Apolinario Mabini Awards

From Wikfilipino
Revision as of 07:18, 22 March 2021 by Mrmagcamit (talk | contribs) (Created page with "Dakilang Lumpo” o “Dakilang Paralitiko” ang ilan lamang sa mga bansang kay Apolinario Mabini. Tinatawag siyang “dakila” dahil sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nag...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Dakilang Lumpo” o “Dakilang Paralitiko” ang ilan lamang sa mga bansang kay Apolinario Mabini. Tinatawag siyang “dakila” dahil sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nagawa pa rin niyang

maglingkod sa bayan. Hindi naging hadlang ang pisikal na limitasyon ni Mabini sa paglaban para sa kalayaan ng mga Pilipino.

Isang Modelo

Isang magandang modelo si Mabini para sa mga taong may kapansanan (person with disability o PWD). Kaya naman ipinangalan sa kaniya ang Apolinario Mabini Awards na inilunsad ng Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled, Inc. noong 1974. Ang tumatanggap ng parangal na ito ay mga taong may kapansanan, pinuno o manggagawa ng pamahalaan, o ahensiya ng pamahalaan na nakapagambag para sa kapakanan ng mga may kapansanan.

Kabilang ang sumusunod na kategorya sa Apolinario Mabini Awards: Disabled Filipino of the Year; Special Disabled Filipino of the Year; Disabled Group of the Year; Employer of the Year; Mabini Presidential Awardee; Special Mabini Presidential Award for PWD Rights-Based Advocacy; Rehabilitation Volunteer of the Year; at Media Advocate of the Year. Ang pangulo ng Pilipinas ang nangunguna sa pagpaparangal nito.

Pamana ni Mabini

Ang Apolinario Mabini Awards ay sumisimbolo sa kahalagahan ng naiambag ni Mabini para sa pagangat ng lagay sa buhay ng mga may kapansanan. Isinusulong ng parangal ang kaisipan na “hindi hadlang ang kapansanan upang makagawa ng magagandang bagay para sa kapuwa at sa bansa.”

Hindi lamang nagsisilbing parangal ang Apolinario Mabini Awards. Ito rin ay nagsisilbing inspirasyon para sa mga Pilipino na tumulong at mag-ambag para sa ikauunlad ng bansa at ng mga taong may kapansanan.

Sanggunian

Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled, Inc. “Apolinario Mabini Awards.” https://pfrd.org.ph/apolinario-mabini-awards. Accessed 22 Marso 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.