Bulkanolohiya

From Wikfilipino
Revision as of 13:57, 6 April 2021 by Ivibar (talk | contribs) (Created page with "Ang '''Bulkanolohiya''' ay agham sa pag-aaral ng bulkan at mga penomenang bulkaniko.<ref>''[http://www.diksiyonaryo.ph/search/bulkanolohiya Bulkanolohiya]''. Diksiyonaryo.ph....")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang Bulkanolohiya ay agham sa pag-aaral ng bulkan at mga penomenang bulkaniko.[1]

Isa itong sangay ng Heolohiya, ang agham ng mundo na pinag-aaralan ang mga komposisyon, estruktura at pinagmulan ng bato.[2]

Ilan sa mga sinusuri sa Bulkanolohiya ang proseso ng pagbuo, pagsasaayos at distribusyon ng mga bulkan, pati ng kanilang estruktura at mga materyal na inilalabas tuwing pagsabog.[3]

Kasaysayan

Nagsimulang pag-aralan ng mga tao ang mga bulkan noon pang sinaunang panahon. Itinala ng isang Romanong nagngangalang Pliny the Younger ang mga pangyayari noong sumabog ang Bulkang Vesuvius noong AD 79.

Ang sistematikong pag-aaral naman sa mga bulkan ay nagsimula noong ika-19 siglo.

Pag-aaral sa Pilipinas

Sa Pilipinas, pinangungunahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pag-aaral sa mga bulkan.

Isa sa kanilang mga tungkulin ang pag-aayos sa mga bulkan ayon sa kasaysayan nito ng pagsabog. Ang PHIVOLCS din ang inaatasan ng pamahalaang mag-alerto sa publiko kung may banta ng pagsabog.

Inaaral ang bulkanolohiya sa ilang unibersidad sa bansa bilang bahagi ng kanilang mga kurso sa Heolohiya.[4]

Kabilang sa mga institusyong may programang Heolohiya ang University of the Philippines, Mapua University, University of Southeastern Philippines, Adamson University, Negros Oriental State University at Partido State University.

Sanggunian

  1. Bulkanolohiya. Diksiyonaryo.ph. Hinango noong 6 Abril 2021.
  2. Heolohiya. Diksiyonaryo.ph. Hinango noong 6 Abril 2021.
  3. Volcanology. Encyclopedia Britannica. Hinango noong 6 Abril 2021.
  4. Schools offering Geology courses in the Philippines. FindUniversity.ph. Hinango noong 6 Abril 2021.


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.