Association of Southeast Asian Nations

From Wikfilipino
Revision as of 15:39, 9 June 2021 by Mcajulis (talk | contribs) (Created page with " ''Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang [https://en.wikipilipinas.org/view/Association_of_Southeast_Asian_Nations Association of Southeast...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Association of Southeast Asian Nations.

Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay isang organisasyong pampolitika, kultura, at ekonomiya. Ang pangunahing layunin nito ay ang pagtataguyod ng pangkabuhayan, panlipunan, at pangkulturang kaunlaran ng mga bansa sa Timog-silangang Asya. Dagdag pa nito, layunin din ng ASEAN ang pangangalaga ng pangkabuhayan at pampolitikang katatagan ng mga kasaping bansa.

Kasaysayan

Nagmula ang ASEAN sa samahang MAPHILINDO noong 1960 na binubuo ng bansang Malaysia, Pilipinas, at Indonesia. Kung kaya’t ang organisasyong ito ang tinaguriang ugat ng ASEAN.

Nabuo ang ASEAN noong 8 Agosto 1967 sa Bangkok, Thailand sa pangunguna ng limang bansa. Ito ay ang Pilipinas, Thailand, Malaysia, Indonesia, at Singapore. Sumapi naman ang Brunei Darussalam noong 8 Enero 1984, Vietnam noong 28 Hulyo 1995, Laos at Myanmar noong 23 Hulyo 1997, at Cambodia noong 30 Abril 1999. Pinagtibay ang prinsipyo ng kapayapaan at pagtutulungan noong 1976 sa ASEAN Declaration o itinuturing din na foundation document ng ASEAN.

Noong 2003, napagkasunduan na magkaroon ng ASEAN Community at hatiin ito sa tatlong pangunahing haligi: ang ASEAN Security Community, ASEAN Economic Community, at ASEAN Socio-cultural Community.

Noong 2006, mayroon ng koneksyon sa 560 milyon katao ang ASEAN, may mahigit kumulang 1.7 million square miles na lupain, at nagkakahalaga ng US $1,100 billion Gross Domestic Product (GDP). Sa kasalukuyan, ang organisasyong ito ay tinuturing na isa sa mga pinakamatagumpay na panrehiyong organisasyon sa buong mundo.

ASEAN Security Community

Sa pamamagitan ng pampolitikang pagpupulong, wala pang naitalang kaguluhan o paghaharap ang mga miyembrong bansa kontra miyembrong bansa mula pa nang maitatag ito tatlong dekada na ang nakararaan. Upang higit na mapatibay ang matagal na samahang ito, napagkasunduang itatag ang ASEAN Security Community na may layuning mapanatili ang makatarungan, demokratiko, at matiwasay na pamumuhay ng mga bansang kasapi. Layunin nito na panatilihin ang kapayapaan sa bawat rehiyon at relasyon ng mga rehiyon nito sa iba pang bansa. Ang mga bahagi nito ay ang pangkaunlarang politikal; paghuhubog at paghahati-hati ng mga pamantayan; pagpigil sa mga hidwaan; pagresolba sa mga tunggalian; at pagpapatupad ng mga tungkulin.

ASEAN Economic Community

Itinatag ang ASEAN Economic Community upang mabigyang pag-asa ang nilalayong ASEAN Vision 2020. Ito ay naghahangad na magkaroon ng matatag, maunlad, at mataas na kakayahan ang bawat bansang kasapi ng ASEAN kung saan mayroong maayos na agos ng produkto, serbisyo, pamumuhunan at kapital, maunlad na ekonomiya, at mabawasan ang kahirapan sa 2020. Huhubugin ng ASEAN-EC ang mga bansa sa Timog Silangang Asya bilang isang sentro ng pangangalakal upang mabigyan ng pagkakataon ang mga bansa sa mas malaking oportunidad para sa negosyo. Sa pamamagitan nito ay mapapalawak at mapapatibay ang relasyon ng bansa sa pandaigdigang kalakal.

ASEAN Socio-cultural Community

Isa sa mga bahagi ng samahan na itinatag upang makamit ang tinatawag na ASEAN Vision 2020 ay ang ASEAN Socio-Cultural Community. Nakikinita nito ang Timog-silangang Asya bilang isang buong komunidad na may pagpapahalaga at pag-aalaga sa bawat isa at nagkakaroon ng isang pagkakakilanlan. Tatangkilikin nito ang pagtutulungan sa kaunlarang panlipunan, pagtataas sa estado ng pamumuhay ng mga naghihirap, at paghahanap ng suporta ng iba’t ibang sektor ng lipunan partikular na sa mga kababaihan, kabataan, at lokal na komunidad.

Mga Kasaping Bansa

Bandila Bansa Emblema Kapital Salapi Pambansang Awit Uri ng Pamahalaan Opisyal na Wika
Flag of Brunei.svg Brunei Emblem of Brunei.svg Bandar Seri Begawan Brunei dollar

(BND; B$)

"Allah Peliharakan Sultan"

("God Bless the Sultan")

Unitary Islamic absolute monarchy Malay
Flag of Cambodia.svg Cambodia Royal arms of Cambodia.svg Phnom Penh Cambodian riel

(KHR; ៛)

"Nokor Reach"

("Royal Kingdom")

Unitary dominant-party parliamentary elective constitutional monarchy Khmer
Flag of Indonesia.svg Indonesia National emblem of Indonesia Garuda Pancasila.svg Jakarta Indonesian rupiah

(IDR; Rp)

"Indonesia Raya"

("Great Indonesia")

Unitary presidential constitutional republic Indonesian
Flag of Laos.svg Laos Emblem of Laos.svg Vientiane Lao kip

(LAK; ₭)

"Pheng Xat Lao"

("Hymn of the Lao People")

Unitary Marxist–Leninist one-party socialist republic Lao
Flag of Malaysia.svg Malaysia Coat of arms of Malaysia.svg Kuala Lumpur Malaysian ringgit

(MYR; RM)

"Negaraku"

("My Country")

Federal parliamentary constitutional elective monarchy Malaysian
Flag of Myanmar.svg Myanmar State seal of Myanmar.svg Naypyidaw Burmese kyat

(MMK; K)

"Kaba Ma Kyei"

("Till the End of the World")

Military Junta (Min Aung Hlaing) Burmese
Flag of the Philippines.svg Philippines Coat of arms of the Philippines.svg Manila Philippine peso(PHP; ₱) "Lupang Hinirang"

("Chosen Land")

Unitary presidential constitutional republic Filipino at English
Flag of Singapore.svg Singapore Coat of arms of Singapore.svg Singapore Singapore dollar

(SGD; S$)

"Majulah Singapura"

("Onward Singapore")

Unitary dominant-party parliamentary constitutional republic Malay, Chinese, English, and Tamil
Flag of Thailand.svg Thailand Emblem of Thailand.svg Bangkok Thai baht

(THB; ฿)

"Phleng Chat"

("National Anthem")

Unitary parliamentary constitutional monarchy Thai
Flag of Vietnam.svg Vietnam Emblem of Vietnam.svg Hanoi Vietnamese đồng

(VND; ₫)

"Tiến Quân Ca"

("Marching Song")

Unitary Marxist–Leninist one-party socialist republic Vietnamese

Mga Pagpupulong

Isa sa mga pagpupulong na nagkaroon ng mahahalagang kaganapan ay ang Deklarasyon sa Kuala Lumpur noong 1971. Dito nagkasundo ang mga kasapi na magtatag ng isang sona ng kalayaan, kapayapaan, at neutralidad (zone of freedom, peace, and neutrality o ZOFPAN) at isang sona na malayo sa sandatang nukleyar sa Timog-silangang Asya.

Noong 1976, naganap ang komperensya sa Bali, Indonesia at nabuo ang dalawang dokumento tungo sa higit na pagsasamahan at pagtutulungan sa Timog-silangang Asya. Matapos ang isang taon, noong Agosto 1977, muling nagsagawa ng pagpupulong at dito ay muling pinahalagahan ang layunin ng ZOFPAN. Muling binalangkas ang mga adhikain ng mga komite para sa higit pang pagkakaloob ng tulong at pagpapatatag sa hanay ng mga kasaping bansa. Noong Disyembre 1987, ginanap naman ang pagpupulong sa Maynila. Ang pang-apat na pagpupulong ay naganap sa Singapore at ang sumunod ay naganap naman sa Bangkok, Thailand.

Panlabas na Kawing

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.