Difference between revisions of "Antonio Pigafetta"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
m (Juan Sebastián Elcano name and internal link)
Line 37: Line 37:
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
{{WikiFilipino Nilalaman}}
 
[[Category:Quincentenario]]
 
[[Category:Quincentenario]]
[[Category:Kasaysaysan]]
 
 
[[Category:Makasaysayang Tao]]
 
[[Category:Makasaysayang Tao]]
 +
[[Category:Kasaysayan]]

Revision as of 10:53, 27 February 2021

Si Antonio Pigafetta (s. 1491–s. 1534) ay isang Italyanong nabegador at iskolar na ipinanganak sa Venetia. Siya ay naglayag para sa Espanya kasama si Ferdinand Magellan. Layunin ng kanilang nabegasyon na hanapin ang Spice Islands (Moluku o Moluccas Islands) sa ruta mula sa Sanlucar de Barrameda, Spain papuntang Kanlurang Africa hanggang Brazil, at hanapin ang isang kipot sa Timog Amerika upang tahakin ang Karagatang Pasipiko.

Si Pigafetta ay isa sa mga mapalad na nakaligtas sa naganap na Labanan sa Mactan, kung saan namatay si Magellan. Nakabalik si Pigafetta sa Espanya sakay ng Victoria sa pangunguna ng nabegador na si Juan Sebastián Elcano. Sila ay matagumpay na nakabalik sa Seville, Spain noong Setyembre 1522 karga ang mga espesya.

Ang naingatang talaarawan ni Pigafetta ang nagsilbing pangunahing sanggunian ng mga datos tungkol sa mga paglalakbay nina Magellan at Elcano.

Pagsáma kay Magellan

Si Pigafetta ay nagmula sa mayamang pamilya sa Venetia, Italy. Nakapag-aral siya ng astronomiya, heograpiya, at kartograpiya.

Nalaman niya ang tungkol sa paglalayag ni Magellan noong 1519 nang samahan niya ang papal nuncio sa Espanya. At nang makasama siya sa makasaysayang paglalayag ni Magellan, si Pigafetta ay nagsilbing tagasalin at kartograpo ng eksplorador.

Nangalap din siya ng maraning datos na tungkol sa heograpiya, klima, hayop, halaman, at mga mamamayan sa mga lugar na kanilang napuntahan. Ang mga detalyadong talâ ni Pigafetta ay naging mahalagang batayan sa mga sumunod na paglalayag ng mga Espanyol at sa paggawa ng mga mapa.

Pagbabalik at Legasiya

Ayon sa ulat, nasugatan si Pigafetta sa Labanan sa Mactan, kung saan namatay naman si Magellan. Siya ay kabilang sa 18 katao na nakabalik sa Espanya sakay ng Victoria. Nang makabalik ang barko sa Sanlúcar de Barrameda noong Setyembre 1522, nagbalik naman si Pigafetta sa Italya.

Nailathala ang kaniyang mga karanasan ukol sa makasaysayang paglalayag sa kaniyang aklat na Primo Viaggio Intorno Al Mondo na nailimbag sa Paris noong 1525, ngunit hindi pa ito buong nailathala hanggang noong ika-18 siglo. Sa kasamaang-palad, hindi rin naingatan ang orihinal na dokumento.

Si Pigafetta ay hinirang na Knight of Rhodes. Namatay siya noong 1534 sa Venetia.

Sa Pilipinas, ipinatayo ng mga Espanyol ang kaniyang rebulto noong 1565 sa Fort San Pedro sa Cebu City, na naroon pa rin sa kasalukuyan.  

Pelikula

Inilalarawan sa pelikulang Lapu-Lapu (2002) si Antonio Pigafetta bilang miyembro ng ekspedisyon ni Magellan sa Cebu.

Mga Gawa

Sumulat si Antonio Pigafetta na hindi bababa sa dalawa, pareho itong nakaligtas:

  • Relazione del primo viaggio intorno al mondo (1524-1525);
  • Regole sull'arte del navigare (1524-1525) (nakapaloob sa Andrea da Mosto, pat. (1894) Il primo viaggio intorno al globo di Antonio Pigafetta e le sue regole sull'arte del navigare).

Sanggunian

  • Erin Blakemore. “Magellan was first to sail around the world, right? Think again.” National Geographic, 19 Setyembre 2019. https://www.nationalgeographic.com/culture/2019/09/magellan-first-sail-around-world-think-again. Accessed 19 Enero 2021.
  • Phillip Y. Kimpo Jr., ed. Virgilio S. Almario. “Antonio Pigafetta.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas, Edisyon 2013. Quezon City: Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.
  • Blair & Robertson. The Philippine Islands 1493–1898, Vol. XXXIII. Guternberg.org, https://www.gutenberg.org/files/42884/42884-h/42884-h.htm. Accessed 19 Enero 2021.  

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.