Difference between revisions of "Bataan Death March"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Line 2: Line 2:
  
 
== Paghina ng Depensang Amerikano ==
 
== Paghina ng Depensang Amerikano ==
Noong 11 Marso 1942, sa utos ni Pangulong [[Theodore Roosevelt|Theodore Roosevelt, Jr.]], nilisan ni Heneral [[Douglas MacArthur]], kasama ang ilang tropang Amerikano, ang [[Corregidor]] patungong Australia. Sa pag-alis ng heneral, itinalaga si [[Jonathan Mayhew Wainwright IV]] bilang kahalili nito sa Corregidor, at si Heneral [[Edward P. King]] naman ang siyang naatasang mamuno sa pakikipagdigmaan sa Bataan. Unti-unting naramdaman ng kawal ng mga Amerikano ang paghina ng kanilang hukbo laban sa mga atake ng bansang Hapon. Maliban dito, naging madalang na rin ang pagdating ng mga rasyong pagkain, gamot at sandata mula [[Estados Unidos]], at patuloy na dumarami ang nagkakasakit at napipinsala. Dahil dito, wala ng ibang alternatibo kundi ang pagsuko sa mga Hapon.
+
Noong 11 Marso 1942, sa utos ni Pangulong [[Theodore Roosevelt|Theodore Roosevelt, Jr.]], nilisan ni Heneral [[Douglas MacArthur]], kasama ang ilang tropang Amerikano, ang [[Corregidor]] patungong Australia. Sa pag-alis ng heneral, itinalaga si [[Jonathan Mayhew Wainwright IV]] bilang kahalili nito sa Corregidor, at si Heneral [[Edward P. King]] naman ang siyang naatasang mamuno sa pakikipagdigmaan sa Bataan. Unti-unting naramdaman ng mga kawal na Amerikano ang paghina ng kanilang hukbo laban sa mga atake ng bansang Hapon. Maliban dito, naging madalang na rin ang pagdating ng mga rasyong pagkain, gamot, at sandata mula [[Estados Unidos]], at patuloy na dumarami ang nagkakasakit at napipinsala. Dahil dito, wala ng ibang alternatibo kundi ang pagsuko sa mga Hapon.
  
Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 1942 ay naging mabigat na dahilan upang humina ang depensa at tuluyang magapi ang Corregidor isang buwan ang makalipas. Ang pagsukong ginawa ng mga Amerikano sa [[Bataan]] ay siyang naging hudyat sa pagtatapos ng digmaan dito. Ngunit kasabay ng nasabing pagsuko at pagbandera ng puting watawat ay ang anim na araw na pagpapahirap sa mga sundalong Filipino at Amerikano sa tinaguriang Death March.
+
Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 1942 ay naging mabigat na dahilan upang humina ang depensa at tuluyang magapi ang Corregidor isang buwan ang makalipas. Ang pagsukong ginawa ng mga Amerikano sa [[Bataan]] ay siyang naging hudyat sa pagtatapos ng digmaan dito. Ngunit kasabay ng nasabing pagsuko at pagbandera ng puting watawat ay ang anim na araw na pagpapahirap sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa tinaguriang Death March.
  
 
== Ang Martsa ==
 
== Ang Martsa ==
Kinilalang Death March, ang sapilitang pagmamartsa na ito ay nagdala ng matinding pahirap at trahedya sa mga sundalong napabilang dito. Sa pagsukong ginawa ni King kay Heneral [[Masaharu Homma]], ipinaalam niya sa huli na marami sa kanyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito, iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa Himpilan ng O'Donnell gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit hindi ito inalintana ni Homma, bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo.
+
Kinilalang Death March, ang sapilitang pagmamartsa na ito ay nagdala ng matinding pahirap at trahedya sa mga sundalong napabilang dito. Sa pagsukong ginawa ni Heneral King kay Heneral [[Masaharu Homma]], ipinaalam niya sa huli na marami sa kaniyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito, iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa Himpilan ng O'Donnell gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit hindi ito inalintana ni Homma, bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo.
  
Umabot ng anim na araw ang nasabing martsa. Sa kasagsagan ng init ng araw, ang mga bilanggo ng digmaan ay walang tigil na pinaglalakad habang sila ay tinututukan ng baril ng mga Hapon. Nilakad nila ang kahabaan ng Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga. Sa mga pagkakataong sila ay “pinagpapahinga,” sila ay puwersahan din na pinapaupo sa ilalaim ng matinding sikat ng araw ng walang anumang lilim. Ang sino mang manghingi ng tubig na maiinom ay dagliang pinapatay.
+
Umabot ng anim na araw ang nasabing martsa. Sa kasagsagan ng init ng araw, ang mga bilanggo ng digmaan ay walang tigil na pinalakad habang sila ay tinututukan ng baril ng mga Hapones. Nilakad nila ang kahabaan ng Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga. Sa mga pagkakataong sila ay “pinagpapahinga,” sila ay puwersahan din na pinapaupo sa ilalaim ng matinding sikat ng araw nang walang anomang lilim. Ang sinomang manghingi ng tubig na maiinom ay dagliang pinapatay.
  
Sa unang yugto pa lamang ng martsa ay marami na ang nangamatay. Ang mga nanghihina at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapon, o hindi kaya ay pinagbabaril. Ang ilan sa kanila ay inaabuso at malabis na sinasaktan, habang ang iba naman ay hinahayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng Hapon.
+
Sa unang yugto pa lamang ng martsa ay marami na ang namatay. Ang mga nanghihina at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapones, o hindi kaya ay pinagbabaril. Ang ilan sa kanila ay inabuso at labis na sinaktan, habang ang iba naman ay hinayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng Hapon.
  
Gutom at uhaw, ang mga bilanggo ay lalong naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro. Minsan din silang binigyan ng pagkain, ngunit tila hayop silang pinakain ng mga panis na kanin. Nang sapitin nila ang Capas, Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo. Sa gabi, sila ay pinapatulog sa isang tila bodegang kwarto—masikip at madilim, at ang mga bilanggo ay parang mga sardinas na nagsisiksikan dito. Sa kasikipan, hirap na silang makagalaw, at halos mag-agawan sa hanging nilalanghap. Ang ilan sa kanila ay hindi na inabutan ng bukas, habang ang iba ay nagising sa piling ng mga nasawi na nilang kasamahan.
+
Gutom at úhaw, ang mga bilanggo ay lalong naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro. Minsan din silang binigyan ng pagkain, ngunit tila hayop silang pinakain ng mga panis na kanin. Nang sapitin nila ang Capas, Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo. Sa gabi, sila ay pinatutulog sa isang tila bodegang silid—masikip at madilim, at ang mga bilanggo ay parang mga sardinas na nagsisiksikan dito. Sa kasikipan, hirap na silang makagalaw, at halos mag-agawan sa hanging nilalanghap. Ang ilan sa kanila ay hindi na inabutan ng bukas, habang ang iba ay nagising sa piling ng mga nasawi na nilang kasamahan.
  
Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila ay ibiyahe sa mga tren. Sa loob ng masisikip at maiinit na kahon ay marami na naman sa kanila ang namatay. Ang mga nakaligtas ay muling pinaglakad ng pitong milya hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O'Donnell. Humigit kumulang sampung libo sa mga bilanggo ang namatay samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang kagubatan. Halos 54,000 na lamang ang nakarating sa kanilang piitan.
+
Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila ay ibiyahe sa mga tren. Sa loob ng masisikip at maiinit na bagon ay marami na naman sa kanila ang namatay. Ang mga nakaligtas ay muling pinaglakad ng pitong milya hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O'Donnell. Humigit-kumulang sampung libo sa mga bilanggo ang namatay samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang kagubatan. Halos 54,000 na lamang ang nakarating sa kanilang piitan.
  
 
== Paggunita ==
 
== Paggunita ==
Tuwing sasapit ang 9 ng Abril ay ginugunita ng mga Filipino ang Bataan Death March bilang [[Araw ng Kagitingan]] (o Araw ng Bataan), isang pista opisyal. Kasama sa paggunita dito ay ang pag-aalay rin ng bulaklak sa mga bantayog na itinayo bilang pagkilala sa mga sundalong namatay sa mapagpahirap na pagmamartsa—sa Paggunita sa Capas ([[Capas National Shrine]]) sa Tarlac; at sa [[Dambana ng Kagitingan]] sa Bataan. Ang mga nabanggit na bantayog ay nasa pangangalaga ng pamahalaan ng Pilipinas.
+
Tuwing sasapit ang Abril 9 ay ginugunita ng mga Pilipino ang Bataan Death March bilang [[Araw ng Kagitingan]] (o Araw ng Bataan), isang pistang opisyal. Kasama sa paggunita dito ay ang pag-aalay rin ng mga bulaklak sa mga bantayog na itinayo bilang pagkilala sa mga sundalong namatay sa mapagpahirap na pagmamartsa—sa Paggunita sa Capas ([[Capas National Shrine]]) sa Tarlac at sa [[Dambana ng Kagitingan]] sa Bataan. Ang mga nabanggit na bantayog ay nasa pangangalaga ng pamahalaan ng Pilipinas.
  
 
== Mga Sanggunian ==
 
== Mga Sanggunian ==

Revision as of 12:57, 1 March 2021

Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 75,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war) na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang Himpilang O'Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw.

Paghina ng Depensang Amerikano

Noong 11 Marso 1942, sa utos ni Pangulong Theodore Roosevelt, Jr., nilisan ni Heneral Douglas MacArthur, kasama ang ilang tropang Amerikano, ang Corregidor patungong Australia. Sa pag-alis ng heneral, itinalaga si Jonathan Mayhew Wainwright IV bilang kahalili nito sa Corregidor, at si Heneral Edward P. King naman ang siyang naatasang mamuno sa pakikipagdigmaan sa Bataan. Unti-unting naramdaman ng mga kawal na Amerikano ang paghina ng kanilang hukbo laban sa mga atake ng bansang Hapon. Maliban dito, naging madalang na rin ang pagdating ng mga rasyong pagkain, gamot, at sandata mula Estados Unidos, at patuloy na dumarami ang nagkakasakit at napipinsala. Dahil dito, wala ng ibang alternatibo kundi ang pagsuko sa mga Hapon.

Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 1942 ay naging mabigat na dahilan upang humina ang depensa at tuluyang magapi ang Corregidor isang buwan ang makalipas. Ang pagsukong ginawa ng mga Amerikano sa Bataan ay siyang naging hudyat sa pagtatapos ng digmaan dito. Ngunit kasabay ng nasabing pagsuko at pagbandera ng puting watawat ay ang anim na araw na pagpapahirap sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa tinaguriang Death March.

Ang Martsa

Kinilalang Death March, ang sapilitang pagmamartsa na ito ay nagdala ng matinding pahirap at trahedya sa mga sundalong napabilang dito. Sa pagsukong ginawa ni Heneral King kay Heneral Masaharu Homma, ipinaalam niya sa huli na marami sa kaniyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito, iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa Himpilan ng O'Donnell gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit hindi ito inalintana ni Homma, bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo.

Umabot ng anim na araw ang nasabing martsa. Sa kasagsagan ng init ng araw, ang mga bilanggo ng digmaan ay walang tigil na pinalakad habang sila ay tinututukan ng baril ng mga Hapones. Nilakad nila ang kahabaan ng Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga. Sa mga pagkakataong sila ay “pinagpapahinga,” sila ay puwersahan din na pinapaupo sa ilalaim ng matinding sikat ng araw nang walang anomang lilim. Ang sinomang manghingi ng tubig na maiinom ay dagliang pinapatay.

Sa unang yugto pa lamang ng martsa ay marami na ang namatay. Ang mga nanghihina at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapones, o hindi kaya ay pinagbabaril. Ang ilan sa kanila ay inabuso at labis na sinaktan, habang ang iba naman ay hinayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng Hapon.

Gutom at úhaw, ang mga bilanggo ay lalong naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro. Minsan din silang binigyan ng pagkain, ngunit tila hayop silang pinakain ng mga panis na kanin. Nang sapitin nila ang Capas, Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo. Sa gabi, sila ay pinatutulog sa isang tila bodegang silid—masikip at madilim, at ang mga bilanggo ay parang mga sardinas na nagsisiksikan dito. Sa kasikipan, hirap na silang makagalaw, at halos mag-agawan sa hanging nilalanghap. Ang ilan sa kanila ay hindi na inabutan ng bukas, habang ang iba ay nagising sa piling ng mga nasawi na nilang kasamahan.

Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila ay ibiyahe sa mga tren. Sa loob ng masisikip at maiinit na bagon ay marami na naman sa kanila ang namatay. Ang mga nakaligtas ay muling pinaglakad ng pitong milya hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O'Donnell. Humigit-kumulang sampung libo sa mga bilanggo ang namatay samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang kagubatan. Halos 54,000 na lamang ang nakarating sa kanilang piitan.

Paggunita

Tuwing sasapit ang Abril 9 ay ginugunita ng mga Pilipino ang Bataan Death March bilang Araw ng Kagitingan (o Araw ng Bataan), isang pistang opisyal. Kasama sa paggunita dito ay ang pag-aalay rin ng mga bulaklak sa mga bantayog na itinayo bilang pagkilala sa mga sundalong namatay sa mapagpahirap na pagmamartsa—sa Paggunita sa Capas (Capas National Shrine) sa Tarlac at sa Dambana ng Kagitingan sa Bataan. Ang mga nabanggit na bantayog ay nasa pangangalaga ng pamahalaan ng Pilipinas.

Mga Sanggunian

  • Jose, Ricardo T. Kasaysayan VII: The Story of the Filipino People – The Japanese Occupation. Philippines: Asia Publishing Company Limited, 1998.
  • "The Bataan Death March: April 9, 1942." About Bataan. https://bataanmarch.com/about-bataan/ Hinango noong 23 Pebrero 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.