Butanding

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Butanding [whale shark]—na ang siyentipikong pangalan ay Rhincodon typus—ang pinakamalaking isda sa Filipinas. Humahaba ito nang 15 metro o lagpas pa, at naninirahan sa maligamgam na tubig ng Bohol at Sorsogon. Karaniwang tumitimbang nang 1.5 libong kilogram ang butanding. Kinakain nito ang maliliit na lamandagat, gaya ng vugi, lumot, hipon, at iba pang maliliit na isda.

Ekoturismo

Tumanyag ang mga butanding sa Donsol, Sorsogon at dinarayo ngayon ito ng mga turista. Pinangangalagaan naman ng mga mangingisda ang naturang balyena, samantalang kumikita ng salapi sa pagtanggap ng mga dayuhang ibig makita yaon o bumili ng anumang produkto ng mga taga-Sorsogon. Inaabangan ng mga turista ang butanding tuwing Enero at Hunyo, at nakatulong ito nang malaki upang lumago ang turismo sa naturang lugar. Bagaman may uri ng butanding sa iba pang bansa, tanging sa Filipinas lamang makikita ang pinakamaraming bilang nito. Ang ibang mga mangingisda ay pine-peraan lamang ang mga butanding sa pamamagitan ng mag secret..

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Template:Katiting

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.