Bundok Pulag

From Wikfilipino
Revision as of 08:49, 11 March 2021 by Vanunez (talk | contribs) (Created page with "Ang '''Bundok Pulag''' (o minsan na tinatawag na '''Bundok Pulog''') ay ang ikatlong-pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Matatagpuan ang mga hangganan ng mga lalawiga...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang Bundok Pulag (o minsan na tinatawag na Bundok Pulog) ay ang ikatlong-pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Matatagpuan ang mga hangganan ng mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya sa tuktok nito.

Tropikal ang klima sa bundok na ito pero maulan sa malaking bahagi ng taon. Karaniwang nasa 4,489 mm bawat taon ang presipitasyon, at ang Agosto ang pinakabasang buwan na may karaniwang presipitasyon na 1,135 mm.

Mayroon mga 528 na dinukumentong specie ng halaman ang bundok na ito. Dito ang likas na tirahan ng endemikong duwendeng kawayan, (Yushania niitakayamensis) at ang pinong Benguet (Pinus insularis). May mga 33 specie ng ibon ang matatagpuan dito kasama ang ilang mga nanganganib na mga mamalya tulad Filipinong usa (Philippine deer), malalaking mga daga at mahabang-buhok na paniki na kumakain ng prutas.

Noong 20 Pebrero 1987, naging pambansang liwasan ang malaking bahagi ng bundok sa bisa ng Proclamation No. 75. Nilalayon nito na panatilihin ang kapaligiran sa paligid ng bundok laban sa mga panganib ng pagsulong ng lugar katulad ng mga ginawang lupang sakahan, produksiyon ng batang o troso, pangangaso, at turismo.

Tinuturing na banal ang lugar na ito ng mga katutubo sa Benguet.

Sanggunian

  • "Mountains: Mt. Pulag." Mountain.net. Hinango noong 11 Marso 2021.