Antonio J. Molina

From Wikfilipino
Revision as of 10:01, 15 March 2021 by Mrmagcamit (talk | contribs) (Created page with "Si '''Antonio Jesus Naguiat Molina''', (1894-1980), Pambansang Alagad ng Sining sa Musika ng Pilipinas, ay isang musikero, kompositor, at guro na kabilang sa triumvirate ng Pi...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Antonio Jesus Naguiat Molina, (1894-1980), Pambansang Alagad ng Sining sa Musika ng Pilipinas, ay isang musikero, kompositor, at guro na kabilang sa triumvirate ng Pilipinong kompositor na nanguna sa pagsusulong ng musikang Pilipino. Kasama niya sa triumvirate sina Nicanor Abelardo at Francisco Santiago.

Pinagmulan at Edukasyon

Ipinanganak si Molina noong 26 Disyembre 1894 sa Quiapo, Maynila at supling nina Juan Molina at Simeona Naguiat. Sa gulang na 12, marunong na siyang tumugtog ng biyulin, at kinalaunan ay natuto rin siyang magpatugtog ng bandurria, mandolin, gitara, laud, bajo de unas, oktabina at cello.

Pumasok siya sa Escuela Catolica de Quiapo at sa Colegio de San Juan de Letran. Nag-aral din siya ng disenyong arkitektural, landscape sketching at malayang pagguhit. Noong 1919, pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas Konserbatoryo ng Musika para sa isang teacher's diploma sa violoncello. Naging guro niya sina Nicanor Abelardo at Robert Schofield.

Ilang Komposisyon

  • Matinal, 1912
  • Lamentos de Mi Patria (Laments of my Fatherland), 1913
  • Hatinggabi, 1915
  • Misa Antoniana Grand Festival Mass, 1964
  • Ang Batingaw, 1972
  • Pandangguhan
  • Awit ni Maria Clara
  • Larawan Nitong Pilipinas
  • Kung Sa Iyong Gunita

Parangal

  • Choral Conductor of the Year Award mula sa Music Lover's Society, 1949
  • Honorary doctorate in law mula sa CEU, 1953
  • Civic Assembly of Women of the Philippines Citation of Merit, 1962
  • Republic Cultural Heritage Award, 1965 at 1972
  • Dean Emeritus, CEU, 1970
  • UP Conservatory Alumni Award
  • Phi Kappa Beta Award, 1972
  • Pambansang Alagad ng Sining, 1973
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1979

Mga Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol VI. Philippine Music. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Antonio J. Molina. (Hinango noong 28 Mayo 2008).
  • Antonio Molina. (Hinango noong 28 Mayo 2008).
  • Antonio J. Molina. (Hinango noong 28 Mayo 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.