Bacolod

From Wikfilipino
Revision as of 08:10, 28 April 2021 by Mcajulis (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang Lungsod ng Bacolod ay ang kabisera at pinaka-maunlad na pook sa lalawigan ng Kanlurang Negros. Ayon sa senso ng 2015, ito ay may populasyon na 561,875 sa may 126,516 na kabahayan. Ang lungsod ay kilala para sa piesta ng MassKara na nangyayari sa Oktobre at tinatawag rin bilang "The City of Smiles" at "Football City of the Philippines". Ang Bacolod ay bago lang nanguna sa survey ng MoneySense Magazine bilang pinaka-magandang lugar na tirahan.

Hiligaynon (Ilonggo) ang pangunahing salita na ginagamit sa Bacolod. Ang pangunahing kalakal ng pulo ng Negros ay asukal, kung saan ang pinakamalaking kompanya ng tagagawa ng asukal, ang Victorias Milling Company ay naroroon. Ang Bacolod ang sentro ng kalakal sa pagpapaluwas ng asukal galing sa pulo patungo sa iba't ibang bahagi ng kapuluan at sa pagluwas sa ibang bansa.

Kasaysayan

Ang pangalan ng lungsod ay galing sa salitang Hiligaynon na "Bacolod" na ibig sabihin ay burol o punso. Ito ang naging tawag sa lugar dahil ito'y itinatag sa mabatong burol na ngayon ay ang distrikto ng Granada.

Dahil sa mga pananakop ng mga Muslim, inilipat ang lugar sa tabing-dagat. Ang lugar ay tinawag na Da-an Banwa na ibig sabihin na "Lumang Lugar"

Noong 1894 sa utos ni Gobernador General Claveria ang Bacolod ay naging kabisera ng Kanlurang Negros. Si Bernardino de los Santos ay naging unang Gobernadorcillo at si Julian Gonzaga bilang unang Pari.

Mga Barangay

Ang Bacolod ay nahahati sa 61 na mga barangay.

  • Barangay 1 (Poblacion)
  • Barangay 2 (Población)
  • Barangay 3 (Población)
  • Barangay 4 (Población)
  • Barangay 5 (Población)
  • Barangay 6 (Población)
  • Barangay 7 (Población)
  • Barangay 8 (Población)
  • Barangay 9 (Población)
  • Barangay 10 (Población)
  • Barangay 11 (Población)
  • Barangay 12 (Población)
  • Barangay 13 (Población)
  • Barangay 14 (Población)
  • Barangay 15 (Población)
  • Barangay 16 (Población)
  • Barangay 17 (Población)
  • Barangay 18 (Población)
  • Barangay 19 (Población)
  • Barangay 20 (Población)
  • Barangay 21 (Población)
  • Barangay 22 (Población)
  • Barangay 23 (Población)
  • Barangay 24 (Población)
  • Barangay 25 (Población)
  • Barangay 26 (Población)
  • Barangay 27 (Población)
  • Barangay 28 (Población)
  • Barangay 29 (Población)
  • Barangay 30 (Población)
  • Barangay 31 (Población)
  • Barangay 32 (Población)
  • Barangay 33 (Población)
  • Barangay 34 (Población)
  • Barangay 35 (Población)
  • Barangay 36 (Población)
  • Barangay 37 (Población)
  • Barangay 38 (Población)
  • Barangay 39 (Población)
  • Barangay 40 (Población)
  • Barangay 41 (Población)
  • Alangilan
  • Alijis
  • Banago
  • Bata
  • Cabug
  • Estefanía
  • Felisa
  • Granada
  • Handumanan
  • Mandalagan
  • Mansilingan
  • Montevista
  • Pahanocoy
  • Punta Taytay
  • Singcang-Airport
  • Sum-ag
  • Taculing
  • Tangub
  • Villamonte
  • Vista Alegre

Media

TV

  • DYWB TeleRadyo 2
  • ABS-CBN Negros (Channel 4)
  • RMN DYHB TeleRadyo 6
  • RPN DYKV TeleRadyo 8
  • DYRL TeleRadyo 10
  • GMA Negros (Channel 13)
  • 5 Western Visayas (Channel 32)

Radyo

AM

  • DYWB Bombo Radyo 630
  • DYEZ Aksyon Radyo 684
  • RMN DYHB 747
  • DYRL Radyo Pilipino 1035
  • DZRH 1080
  • Radyo5 1125
  • DYAF Radyo Totoo 1143
  • DYVS FEBC 1233
  • RPN DYKB Radyo Ronda 1404

FM

  • 90.3 FM1
  • 91.9 Love Radio
  • 94.3 iFM
  • 95.9 Star FM
  • 99.1 Q Radio
  • RJ 99.9
  • MOR 101.5
  • 102.3 Korean Radio
  • 103.1 Brigada News FM
  • 103.9 Bandera News FM
  • 105.5 Easy Rock
  • Magic 106.3
  • Barangay FM 107.1

Demograpiko

Senso ng populasyon ng

Bacolod

Taon Pop. ±% p.a.
1903 15,983 —    
1918 19,424 +1.31%
1939 57,474 +5.30%
1948 101,432 +6.52%
1960 119,315 +1.36%
1970 187,300 +4.61%
1975 223,392 +3.60%
1980 262,415 +3.27%
1990 364,180 +3.33%
1995 402,345 +1.88%
2000 429,076 +1.39%
2007 499,497 +2.12%
2010 511,820 +0.89%
2015 561,875 +1.79%
Sanggunian: PSA

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Bacolod. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.