Wika

Tagalog, Chabacano at Ingles ang mga pangunahing wikang ginagamit sa Cavite. Chabacano ang kadalaasang wika ng mga taga Lungsod Cavite at Ternate na nagsimula sa pagdating mga Espanyol sa lalawigang ito ilang daan taon nang nakararaan.

Relihiyon

May 80 porsiyento ng mga naninirahan sa Cavite ay Romano Catolico habang 11 porsiyento ay kasapi ng Aglipay at apat na porsiyento ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo. Ang natitira pang porsiyento ay para sa mga Muslim at iba pang sekta.

Ekonomiya

Ang Cavite ay isa sa mga lalawigan na unti-unting umuunlad dahil sa lapit nito sa Kalakhang Maynila. Maraming Kompanya tulad ng Intel, ang nagtatatag ng mga industrial parks sa lalawigan.

Ang Cavite ay sentro ng komersiyalismo hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.Maraming mga dayuhang namumuhunan ang naengganyong magtatag ng mga negosyo at nakikisosyo sa mga mga Filipino.

Tatlong SM Malls at tatlong Robinsons Malls ang matatagpuan sa Cavite. Ang mga ito ay ang SM City Bacoor, SM City Dasmariñas, SM Supercenter Molino, Robinsons Place Imus, Robinsons Place Dasmariñas at ang malapit nang buksan na Robinsons Place Tagaytay.

Pinagmulan

Ang Cavite ay tinawag na Makasaysayang Kabisera ng Filipinas. Ito ang duyan ng Himagsikan sa Filipinas at ang lugar kung saan ipinanganak ang Kalayaan ng Filipinas.

Mgag Kolehiyo at Unibersidad

Adventist University of the Philippines - Silang, Cavite AMA Computer University - Dasmariñas, Cavite

Cavite State University – Indang, Cavite

De La Salle University-Dasmariñas - Dasmariñas, Cavite

EARIST Cavite Campus - Gen. Mariano Alvarez, Cavite

Emilio Aguinaldo College - Dasmariñas, Cavite

Imus Computer College (ICC) - Imus, Rosario, GMA, Dasmariñas, Bacoor, at Silang

Lyceum of Cavite University - Gen. Trias, Cavite

National College of Science and Technology - Dasmariñas, Cavite

Olivarez College - LungsodTagaytay

Philippine Cambridge School - Dasmariñas, Cavite

Philippine Christian University - Dasmariñas, Cavite


Philippine National Police Academy - Silang, Cavite

Rogationist College - Silang, Cavite

Saint Dominic College - Bacoor, Cavite

Saint Joseph College - LungsodCavite

San Sebastian College - Recoletos de Cavite - Lungsod Cavite

STI Colleges - Bacoor, Dasmariñas, Rosario, Southwoods, at Lungsod Tagaytay


Technological University of the Philippines - Dasmarinas, Cavite


University of Perpetual Help - Dalta System - Bacoor, at Gen. Mariano Alvarez


Woodridge College - Bacoor, Cavite

Mga Parkeng Pang-industriya

  • Anabu Hills Industrial Estate
  • Bulihan-NHA Industrial Estate
  • Cavite Carmona Industrial Estate
  • Cavite Economic Zone
  • Daichi Industrial Park
  • Dasmariñas Business Technopark
  • Fil-Estate Industrial Park, Inc.
  • Fil-Oil Special Economic Zone
  • First Cavite Industrial Estate
  • First Cityland Heavy Industrial Center
  • Gateway Business Park
  • GMA-NHA Industrial Estate
  • Golden Gate Business Park
  • Golden Gate II Industrial Estate
  • Golden Mile Business Park
  • Granville Industrial Complex
  • Greenway Business Park
  • Imus Informal Industrial Estate
  • Lu Chu Industrial Estate
  • Maguyam Industrial Complex
  • Manggahan Industrial Center
  • Mountview Industrial Complex
  • New Cavite Industrial City
  • Southcoast Industrial Complex
  • Sterling Technopark
  • Welborne Industrial Park

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.