Bismuto

From Wikfilipino
Revision as of 08:33, 24 March 2021 by Aabenoja (talk | contribs) (Created page with "Ang '''bismuto''' o '''bismut''' (Ingles: ''bismuth'') ay isang elementong kimikal. Ito ang ika-83 elemento sa talaang peryodiko at may simbolong ''B...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang bismuto o bismut (Ingles: bismuth) ay isang elementong kimikal. Ito ang ika-83 elemento sa talaang peryodiko at may simbolong Bi. Ang masang atomiko nito ay 209. Bahagya lamang ang pagiging radyoaktibo nito. Dahil napakakaunti ng radyoaktibidad nito, normal na tinatanaw ito bilang hindi radyoaktibo. Natatagpuan lamang ang bismut bilang likas na isang isotopo, na siyang isang pinaka hindi radyoaktibo. Nahulaan ng mga siyentipiko ang radyoaktibidad nito at napatunayan sa pamamagitan ng pagsuri ng metal na ito. Ito ay nasa Pangkat 15 sa ibabaw ng talaang peryodiko.