Ben Maniclang

From Wikfilipino
Revision as of 07:45, 25 March 2021 by Daidlisan (talk | contribs) (Created page with "Si '''''Ben Maniclang''''' ay isa sa mga haligi ng industriya ng komiks sa Pilipinas. Natutunan niya ang pagguhit sa panonood sa mga dibuhista tuwing mapapadpad siya sa is...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Ben Maniclang ay isa sa mga haligi ng industriya ng komiks sa Pilipinas. Natutunan niya ang pagguhit sa panonood sa mga dibuhista tuwing mapapadpad siya sa isang art shop sa Maynila bilang isang shoe shine boy. Ang ilan sa kanyang mga likha ay ang Anak ni Zuma na lumabas sa Aliwan Komiks at Ama Namin ng Kenkoy Komiks.

Pagkatapos ni Maniclang ng sekundarya noong 1947 ay isinulat at iginuhit niya ang Ang Kambal para sa Silahis Magazine. Noong 1952 ay naging bahagi siya ng Bulaklak Magazine kung saan ilan sa kanyang mga iginuhit para dito ay ang Ang Prinsesa at ang Pulubi, Ang Tungkod ni Moises, at Nasaan Ka Irog.

Naging freelance artist noong 1955, si Maniclang din ang gumawa ng mga dibuho para sa Extra Komiks at Mabuhay Komiks, kabilang na rito ang Miramonte at Damon at Pitias. Ngunit habang nagtatrabaho para sa Tagalog Komiks noong 1957, inatasan siya ni Tony Velasquez na gumuhit para sa Ama Namin ng Kenkoy Komiks. Samantala, nagsilbi siya bilang '"art director" sa maikling panahon sa Silaw Magazine na bahagi ng dating Manila Daily Bulletin.

Bumalik muli sa pagiging freelancer si Maniclang at gumuhit para sa mga lathalain ng Graphic Arts Service, Inc. (GASI), kabilang na rito ang isa sa kanyang pinasikat na serye, ang Mga Kwentong Barbero. Umani rin siya ng pagkilala para sa kanyang mga dibuho sa mga seryeng Kadena de Kunsume noong 1975 hanggang 1977 at Borbo noong 1981 para sa Pioneer Komiks, Lolong (1979) ng Holiday Komiks, Hambelina (1983) ng Teen's Weekly, at ang tanyag na Anak ni Zuma para sa Aliwan Komiks na isinulat ni Jim Fernandez.

Siya rin ang gumawa ng mga dibuho para sa Fortunata (1982-1983) ng TSS Komiks, Kapteyn Katuray (1983) ng Darna Komiks, at Boljack and Jill ng Ace Publications, Inc.

Sanggunian

  • Arevalo Jr., Joaquin and Cythia Roxas. A History of Komiks of the Philippines and Other Countries. 1985, Islas Filipinas Publishing Co., Inc.

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.