Amy Austria

From Wikfilipino
Revision as of 02:12, 15 March 2021 by Elilagan (talk | contribs) (Created page with "Si '''Esmeralda Dizon Tuazon''' o mas kilala bilang '''Amy Austria''' sa telebisyon ay isang Pilipinang aktres. Ipinanganak siya noong 13 Disyembre 1961 sa Tond...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Si Esmeralda Dizon Tuazon o mas kilala bilang Amy Austria sa telebisyon ay isang Pilipinang aktres. Ipinanganak siya noong 13 Disyembre 1961 sa Tondo, Maynila. Pangalawa si Austria sa anim na magkakapatid. Siya ay nagmula sa isang maralitang pamilya. Upang makaraos sa buhay, tinutulungan niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng paglalaku ng chewing gum. Nag-aral siya ng hayskul sa Rajah Soliman High School.

Karera

Ipinakilala siya ng isang kaibigan kay Baby Martinez ng MBM Productions kung kaya't nakapasok siya sa mundo ng syobis. Binigyan siya ng papel sa pelikulang Bitayin si Baby Ama (1976), ang kauna-unahang pelikulang tinampukan ni Austria at ang pelikulang nagpasikat kay Rudy Fernandez. Pagkatapos ng kanyang pangalawang pelikula, ang Alas (1976), binigyan siya ng mga pangalawang papel sa iba't ibang pelikula ng buong taon. Sumikat ng husto si Austria noong 1979 kung saan binigyan siya ng pangunahing papel sa pelikula ni Lino Brocka na Jaguar at pelikula ni Ishmael Bernal na Aliw. Naging aktibo si Austria sa syobis simula ng dekada 80'. Nirepresenta rin niya ang Pilipinas, kasama si Phillip Salvador, kasama si Lino Brocka nang ipalabas sa 1980 Cannes International Film Festival Director's Fortnight ang pelikulang Jaguar.[1]

Mga pelikulang tinampukan

Ang mga sumusunod ay ang mga pelikulang tinampukan ni Austria[2]:

Taon Pamagat ng pelikula Papel
2006 I Will Always Love You Encar
2005 Mulawin: The Movie Fiona
2004 Mano po III: My love Lilia's Mother (Fujian China 1959)
2004 Beautiful Life Benita
2004 Singles
2004 Annie B.
2003 Woman of Breakwater
2003 Magnifico Tessie
2002 Mano po Linda Go
2002 Small Voices Luz
2001 New Moon Fatima
2001 Pagdating ng panahon Ate Soni
2001 Hostage
2000 The Child Lyn
1999 Reef Hunters Susan
1999 Bulle
1998 Shirley
1997 Anak ng bulkan Seling, Pedring's Mother
1997 Anak ng dilim Magda
1997 Ako lang sa langit
1997 Masdan mo ang mga bata
1997 Frats
1997 Vulcan
1996 Isa, dalawa, takbo! Digna
1996 Kristo Mary Magdalene
1996 Sa aking mga kamay Anne
1996 Trudis liit
1995 The Flor Contemplacion Story Delia Maga
1995 Nena
1995 Campus Girls
1995 Patayin sa sindak si Barbara Arlene
1993 Kung mawawala ka pa Sylvia
1992 Narito ang puso ko
1988 Celestina Sanchez A.K.A. Bubble Bubble
1987 Ibigay mo sa akin ang bukas
1986 Kay haba ng gabi
1985 Hinugot sa langit Stella
1985 Escort Girls
1984 Mga batang yagit
1984 May lamok sa loob ng kulambo
1984 Kung mahawi man ang ulap Rita Acuesta
1983 Palabra de honor
1983 Sugat sa ugat
1983 Paano ba ang mangarap? Maya
1982 Kumander Elpidio Paclibar
1982 Waywaya
1982 Bad Boy from Dadiangas
1981 Caught in the Act Cedes
1981 Kontrobersyal
1981 Burgis Nedy
1981 Cover Girl Totay
1981 Ako ang hari
1981 Pabling
1981 Tropang bulilit
1980 Langis at tubig Pilar Jarlego
1980 Brutal Monica Real
1980 Uhaw sa kalayaan
1980 Alaga
1980 Goriong butete
1980 Nang bumuka ang sampaguita
1980 Hepe
1979 Mamang Sorbetero
1979 Gabun
1979 Jaguar Cristy
1979 Swing It... Baby! Didith
1979 Menor de edad
1979 Harabas' Angels
1979 Pleasure Hostess #1
1979 Bedspacers
1978 Salonga
1978 Atsay Linda
1978 Garrote: Jai alai king
1978 Sabi barok lab ko dabiana
1977 Binata ang daddy ko
1977 Ang pagbabalik ni Harabas at Bulilit
1977 Miss Dulce Amor, Ina
? Katas ng langis
? Nananabik... sa 'yong pagbabalik

Mga palabas sa telebisyong tinampukan

Ang mga sumusunod ay ang mga palabas sa telebisyon tinampukan ni Austria[3]:

Taon Pamagat ng palabas Papel
2011 Minsan lang kita iibigin Rosa / Lora Sebastiano
2007 Walang kapalit Ceding
2006 Bituing walang ningning Barbara Arguelles
2006 Crazy for you
2005 Now and forever
2005 O, Mare ko!
2005 Sugo Graciela
2004 Mulawin Lourdes
2003 Daisy Siete
2003 Narito ang puso ko Elsa
2000 The Promise Lourdes Magbanua Buenavista
1999 Kirara: Ano ang kulay ng pag-ibig?

Mga parangal

Ang mga sumusunod ay ang parangal na nakamit ni Austria[4]:

Taon Parangal Kategorya Pelikula Resulta
2005 FAP Awards Best Supporting Actress Beautiful Life (2004) Nominado
2005 Golden Screen Awards Best Performance by an Actress in a Leading Role Beautiful Life (2004) Nominado
2003 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktres Mano po (2002) Nominado
2003 FAMAS Award Best Supporting Actress Mano po (2002) Nominado
2002 FAMAS Award Best Actress New Moon (2001) Nominado
2001 FAP Awards Best Supporting Actress The Child (2000) Nakamit
1996 Young Critic Circle Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual or Ensemble in Leading or Supporting Role Nena (1995) Nominado
1996 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktres Nena (1995) Nominado
1994 FAMAS Award Best Supporting Actress Kung mawawala ka pa (1993) Nominado
1994 Gawad Urian Pinakamahusay na pangalawang aktres Kung mawawala ka pa (1993) Nominado
1993 FAP Awards Best Supporting Actress Narito ang puso ko (1992) Nakamit
1993 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktres Narito ang puso ko (1992) Nakamit
1989 FAMAS Awards Best Actress Celestina Sanchez A.K. A. Bubble (1988) Nominado
1989 FAP Awards Best Actress Celestina Sanchez A.K.A. Bubble (1988) Nakamit
1986 FAMAS Awards Best Supporting Actress Hinugot sa langit (1985) Nominado
1986 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktres Hinugot sa langit (1985) Nominado
1982 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktres Ako ang hari (1981) Nominado
1981 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na aktres Brutal (1980) Nominado
1981 FAMAS Awards Best Actress Brutal (1980) Nakamit
1980 Gawad Urian Awards Pinakamahusay na pangalawang aktre Jaguar (1979) Nakamit
1980 Metro Manila Film Festival Festival Prize Brutal (1980) Nakamit
1979 FAMAS Awards Best Supporting Actress Atsay (1978) Nominado

Dagdag kaalaman

Ikinasal si Austria kay Duke Ventura, may dugong Koreano at nakapagtapos sa Pamantasang Ateneo de Manila, at sila ay biniyayaan ng isang anak. Bago siya kinasal, nagsama rin si Austria at si Jay Ilagan. Nag-ampon rin sila ni Ilagan ng isang anak, si Alexandra.[5]

Noong Abril 2011, nadiskobreng may cyst sa tiyan si Austria at may bulto ng laman sa isa sa kanyang mga ovary. Upang maiwasan ang komplikasyon, sumailalim si Austria sa isang operasyon, ang hysterectomy. Ito ang dahilan ng kanyang panandaliang pagkawala sa soap operang Minsan lang kita iibigin kung saan ginagampanan niya ang papel ni Laura/Rosa bilang isang rebelde.[6]

Sanggunian

  1. IMDb.com Biography: Amy Austria binisita noong: 13 Hulyo 2011.
  2. IMDb.com. Filmography: Amy Austriabinisita noong: 13 Hulyo 2011
  3. IMDb.com. Filmography: Amy Austriabinisita noong: 13 Hulyo 2011
  4. IMDb.com. Awards: Amy Austriabinisita noong: 13 Hulyo 2011
  5. Movie Celebrities: Amy Austria binisita noong: 13 Hulyo 2011.
  6. Brosas, Alex Valentin. Amy Austria-Ventura's recent medical emergency binisita noong: 13 Hulyo, 2011.


Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.