Bukidnon

From Wikfilipino
Revision as of 08:58, 24 March 2021 by Ldacles (talk | contribs) (Created page with "Matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao ang lalawigan ng '''Bukidnon'''. Lungsod Malaybalay ang kabesera nito. Napapaligiran ng Misamis Oriental, Agusan...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao ang lalawigan ng Bukidnon. Lungsod Malaybalay ang kabesera nito. Napapaligiran ng Misamis Oriental, Agusan del Sur, Davao del Norte, Cotabato, Lanao del Sur, at ng Lanao del Norte ang Bukidnon.

Nakatimo sa puso ng Mindanao ang Bukidnon, at maipamagmamalaki nito ang malalawak na taniman ng pinya, at ang klasikong palaruan ng golf na ginawa noong 1928. Angkin din ng Bukidnon ang pinakamalaking produksiyon ng baka sa rehiyon. Humahatak naman sa mga turista ang Bulubundukin ng Kitanglad, na kinaroroonan ng Dulang-dulang, ang ikalawa sa pinakamataas na bundok sa bansa. Sari-sari rin ang mga katutubong hayop, ibon, at halaman sa Bukidnon, at siyang mahirap matagpuan sa ibang lugar.

Bukidnon ang nag-uugnay sa Davao sa timog, at sa Misamis Oriental sa hilaga ng pulo.

Binubuo ng 20 munisipalidad at 2 lungsod ang Bukidnon.

Mga Lungsod

  • Malaybalay
  • Valencia

Mga Munisipalidad

  • Baungon
  • Cabanglasan
  • Damulog
  • Dangcagan
  • Don Carlos
  • Impasug-Ong
  • Kadingilan
  • Kalilangan
  • Kibawe
  • Kitaotao
  • Lantapan
  • Libona
  • Malitbog
  • Manolo Fortich
  • Maramag
  • Pangantucan
  • Quezon
  • San Fernando
  • Sumilao
  • Talakag

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.